That Mischevous Night Part 1

326 36 9
                                    

Hello guys? Pasensya na sa napakatagal na update. Syempre busy sa pagiging networker ang author nyo 😂,yaan nyo na ito na ang pambawi ko, sana masiyahan kayo. 💋💋





*****

That Wacky Afternoon in that Salon
By: Shise004


                  Chapter 9



"Ang ganda ng umaga...sing ganda ko.. " sabay hinga ko ng malalim na malalim. .

"Hmmmm "

Ang fresh talaga ng hangin sa lugar nato.. Hindi nakakapag-tataka. Dahil napapalibutan lang naman ang buong bakuran ng malalaking puno ng kahoy tulad ng pine tree at cypress ba yun?

Kasalukuyang ninanamnam ko ang preskong simoy ng hangin ng mapadaan si Kuya Jerome. Nasa may terrace kasi ako.

"Good Morning, kuya!!! " sigaw ko. Agad naman itong huminto at tumingala sa pinanggalingan ng boses..

"Oh, Maymay.."at ngumiti sakin habang nakatingala. "Good Morning din sayo. Mukhang ang ganda ng gising natin ah"

"Syempre kuya Jerome, sing ganda ko ang umaga. "Sabay ngiti ko ng todo.

"Oo nga nman Maymay, " sabay tawa nito.."Tika nga nag almusal ka na ba? Mukhang inaantay kana ni Prince Charming mo dun." Sabi ni kuya jerome,sabay kindat at alis..

"Kuya talaga, suntukan na lang kamo," at hinabol ko ng tingin.

Ilang minuto matapos kong mag shower at mag ayos ng sarili. Nag mamadaling lumabas na ako ng silid ni Laura..

Nung papunta na ako sa komedor ng mansyon. Pakiramdam ko may nakalimutan ako.. Binalikan ko ang silid.. Teka.. Si Boni !!!..

Lagot ako.

Nagmamadali at halos takbuhin ko na ang bawat pasilyo ng mansyon. Baka kasi umihi lang si Boni, at nakalimutan ng balikan ako..

Nagkataon naman na syang pagdaan ni Manang betsy sa may bandang kaliwang pasilyo.

"Manang Betsy...!!! " tili ko. Dali dali namang napahinto si Manang betsy.. At agad akong dinalohan.

"Hija, bakit? "

Sunod sunod ang ginawa kung pag iling..

"Anong problema?" Sabay tapik nito sa may noo ko. "May masakit ba sayo..? "

Kahit hingal na hingal ako di ko mapigilang tingnan si Manang Betsy.. Parang si Nanay ko kasi kung mag alala.. Napangiwi ako sa kaisipang yun.

Huminga muna ako ng malalim bago kinausap si Manang.

"Ganito po kasi yan, pagising ko kanina.. Si Boni po kasi..."

"Si Boni? " putol nito sa sasabihin ko pa sana.

"Naku hija..halika"

Hinayaan ko nalang magpahila kay Manang. Hanggang sa marating namin ang hapagkainan ng mansyon..

"Arf ,arf ,arf..." Tahol sabay lapit ni Boni sakin.. Syempre hindi na naman nito mapigilang lawayan ako.. Hays..

"Enough ,Boni." Saway ni tita dito."Maymay hija,sit here." Abay parang naging aso nadin ako nito ah. Sa isip ko sabay lapit sa bakanting upuan na tinuro ni tita.

Kinindatan ko si Manang bilang pasasalamat ko sa tulong nya. Nang maupo agad kong hinarap si Tita.

"May, makinig ka." Tumango ako bilang tugon." I decided,na isama nalang si Boni sa pag uwi ko sa Germany.."

"Huh??? "

Tumango si Tita sabay tiningnan si Boni.. " It's Laura's request.. " ani to, at hinaplos ang ulo ni Boni... Na halatang kinatuwa naman nito.

Nang gabing din yun ay lumipad si Tita kasama si Boni pabalik ng Germany.. Ako naman ito sa kwarto ni Laura nangungulila kay Boni.. Haha, syempre ang caring kasi ng asong yun.. Di mo kaya mamimiss?

Kanina akala ko mag aalsa balutan na ako. Habang kausap ako ni tita , itatanong ko sana kung pwede na rin ba akong umalis. Gulat ako nung sabihin nyang "May? Huwag ka munang umalis kailangan ka ng pamangkin ko? "

Parang bombang sumabog ang mga salitang yun sa utak ko.. Tsaka yung heartbeat ko, bakit biglang anlakas ng pintig? Ano ba?

Saka ko na realize mag aalaga pala ako ng isang malaking bata.

Matapos naming makapag usap ni tita tungkol sa pabor na hiningi nya, andami-daming pumapasok sa utak ko.

Alam ko kasing ayaw na ayaw ni Edward sakin. Maski paghinga ko alam kung pinandidirihan nya. Diyos ko anong gagawin ko? Pagbibigyan ko ba si Tita o lalayas na lang sa bahay na to?

Naputol ang pag iisip ko ng makarinig ng isang malakas na hiyaw. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Alam kung galing yun sa kabilang kwarto....kwarto ng nag iisang Edward Valencia naa ayaw sakin.

Ilang segundo lang ay nasa harapan na ako ng silid ni Edward.

Huminga muna ako ng malalim, bago sinubukang katukin ang pinto ni Edward. Hanggang sa gusto ko ng sirain ang pinto nito dahil walang sumasagot o nagbubukas man lang..

Para akong timang na nag-aantay ng grasya para buksan nito ang pinto. Dis oras na kamu ng gabi, napaisip tuloy ako gawain ba ito ng isang desinting babae? Hmmm, umiling-iling ako sabay umisang hakbang pabalik sana sa kwarto ni Laura.

Nang biglang makarinig ulit ako ng sigaw. Bigla akong nataranta ang tingin ko tuloy sa buong paligid ay nakakatakot. Anlaki kasi ng mansyon at Lima lang kaming nakatira rito.

Tapos hindi ko na mapigilang matakot ng sobra ng magsitahol ang karamihan sa mga aso ng mga kapitbahay naming mansyon din. Anong kababalaghan ito?

Wala sa isip na pinihit ko agad ang doorknob ng pintong nasa harap ko. Maswerte ako at hindi iyon naka lock. Dali-dali akong lumapit at pumatong sa kama. Sa kabila ng kadiliman ng kwarto agad akong nagtago sa kumot.

Ilang sandali ay huminto narin sa wakas ang mga nakakatakot na tahol ng aso ng maamoy ko ang pamilyar na amoy na yun. Syempre amoy pangmayaman. Agad agad akong humarap sa kanan agad ang malapad na likuran ni Edward ang humarap sakin. Kwarto pala ni Edward ang pinasukan ko? Ano bang pumasok sa utak ko. Lord wish me luck! "Taray English.. "

Aalis na sana ako sa kama ng biglang gumalaw ito saking banda at nag iba ng posisyon. Patay na!!! Sabay napapikit at napatakip ako sa bibig. Ilang santo at Santa na tinawag ko, wag lang sanang magising si Edward ng makalabas ako ng buhay sa kwartong to.

Nang mapansin kung hindi na ito gumagalaw dahan-dahan kung idinilat mga mata ko. Ganun din napapikit ako ulit, sabay sign of the cross. 'ANLAPIT NG MUKHA NAMIN SA ISA'T ISA'. Yung mabango nyang hininga amoy na amoy ko. Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. Mali to, ano ba tong naiisip ko. Ang gwapo nya masyado sa malapitan , parang maniquen ito sa kagwapohan. Yung makapal nyanga kilay, grabe at yung matangos nyang ilong grabe sarap pingutin, dahil sa haba nito. Nahiya tuloy ang pango kung ilong. Hanggang sa dumako ang mga mata ko sa manipis na mga labi nito. Tinitigan ko itong mabuti, makasalanan na ba ako? Parang may nagtutulak sakin na hawakan ang mapupulang labi nito.


Bigla akong nanlamig ng mapansing kanina pa pala ito gising. Dali-dali kung nahiling na sana lamunin ako ng lupa.
















>>> to be continued.....

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon