That Wacky afternoon in that salon
By Shise004
Chapter 21
Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa bandang braso ko. Agad bumungad sakin ang mukha ni Edward na ngayon ay nakatunghay sakin. Biglang umayos ako ng upo at humikab. Sumandal ako sa upuan habang papikit-pikit akong tumingin sa kanya. Sabay napatingin ako sa kanan at kaliwa. Di ko mapigilang mapakunot. Pansin kong nasa Ferrari pa rin kami? Ganun ba kalayo ang mansyon at hanggang ngayon nasa daan parin kami? At di lang basta basta daan, kapansin-pansin din na may mga palayan at tubuhan akong nakikita ng matingnan ko ang paligid. Hanggang sa bumalik sakin ang mga nangyari kagabi. Gusto ko na naman syang batukan. Pero agad ko ring narealize na hindi na ito ang daan papuntang mansyon.
Tiningnan ko sya ng may pagtataka kasi sa tingin ko mukhang ibang lugar na ito. Agad umarangkada ang panic sa buo kung pagmumukha.
"Nasaan tayo Edward? Anong nangyayari bakit nandito tayo? "
"Tanan, "
"Ha? Anong tanan? Bagong word ba yan?" Saka lang nag sink in sa utak ko ang painagsasabi nya.
Binalingan ko sya ng masamang tingin. "Ano-anong pinagsasabi mo? "
"See ! We're not in the city anymore. "
Pagkakasabi niya nun, agad lumakas ang tahip ng dibdib ko. Dyosko! Sabay napatingin ulit ako sa labas ng kotse. Totoo nga puro nga pananim tulad ng nakikita ko kanina. Ni isang bahay wala nga akong makita eh, damuhan meron pa. Omg!
Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko, huling-huli ko sya na nagpipigil ng tawa. As in literal na pinaglalaruan ako ng damuhong to. Babatukan ko na sana sya ng bawiin nya bigla ang sinabi nya. "Im just joking maymay ," Huminga ako ng malalim at ibinaba ang kamay ko. Pasalamat sya wala akong makitang pwedeng ihambalus sa pagmumukha nya kundi, naku! Aga aga kumukulo na ang dugo ko dahil sa kanya.
"But, i think we will stay here for a while,until things get back to normal."
Sabi nya matapos humupa ang inis ko sa kanya. Salamat naman. Parang aatakihin lang naman ako sa puso dahil sa mga pinagsasabi niya.
"But what if its real Maymay , papayag ka bang itanan kita?" Agad nagpanting ang tinga ko sa sinabi nya.
Oo nga pano kung itatanan nya talaga ako? Ghad! Anong gagawin ko? Makikipag tanan din ba ako? Papatulan ko ba ang kahibangan niya. Tss
"Baliw ! " Tama na yung isang bisis mo akong pinaasa. Pinili kong di yun sabihin. Shit lang. Ginawa mo na nga akong pretend gf. Uulitin mo na naman. Ano yun double kill? Tanganess lang ang peg ko? Tama na yung isang bisis. Shakit!
"Ayaw mo nun, parang Romeo and Juliet?" nang aasar na sambit nya. Sabay kindat sakin. Bushak! Nagpapacute ba ang hudyong to? Tss!
Di ko napigilan ang sariling abutin at pingutin ng husto ang tenga nya hanggang sa mamula yun. Inis na nga ako sayo, pinapalala mo pa. Ha!
"Ouch! Maymay... Stop it!" Binitiwan ko na rin agad.
"Aww, " napapangiwing napatingin sya sa harap ng salamin at sinuri ang namagang tenga nya. Haha gusto ko sana syang pagtawanan kaya lang baka gantihan nya lang ako.
"Look at my ear, " sabi nyang parang batang nagsusumbong sa Nanay nya. Di ko mapigilang ma-amazed sa kanya habang hinihilot at hawak hawak parin ang tenga.
Pansin kong di na sya umimik. At pinaandar na ang kotse niya.
Ilang minoto na ring nagda drive si Edward ng mapansin kong, naka white Polo shirt na sya sa ilalim na pinatungan ng maong jacket. Samantalang ako naka gown parin. Takte! Ang kati- kati na sa pakiramdam nitong, suot suot ko. Gusto ko ng maghubad este magpalit ng damit!
"Need anything? " napansin nya atang para akong kiti-kiting di mapakali.
Napalingon agad ako sa kanya, "ah eh di ba ako magpapalit ng damit? " nahihiyang tanong ko.
"Oh crap.." At sinundan nya ng sunod-sunod na pag iling. Pansin ko ring dahan-dahan nyang inihinto ang kotse at itinabi sa gilid ng daan.
Agad syang tumagilid at may inaabot na kung ano sa back seat. Napatingin na rin ako sa ginagawa nya.
"Here," at may bagay na inabot sakin. Paper bag? Agad kung tiningnan kung ano ang laman nun , pansin kung may mga damit at nakikita kong may undies din yong kasama. Nanlaki ang mata ko.
"Ikaw ba bumili nito? "
Tumango lang sya. Napatakip ako sa bibig, ibig sabihin.....
"Ikaw din ba ang namili nitong....."
Kapansin-pansin ang pamumula nya ng na gets niya ang ibig kong sabihin. "No ! I just told the sales person to include some undies, " sabi nyang di makatingin sakin ng deretso..
Salamat naman kung ganun. Huhubarin ko na sana yung gown ng mapansin kung naka tunganga lang sya sa tabi ko. Habang titig na titig sakin.
Agad nagsalubong ang mga kilay ko. Anong binabalak ng mokong nato? Gusto pa ata nito ng live show eh. Sabay pinitik ko ang ilong nya. "Hoy! "Napakurap-kurap sya at parang biglang natauhan.
"Di ka ba lalabas? "
Hindi na sya nagsalita mabilis nyang nabuksan ang pinto ng kotse, nagmamadaling lumabas. Di ko tuloy mapigilang mapa taas ang isang kilay. Anong problema nun?
Wala pang sampung minoto ay nakapagpalit na agad ako ng damit. Tented naman kasi yung salamin ng kotse kaya okay lang kahit nakahubad sa loob. Hehe!
Pansin kung maong skirt at plain white shirt at maong na jacket ang laman nung paper bag. Na syang suot suot ko ngayon. Hays, nu ba yan ! Machy machy pa ata kami?
Lumabas na rin ako ng kotse parang gusto ko rin kasing humigop ng sariwang hangin. Nagulat ako ng makalabas ng kotse si Edward nakatalikod lang pala kala ko pumunta sya dun sa malayong malayo e.
"Hoy! " nagulat ko ata sya. Ganun pala talaga noh basta rich kid magugulatin? Tss.
"Stop yelling maymay well you?" English na naman? Napairap tuloy ako.
"Yes Sir! " pasigaw kung sagot. Napatakip sya sa tenga nya at tuluyan ng humarap sakin.
Pinandilatan ko lang sya. Nagtitigan lang kami walang may balak samin na magpatalo. Hanggang sa maramdaman ko na lang parang umiikot at dumidilim yung paningin ko.
Dahilan upang mapa atras ako bigla. Mabuti na lang at andyan si Edward upang saluhin ako.
"Maymay you okay?" napadilat ako kasi ang lapit lapit ng mukha nya sakin.
Di ko namalayan napaupo na pala ako sa gilid ng daan. Habang sapo sapo ang ulo.
Saka ko lang naalala, wala pala akong kinain simula pa kagabi. Putek!
Binalingan ko si Edward na ngayon ay nasa tabi ko lang. Sabay hinampas sya sa balikat, "kasalan mo talaga to eh!"
"Ouch! What did I do? "
"You see, I'm hungry, this is all your fault, " naiinis na inirapan ko sya.
Pagutom pa naman ako ay napapa English ako.
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...