Unrequited Feelings

253 37 3
                                    

That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004

Chapter 23

Nang kahapunan ding yun ay bumyahe na rin kami kaagad pa Maynila. Di na ako nagtanong kung bakit. Pero may agam-agam ako na marahil tungkol sa napurnadang engagement kay Kisses or sa Tita niya kung bakit kailangan namin rush pabalik. Ayaw ko mang tanggapin ang katotohanang hanggang pagkukunwari lang talaga kami. After kung umamin sa kanya. Wala na kaming kibuan hanggang tingin or sinyasan nalang. Nakakaloko lang diba? Kaya pala yung mga kagagaling sa break up madalas di na magawang kaibiganin ang isat isa. Nakakainis lang no? Narealize ko din. Kaya pala kahit nagkakagustuhan na yung iba sa isat isa wala pa ring may gustong umamin kasi takot na masira yung friendship nila. Bakit ba kasi di ko naisip yun? Yan tuloy para kaming mga timang.

Saka kinausap din pala ako ni Tita Leila ng masinsinan. Kailangan ko daw makipagtulungan kay Edward. Alam ko na ang ibig nyang sabihin dapat mapaniwala namin ang lolo nya. Para hindi na daw nito guluhin si Edward. Na busy sa paghahanap sa Tita nya. Kaya lang di ko maiwasang mamutla. Dati kasi ayos lang yun. Wala akong pakialam Kay Edward dati eh, pero ngayon parang nagkakahiyaan na kami. Pero sabi nga niya wala daw akong choice kasi hawak daw niya ang buhay ng inaalagaan kung Callalily. Pag umayaw daw ako pa-papatay daw niya yun. Nakakatakot! Kaya um-oo na lang ako. Kasi hanggat nasa tabi daw kasi ako ni Edward di nila maisasakatuparan ang pinaplano nila.

Dagdag pa ni Tita ang pamilya kasi nila napaka traditional yung tipong shotgun marriage ang nauuso. Nakakaloka lang diba? Kaya pala tahasang inayawan ni Edward si Kisses noon. Kahit naman siguro ako. Gugustuhin ko din sigurong mag rebelde pag ginanun ako. Nasaan ang demokrasya at pagiging makatao doon? Tinalo nya pa kamu si Hiter kung maka asta!!

Isa pa natatakot na kasi si tita habang tumatagal daw kasi mas lumalala ang kundisyon ni tita Cathy. Kaya wala ng panahon na dapat pang aksayahin. 

Heto kami at kararating lang, nangininig pa nga eh! Lol! Papasok na kami ng mansyon.  Nakakamiss din ito ang mansyon. Yung callalily namimiss ko na rin. .

Agad inihinto ni Edward ang sasakyan sa grounds ng mansyon. Di pa naman masyadong dumidilim. Napansin ko rin si Manang na naghihintay na sa main door ng makalabas ng kotse.

Mabilis kung nilapitan si Manang, at ginawaran ng masuyong halik sa pisngi.

"Hi po manang! " Excited kung sambit na para bang isang taon akong nawala. Eh, di nga umabot ng isang araw yung pagkawala namin.

"Hija?  Kamusta ang lakad nyo?"

"Ah eh... " di ko mapigilang mapakamot sa ulo.

"Manang,is anything alright here? " putol ni Edward sakin. Mabilis akong napatingin sa side niya.

Pero likod na lang nito ang napagmasdan ko dahil nauna na itong pumasok sa loob.

"Kasi Senyorito, dumalaw si Maam Ann dito. Galit na galit po sya. " mahinahong kwento ni manang habang nakasunod lang sa may likuran ni Edward.

Agad itong huminto at pumihit paharap kay Manang. "I'm really sorry about that.. And what did you tell her? "

"Sinabi ko pong nasa bakasyon po kayo ni Maymay,kagaya ng sinabi nyo po. "

Pinanditalan ko si Edward ng biglang napatingin sakin. Di ba nya alam na pawang kasinungalingan ang tinuturo nya sa Matanda? Kawawa naman si Manang. Mukhang sya pa mismo ang napagbuntunan ng galit ng Nanay ni kisses.




Mabilis akong nagpalit ng damit at bumababa ng dining area. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Sabagay wala pa akong kinaing hapunan. Mabilis akong naghila ng upuan ng mapansing wala pa si Edward. Dapat di nya ako abutan dito. Syempre nakakahiya. Ikaw kaya umamin ng feelings tapus hanggang hug lang ang ginawa nya sayo?Anong magagawa ko kung wala talaga syang nararamdaman sa akin? Pansin ko ring may nakalatag ng mga pagkain.

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon