Portrait

258 33 3
                                    

That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004

Chapter 30

Sa halos dalawang linggong dumaan masasabi kong wala naman masyadong komplikasyon. Yung pagiging gilpren ko sa kanya okay naman, napaka smooth nga ng relationship namin eh. Dati akala ko hanggang pagkukunwari lang ang lahat sa amin ngayon ay exclusive na daw kami sa isat-isa. Yung gigising kang may inspirasyon, masaya ka agad kapag nakikita mo syang nakangiti sayo. Kung alam ko lang dati na ganito pala kasaya ang may jowa aba'y sana nagpaligaw na lang ako. Marami kasing nagpapalipad hangin don sa probinsya namin. May isa nga susungkitin daw niya ang mga bituin at iaalay sa akin. Pero salamat na lang at di agad ako naniwala kasi meron palang Edward na di lang kayang sungkitin and mga bituin kundi pinaulan nya talaga sakin. Kaya masasabi kong isang malaking pagpapala mula sa dyos na naging kami.

Matapos makapag almusal ay kinuha ko lang ang phone na naiwan ko sa silid. Ilang araw ko na ring sinusubukang kontakin si Nanay pero wala akong masagap na signal parati kasing out of the coverage area. Ewan ko ba. Pero ayaw ko na munang mag isip ng kong ano.

Mabilis akong bumaba naalala ko kasi yung mga bagong dating na mga pataba ng mga halaman. Kaya excited ako. Mukhang magiging busy ata ako buong araw. Sana wag muna akong hanapin ni Edward. Tsar!

Padaan na sana ako sa receiving room ng may mamataan akong napaka pamilyar na boses. Kaya di ko sinasadyang sumilip sa munting siwang sa gilid ng pinto.

Kitang kita ko ang mukha ni Edward mula dito , saka yung kaharap nya, nakatalikod kasi sa side ko. Kaya di ko makilala. Kaya lang napapitlag ako ng bigla itong magsalita.

"Kuya Jerome?"anas ko. Teka, nakabalik na si kuya Jerome? Ibig bang sabihin nun nahanap na nila ang Tita ni Edward? Ayaw ko mang aminin pero nagagalak talaga ako kong mangyari yun. Masyado na ring naghihirap si Tita Cathy eh.

Gusto ko pa sanang makinig sa usapan nila ng biglang tumayo si Kuya Jerome.  Kaya bigla akong nataranta. Baka mahuli akong nakikinig sa usapan nila.

Mabilis akong naghanap ng mapagtataguan, may napansin akong pinto sa dulo mabilis ko yung nabuksan, mabuti na lang at di nka lock. Napahigit ako ng mahabang hininga ng tuluyan akong makapasok. Parang aatakihin ako sa puso.

Saka ko lang narealize kong anong silid ang napasukan ko.  Ang buong silid ay punong puno ng mga artwork's. May mga rebolto at kong ano anong pwedeng mabuting ting. Sa totoo lang ngayon ko lang napansin na may ganito pa palang kalaking silid sa mansyon parang MOA sa laki.

Di ko mapigilang matuwa sa mga nakikita ko. Ngayon lang ako naka kita ng ganito kagandang mga ubra maestra. May punong kahoy na bunsay sa gitna. Tapos may mga paintings sa bawat ding ding yung iba naman nasa dulo at sa sahig na lang nilagay dahil wala na sigurong espasyo na kalalagyan. Hanggang sa mapansin ko ang isang portrait, malapit sa isang pasilyo, nagtatakang mabilis ko itong nilapitan.

Kapansin pansin ang dalawang batang babae sa portrait. Agad kung napansin ang calla lily na hawak hawak nila. Habang magkahugpong ang magkabilang kamay ang bawat isa. Ang ganda nila tingnan sa puting bestida na suot nila. Nakalugay ang kanilang mga buhok at huling huli ng pintor ang mga emosyon nila. Nakakatuwang isipin. Napakatagal na siguro ng painting nato. Maalikabok na rin sya pero mukhang bago parin sa paningin ko. Sa tansya ko ito ay si Tita Cathy at ang kapatid na matagal nya ng hinahanap. Hindi sila magkamukha. Yung isa kasi malamlam ang mga mata kahit nakangiti at si tita Cathy pansin kong umabot talaga sa mga mata nya yung tuwa.

Hindi ko alam pero di ko mapigilang di maantig. Parang naiiyak ako na ewan. Dahil na rin siguro sa kaalamang nagkahiwalay sila. Sana mahanap na talaga nila ang kapatid ni tita.

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon