That Wacky afternoon in that Salon
By Shise004
Chapter 31
"May please, open the door, "
Nanatiling bingi ako sa pagmamakaawa nya. Tss! Ayaw ko nga syang makausap diba? Kasi naman nung isang araw natanong ko sa kanya kung nakabalik na ba si kuya Ome wala syang sinasabi.
Ano ba ako sa kanya para paglihiman nya? Alam kong di pa kami mag asawa pero nagtatampo talaga ako.
Agad akong tumayo ilang saglit wala na akong marinig na boses ni Edward. Dahan dahan kong pinihit ang pinto pabukas. Nang di sinasadyang mabilis nya akong mahawakan sa braso. Nasa gilid lang pala sya nag aabang. Putek!
Kala ko umalis na sya. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago nya ako hinila di mo alam kong saan.
Ay weyyt! Ano na naman kaya naiisip ng Edward nato?
"Hoy, saan mo ko dadalhin? " tanong ko habang hila hila nya ako sa kamay.
"I'll teach you how to become a good girlfriend, " diretsang sabi nya.
Nagpanting ang tenga ko.
"Ano? " tuloy tuloy lang sya sa paglalakad papasok sa silid nya hanggang sa marating namin ang terrace ng kwarto nya.
"Now sit! " Pag uutos nya.
Agad naman akong napaupo sa bakanting upuan. Dumako ang tingin ko sa mga mukha nya. Pansin ko ang panlalalim ng mga mata nya.
Wala ba syang tulog? Ilang araw din kasing di ko sya pinapansin eh. Pero baka dahil sa work yun. Asa naman ako. Tss.
"I don't know where to start," pagsisimula nya.
Hmm. Pero dedma parin ako sa kanya.
"Hey, look at me, " sabay pinaharap ang mukha ko sa kanya. Magkatabi na kami ngayon.
"Kuya Ome has found Tita Lauren, somewhere in a secluded areas of Mindanao." Turan nya. Di ko mapigilang matuwa sa inamin nya. Ibig sabihin gagaling na si Tita.
"Talaga Edwardo? " ramdam ko ang pangingislap ng mga mata ko habang titig na titig sa kanya.
Tumango na lang sya bilang sagot. Sabay tumingin sa buong pagmumukha ko. Di ko naman mapigilang ma conscious sa klase ng tingin nya.
Para lang naman kasi akong nasusunog sa klase ng mga tingin nya. Kung tutuusin pinangingilagan ko ang tingin ni Edward. Para kasing akong nauubusan ng hangin kapag ganun.
Aaktong iiwas na sana ako ng tingin ng bigla nyang mahawakan ang pisngi ko. Kaya napakurap kurap ako ng ilang beses. At nilakasan ang loob na harapin ang mga titig nya. Jusko! Kamatayan ko na ata to.
Nakakakilabot ang biglang paglunok ni Edward. Parang may pinahihiwatig.
"Maymay.... " sabay lumabi sya. Ewan may mahalaga ata syang sasabihin. Ano naman kaya yun? Bigla syang tumikhim kaya nabalik ako sa hustong katinuan.
"Ano yun Edward? " sagot ko. Di ko mapigilang mapalunok din.Nagulat ako ng dahan dahan syang lumuhod sa harap ko. Sabay hinuli ang mga kamay ko.
Juskolord!!! Ito na ba yong?
Di ko mapigilang manayo ang balahibo sa pinag gagawa niya. Sasawayin ko na sana sya, upang tumayo ng, bigla syang may hinugot sa bulsa.
OMG!
Para akong mauubusan ng hininga. Utang na loob turuan nyo ako paano to kakayanin. Kasi di ako handa sa mga ganitong ka sitwasyon. Pinapaypayan ko na ang sarili ko ng bigla nyang hulihin ang mga tingin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...