Chapter 3
"Gud Morning byutipol pipol op da unibers! Mabuhay!!"
Pambungad ko sa mga ka trabaho ko dito sa Wacky Salon. Halos isang linggo narin ang nakalipas ng mapadpad ako dito. Masaya ako dahil okay naman ang takbo ng lahat.
"Morning!" Habang binibiso ko sila isa isa si sissy Tian-tian, beshy Ainech, at mamang Mercy sa kanilang tatlo siya ang totoong girl na talaga, trans---gens ata yun. Basta, parang ganun at napakabait nila sa akin, very generas? genuwan? ayyy iwan!!! Basta totoo sila, at oo sila ang Charles Angel's ng salon nato. Favorite ko yan noon, nanonood kaya ako ng mobie!
"Maymay, inayos mo ba yung labahin natin? " si Mercy.
"Oo Mang!" na sinabayan ko ng malawak na ngiti. Kasalukuyang nakikitira ako kay Mamang Mercy. May sarili akong kwarto komportable naman. Handa naman akong magbigay, ng pang kain, tubig at pa kuryente. Malaking pasalamat ko talaga sa kanila.
Natanong nya ata yun kasi medyo dumadalas ang ulan tuwing dapit hapon. Mainam na yung palaging handa. Charing!
Pag ganitong umagang umaga nag uumapaw ang energy ko. Telege nemen. Nakasanayan ko lang na ganito ako.
"Open ko na ba mga teh? "Nang mapansing tapos na silang lahat mag ayos.
"Gora na Sissy, may cotta tayo today kaya dapat bonggabels at maaga tayo. " si Tian tian, na busy pa pala sa paglalagay ng blush on.
Mabilis pa sa alas kwatro bukas na ang Wacky Salon. Agad bumulaga sa harap ko ang iilang regular customers na alam kung magpapa pedicure.
Dalawang Ginang at isang kaidad ko lang rin. Pinapasok ko na sila agad.
"Feel at home po mga Ma'am, " sabay ngiti ko ng pagkatamis tamis!
"Dito po kayo ma'am!" Sabi ko dun sa isang Ginang na gusto magpa pedicure. Agad kung tinuro ang high chair na bakanti. Bit bit ko narin ang maliit na basket na laman ang kagamitin panlinis. Sa ngayon dito ako madalas naka tuka. Mensan nag-aasist din ako sa mga nagpapa hot oil. Agad akong pumwesto sa kaharap na upuan.
"Hi, Ma'am, ako pala si Maymay. Kamusta po kayo?"
"Okay lang hija! "
"Alam nyo po, magaling po ako mag nail art, baka gusto nyo po?"
"Talaga? Sige hija."
Napangiti ako. Ibig sabihin malaki ang masisingil ko kay maam ganda. Lol!
Oo maganda si Ma'am, kahit medyo may edad na.
"Alam nyo po napaka byutipol nyo po."
Napangit si Ma'am.
"Napaka bolera mo hija. "Sabay ngiti nito sakin.
"Masama po bang magsabi ng totoo Ma'am? " singit ko.
"Alam mo hija, you sound so interesting, baka gusto mo magtrabaho sakin. "
Napatitig ako kay Maam. Nabigla kasi ako sounds interesting? Diba, ibig sabihin nun, interest --- naku!
"Ayy maam,masaya po ako sa ginagawa ko dito." Sabi ko ng nakangiti. Para magmukhang totoo. Hindi sa pinaplastik ko si maam,pero baka kasi ibenta nya ako,ganun. Dba,interest?
"Okay, kung saka sakaling mag bago ang isip mo here's my calling card. "
Nanlaki mata ko. Sabay tinanggap ang card na inaabot nito sakin. Ayy matindi baka masabihan akong card collector nito. Una kay Kisses tapos ngayon ito naman.
Bago umalis si Ma'am nagpasalamat ito ng marami. Mukhang nasayahan sya sa serbisyo ko, anlaki pa ng tip na binigay.
"Nuks! Maymay mukhang tiba-tiba ka dun ah. " si Ainech, na kasalukuyang binoblower si ate girl na customer.
Napangiti ako ng malawak,"Oo ang bait ni Maam. Anlaki ng tip."
"Masanay kana,ganyan talaga dito kapag na satisfy mo ang customer mo. "
"Kung ganun mas gagalingan ko pa. " wika ko bago ko ito tinalikuran at tinungo ang cashier para, ibigay yung binayad ni Ma'am ganda.
"Alice, ito oh. "
Tinanggap naman agad ito ni Alice.
"Gusto mo ba? "
"Naku, Maymay sayo yan. " si Alice, ayaw nya ata.
"Sige balik na ako. "
Ngiti lang ang naging tugon nito.
Nang maupo hindi ko mapigilang mag hikab habang naghihintay ng customer.
"May, inaantok ka ata? " si sissy.
"Ay naku, hindi naman. " pagsisinungaling ko.
Nagkibit balikat ito, "Sabi mo eh, " sabay kindat! Baliw din tong baklang to.
Totoo naman kasing inaantok ako. Hindi kasi talaga ako nakatulog kagabi. Kahit ilang posesyon na ang nagagawa ko sa pagtulog ko.
Nag aalala kasi ako sa Nanay ko. Baka nag aalala na yun sakin. Sabi ko pa nman tatawag ako, agad agad pagdating ko dito sa Maynila. Eh, naalala ko wla nga pala akong cellphone. Naalala ko iniwan ko yung cellphone sa probinsya. Kasi diba sinong tatawagan ko pag wlang cellphone si Nanay na magagamit dun?
Napabuntong hininga ako. Hayyy!
Alam ko na. Sa unang sweldo ko, ibibili ko agad ng cellphone. Tama! Nuks! Talino mo talaga Maydale. Sabay tawa ko ng mahina.
"Uy, Maymay napano ka?" Tanong ni besh Ainech na noon ay napadaan sa gawi ko.
"Wala po. May naalala lang. " tugon ko.
"Ayy alam ko yan. "
"Ang alin po? " nagtatakang tanong ko.
"Boyfriend Noh?"
Nanlaki mga mata ko.
"Buang (baliw), wala po akong boyfriend. Mga babae lahat friends ko. " Wala sa sariling sagot.
Iwan ko ha. Napahagikhik ng tawa si Ainech. Eh, sa wala nga akong friend na boy.
"Baliw ka talaga Ainech. Bakit mo tinatanong si Maymay kung may boyfriend, ayan na laftrip ka tuloy. "
Sabay halakhak nung dalawang bakla sa harap ko.
Lumapit naman si sissy tian tian sa amin, at pinaglipat ang mga tingin sa dalawang kaibigan. "Tigilan nyo na nga Yang boyfriend na yan. " sita nito sa dalawa, sabay talikod at bumalik sa ginagawa nito kanina.
"Ay kabomm! May mens ka bes?" Si Mercy na halatang nang-aasar.
"Ay malamang, " sabay flip ng hair kuno nito.
Napailing iling ako. Mensan talaga ang hirap sabayan ang trip ng mga to. Pero masasan ba't masasanay rin ako.
Sa ngayon alam kung kailangan ko talagang mag ipon. Tapus mag i-enrol ako sa mga modeling agency. Alam ko matutupad mga pangarap namin ni NaNay. Pinangako ko sa kanya noon na pag naging modelo na ako. Magtatayo ako ng salon para sa kanya para hindi na sya palaging mag iikot sa bayan para lang may magpa ayos at pedicure.
"Aja! Payt payt payt! "
A/N:
Judgement day na po. Malalaman na mamaya kung sino ang 3rd sun. Sana po ay nakaboto na kayo.
BB MAYMAY to 2366
Thank you for reading ❤❤
#MayWard
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
ComédieSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...