A/N : Sa mga naghintay ng Update ito na.
That Wacky Afternoon that Salon
By Shise004
Chapter 18
May isang linggo na rin ang lumipas simula nung bumisita si Sir Tanner sa mansyon. Hays! Atin-atin lang to ah, namimiss ko na nga si Sir Tanner eh. Pero quiet lang kayo ha pano seloso tong bf ko.. Tahahaha.
Anyway heto kami ngayon abala! Syempre ako pa eh tinatrabaho ko lang naman si Edward este ang garden. Hehehe.
At nandito kami sa receiving room ng mansyon. Nakakagulat nga eh, meron pa palang ganito? Akala ko living room lang pwedeng pahingahan dito, meron pa palang receiving ekekek. Tss!
Si Edward? Aba may kinakausap pa po sa cp nya kaya, di ko muna sya ginugulo. Ayaw ko naman na maging bad girlfriend ako noh. Trabaho yan alam ko. Heheh. Hindi naman siguro babae yang kinakausap nya diba?
Ano ba para na akong shunga dito nagsasalitang mag isa ! Ohsya, naryan na sya. Sssssh.
Agad syang naupo sa kaharap na sofa. Napunta naman agad ang pansin ko sa dalawang kartong pangkasal na magkapatong sa center table.
Ano kaya yan? At para saan yan? Binalingan nya ako ng tingin. Pakiramdam ko nag init ang mga pisngi ko. Ano bang nangyayari sakin? At inabot niya nga ang isa. "Maymay this is yours." Umisod ako ng kaunti para tanggapin yun at ipinatong sa lap ko.
Napalunok ako!
Ano kaya ang laman ng bagay nato? Agad kung pinakiramdaman yung box. Saka amoy pa lang nun feel ko nang may mamahaling bagay sa loob. Alam nyo naman ako segurista kaya binuksan ko na agad. Hehe, para maiba naman.
Di ko mapigilang ma pa 'oh' Agad kong binuklat grabe sobrang ganda. Gown pala ang laman! Na may parang mamahaling mga dyamanting naka engraved sa bandang bewang. Saka para akong sasagala sa haba. Di kaya uuwi akong Reyna Elena nito? Velvet red pa nga ang kulay eh.
"Ano to sasagala po tayo? Saka sure kayong kakasya to sakin?" maang na tanong ko. Pansin ko kasing parang anliit ng bewang nung gown. Pero infearness ha, ang bongga nung gown.
"We are invited to a party." Nakakunot ang noong pinagmasdan ko si Edward na busy rin sa pagbubuklat nung box nya.
Ano?
At hinapyawan nya lang ako ng tingin. Na parang sinasabi sakin na kakasya yan saya, alam ko. Tss Opo ganun talaga ang mag jowa kahit sa ekspresyon at tingin sa mata nakakapag usap, try nyo!
Pero? Kailan pa sya natutu ng tailoring at alam nya ang sukat ng bewang ko?
"Teka! Invited ako? Eh wala naman akong natanggap na imbitasyon?" Pagmamaktol ko. Habang nakamasid sa kanyang nagsusukat.
Tumingin sya sakin. Kaya na distract ako at napasandal sa malambot na sofa ,"You will be my date at the ball, period! "
Gusto kung pigilan yung pamumula ng mukha ko. Bakit ganito? Anong nangyayari sakin at bakit parang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko?
Napalunok ako, para kasi syang Greek God kung makapag order!
Umiling iling ako. Saka huminga ng malalim. Wala lang yun! Tss! Baka naninibago lang ako sa mga bagay bagay. Tama! Saka pagkasabi ni Edward ng period wala na akong nagawa. Hays! Bakit ba parang nasasakal ako sa relasyon namin? Tss!
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...