That Wacky Afternoon in that Salon
By Shise004
Chapter 32
Maaga akong nagising syempre agad agad kong ginawa ang mga morning ritwal's ko. Di mawawala ang magpasalamat kay God sa Taas para sa panibagong umaga.
Ilang saglit lang bumaba na ako papuntang dining. Gulat ako ng di ko inabutan si Edward para almusal. Naligo at nagtoothbrush pa naman ako. Saka nagpabango narin. Hays!
Kaya naisipan kong puntahan si Manang sa kitchen---wala din kasi akong ganang kumain ng almusal. Sinilip ko si manang kong andun pero gulat ako na ang walang katao-taong kusina ang tumambad sakin.
Nasan kaya si Manang? Tatalikod na sana ako ng mapansin ang sticky notes sa may ref. Agad ko yung kinuha at naglakad papuntang living room. Para mabasa ang laman.
Hija,
Umalis lang ako sandali. Mag almusal kana riyan at babalik din ako kaagad.
Manang
Aba kung ganun ako lang mag isa dito? Agad kong tinakpan ang palasingsingan ko. Jusko! Para lang magulat dahil wala akong makapang sing-sing dun. Patay! Pinagmasdan ko agad agad ang mga daliri ko. Halos magwala ako ng mapansing wala nga ang engagement ring ni Edward!!
Di pwede to, baka palayasin ako ni Edward nito ng wala sa oras.
Agad kong hinanap yung sing-sing sa bawat sulok ng sofa, papunta sa center table pero wala akong nakita. Pumuslit din ako sa kitchen, baka sakali dun yun nalaglag pero wala padin.
Mabilis kong inakyat ang kwarto ni Laura. Jusko! Kulang kulang ang buong buhay ko pambayad para dun. Mangiyak-ngiyak kong sabi sa sarili. Nang makapasok na ako ng silid.
"Mama nasan na yun?" sambit ko dala ng kaba at takot. Habang binuklat ang ilalim ng comforter pati yung bed sheet,saka ilalim ng bed. Tiningnan ko rin pati CR pati iniduro di nakaligtas sakin. Pero wala akong nakitang sing-sing.
"Ang mahal mahal nun. Sa lahat ba naman ng pwedeng mawala bakit yun pa?"Katakot-takot na usal ko at tuluyang napasandal sa ding-ding at mapasalampak ng tuluyan sa sahig. Wala na akong pakialam kong gulo-gulo na ang buhok ko.
Ang importanti sakin ngayon ay mahanap yun.
Inalala kong mabuti kong ano yung ginawa ko nung nakaraang araw may tatlong araw na rin kasing lumipas nung nagpropose si Edward sakin. Mensan nasa drawer ko lang yun naiiwan eh.
Madali akong tumayo at nilapitan ang bedside table. Hinalungkat ko ang laman,at inisa-isa ang mga yun.
Pero ang saklap lang nanlulumong napa buntong hininga na lang ako. Nawala nga ata talaga yun. Juskolord! Di ko alam pero sari-saring emahinasyon na ang naiisip ko andyan na galit na galit si Edward at pinapalayas na ako.
Pero malamang andito lang sa mansyon yun. Tumayo ako nilapitan ang ang maliit na rebolto ni Mama Mary.
"Mama Mary? Parang awa nyo na oh... Tulungan po ninyo ako. Kailangan kong mahanap yun bago makabalik si Edward. "
Ilang saglit akong nakatayo lang habang nanalangin lang sa panginoon at kay mama mary nang mapansin ang isang bolto ng tao sa may pinto.
Halos mapalundag ako sa kaba at pagkagulat ng makita kong sino yun.
"Edward? " at marahas kong itinago sa likuran ko ang kanang kamay.
"Maymay are you okay?" naguguluhang pagtatanong nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...