That Wacky Afternoon in that Salon
By Shise004
Chapter 25
Sa tatlong buwan na pamamalage ko dito sa mansyon ngayon ko lang nalaman na magpinsan pala si kisses at Edward. Kaya lang malayong magpinsan, third degree cousins. Hindi lang talaga naisip ni Edward na mismong kamag anak pala ang ipagkakasundo sa kanya. Sapilitan talaga eh.
Nakakapagtaka din may ideya kaya ang lolo ni Edward na ako yung babaeng kasama nya sa party? Baka isa yun sa mga rason kung bakit sya sumugod dito. Kung ganun kailangan ng kumilos ni Edward. Kung ayaw nyang makasal ng wala sa oras.
Di ko tuloy maiwasang malungkot sa magiging sitwasyon ko. Maiipit ako sa katotohanang nagpapanggap lang kami.
Wala sa isip na hinapyawan ko sya ng tingin kasabay nun ay mabilis kung itinago ang kanang kamay na may sugat. Pinakialaman ko kasi yung basag na bote kaya ayun. Nasugatan ako, pero okay lang malayo naman to sa bituka. Mas ramdam ko pa nga yung hapdi sa puso ko kaysa sa sugat nato eh. Hays!
Naalala ko kailangan ko nga pala ng mga pataba para sa mga halaman. Nung isang araw pa kaya yun naubos.
Dahan dahan akong pumihit paharap kay Edward. Pansin ko agad ang pagsalubong ng mga kilay niya. Kaya lang nanatiling tahimik lang sya at patuloy na ngumunguya ng pinong pino.
Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko na ba or hindi. Babalingan ko na sana sya ng bigla itong nagsalita.
"What is it? "
Di sinasadyang nasagi ng braso ko ang tinidor dahil sa pagkagulat dahilan upang malaglag ito agad sa sahig. Hindi na ako nag isip at mabilis itong pinulot ng mapansing kong nasa gilid lang ito ng upuan. Dahil sa kamamadali ko di ko napansin yung mesa kaya bumangga ang ulo ko.
"Aray! " hiyaw ko habang hinahaplos ang side na yun na tumama sa mesa.
Hilot hilot ko na ang ulo ko ng maupo ng maayos.
"Are you okay? How could you hurt yourself like that?"habang umiinom sa basong tubig ng konte lang sabay ibinalik sa mesa. Naka cross arms na sya ngayon habang titig na titig sa akin.
Di ko mapigilang uminit ang pagmumukha dahil sa pagkakapahiya sa harap nya Kainis ano bang nangyayari sakin? Bakit napaka magugulatin ko naman. Tss.
"Now spill it, "
Napaayos ako ng upo. Saka binalingan sya ng tingin.
"Kasi kailangan kong bumili ng fertilizer para sa mga halaman, okay lang ba na umalis muna ako? " syempre baka kailangan nya ako sa office nya kaya mas maiging magpa alam ng mabuti.
Pansin ko ang pag iling nya. "I told you.. To stick on my side right? " napatango ako. "That means maupo ka lang dyan and follow what I order you to do. Don't do anything, I hired you to be my girlfriend and I can't remember I hired you to become a gardener or whatever!" Sarkastikong sambit niya. Mabilis syang naglinis ng bibig at tuluyan ng umalis sa mesa.
Nahigit ko ang pinakamahabang buntong hininga ko. Bakit ang init init ang ulo ni Edward? Ulo nya ba yung nabagok sa mesa? At tama bang sungitan ako? Kainis.
Wala akong nagawa kaya ang manatili sa silid ni Laura buong maghapun. Gusto ko mang puntahan ang garden wala akong magagawa. Kaya inaliw ko na lang ang sarili sa pamamagitan ng pagtingin tingin mula dito sa terrace. May nakikita akong mangilan ngilang kotse. May fortuner, hilux, Ferrari, innova, ford expedition,camaru at marami pang iba. Alam na alam ko yan eh, nakalista na yan sa long term goals ko,ang magka kotse. Pero syempre pinagpipilian ko pa kung alin sa mga yan ang bibilhin ko. At syempre isasakay ko si Nanay. Napapitlag ako ng mapansin ang isang walang gulong na kotse. Napa isip naman tuloy ako. May umaandar bang kotse na walang gulong? Pwede ba yun? Pinagmasdan kong mabuti ang kotse, ay hindi naman pala umaandar mukhang nasiraan ata. Nagkataon na dito malapit sa side ng mansyon nasiraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...