Elle's POV
Pagkatapos nung kanta ay hinawi ko ang buhok kong tinatakpan ang aking mukha. Titingnan ko sana kung sino yung sumabay saking kumanta, pero pagkatingin ko sa inuupuan niya kanina ay wala na siya. Haay bakit parang nagdedeja vu lately?Hayy, I remembered him naman. Anyway tumayo nako at pumunta sa locker room.
Nang makarating ako ay nagalarm ang cellphone ko. Uh oh, next week na pala ang birthday ni mom, pero pumunta siya sa Japan kasama si dad, sayang naman ang isang buwan kong pag-iisip. Bibigyan ko nalang siya ng regalo.
Pagkakuha ko ng libro para sa next subject ay nagring ang isa ko pang cellphone. Unregistered number, kaya kinuha ko ang improvised choker ko at inilagay ito sa leeg ko upang maging monotone ang boses ko, kapag kasi unregistered number, iniiba ko ang boses ko para walang makaalam ng voice ko. May pinindot rin ako na kung ano-ano para kung sakaling itretrace nila ang number ko, ay hindi nila ito magagawa, at ito rin ang number na palaging tinatawagan ng mga unregistered callers, kaya no need to worry.
"Hello?"I said using my monotone voice.
"Ikaw ba si Queen Atramentous?"Tanong ng isang lalaki.
"Yes?"Tanong ko.
"I will kill you."Sabi niya at binaba ang tawag.
Tss..as if matatakot ako. Pumunta nako sa next class ko.
Pagdating ko andun na si Aya sa pinakalikod at mukhang nag dodoodle, kaya pumunta nako dun sa tabi ng bintana at umupo. Wala pa naman ang prof namin.
"Elle andiyan ka na pala, alam mo Elle, di ko alam pero parang nagdedeja vu yung nangyari kanina."Sabi ni Aya.
"So hindi lang pala ako ang nakafeel nun?"Tanong ko.
"Tama ka bes, pati nga yung tatlo, yun rin ang sinasabi kanina, haayy naremember ko na naman siya, kahit ang tagal tagal na nun."Sabi niya at tsaka nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
Ilang minuto ang lumipas ng may sumipa ng pintuan. Nagulat ang ibang estudyante except sa aming dalawa ni Aya. Tsk. Sila na naman. Parang halos lahat ng schedules namin ni Aya parehas din ang sakanila. As usual, umupo sila sa pinakalikod, katabi ni Aya si Ulger. Salamat nalang nandito ako, katabi ng bintana. Ilang segundo, may nagpop-out na email sa improvised watch ko.
*1 message received Queen*
Binuksan ko at binasa ito.
["Queen Atramentous,nakita namin si Joax Reese Smith dito sa Europe,pero bigla nalang po siyang nawala."] Message ng isang trusted assassin ko.
"Find him. Investigate him. Gawin niyo ang lahat para makita siya, and alarm me if nakita niyo siya, I'm gonna be the one who will interrogate him. At least 8 years, nakahanap tayo ng lead. So back to work now, thanks for the info." Reply ko.
Yes, walong taong lumipas, ngayon lang kami nakakuha ng lead. Sa walong taong lumipas, lahat sila nagtatago. Darating rin ang panahon, na maipaghihigante ko na ang mga sisters namin. Maghintay lang kayo, malapit na ang katapusan niyo.
"Ate Ria, pangako, malapit na, I'm gonna give them my sweetest revenge."Bulong ko.
-------
Someone's POV
Walong taon na akong tahimik. Hindi nanggugulo. Malapit nalang, malapit na kitang papatayin Queen Atramentous. At mapapasakin na ang underground society. Wala nang sagabal sa aking mga plano. Hahahaha*evil laugh*.
---
Elle's POV
Andito sa Underground base. Ang tanging nandito lamang ay ilang mga assassins at gangsters na naiwan dito sa Pilipinas. The rest ay nasa iba't ibang bansa habang hinahanap ang target namin.
"Good evening Queen Atramentous."Sabi nilang lahat at nagbow. Inirapan ko lang sila.
Erza(Terror Crusher's POV)
Grabe nakakatakot ngayon si Elle, or should I say Queen Atramentous. Kapag ganito ang sitwasyon kinikilabutan ako. Ibang iba siya sa Elle na kilala namin. Sobrang cold niya, at parang kung titingnan mo siya sa mata baka wala pang isang segundo, iiwasan mo na ang tingin mo sakanya. At idagdag pa ang kanyang very dark reddish brown eyes, at kanyang outfit na black outfit, na may black na mask, ay nakadagdag pangilabot.
Umupo na siya sa kanyang royal chair. Pinakuha niya ang royal chair na para sa kanyang ate kasi tuwing makikita niya ito, nagflaflashback ang isipan niya sa nangyari.
"We have a lead or a clue. And that is Joax Reese Smith."Cold niyang sabi at napasulyap sakin. Tumango lang ako. Hearing kuya Joaxs' name brings sadness into my eyes. Si kuya Joax na itinuring kong kuya. Naalala ko naman yung time na palagi siyang dumadalaw sa bahay namin at binibigyan ako ng chocolates para lang masabi ko sakanya ang mga paborito ni ate. Ang bait ni kuya Joax. Palagi ko nga siyang pinapalakas kay ate eh. At nakita ko na mahal na mahal talaga ni kuya Joax si ate. Hindi ko talaga alam kung bakit niya nagawa yun. Basta ang mahalaga ay nakita siya ng assassin. May lead na kami, or baka clue. Basta ang alam ko lang is to avenge my sister.
"Alam niyo namang lahat na natagpuan siya sa Europe pero bigla siyang nawala, so magpapadala ako ng ilang assassins at gangsters na pupunta sa Europe para mas mapadali ang paghahanap sakanya, hindi rin siya matrace sapagkat high ang security nila at hindi mahack. So kayo*turo sa 20 assassins at 12 gangsters*pupunta kayo sa Europe, bukas na ang flight niyo, dun kayo sa Secret Hideout sa Europe kayo pupunta, kasama ang assassins, gangsters at mafia na una ng nandoon. So this is for tonight, bye."Cold na sabi ni Queen at tumayo. Tumayo rin ang nandito sa base at nagsialisan na.
Sinenyasan na kami ni Queen na pumunta na sa parking lot.
Joax's POV
Naglalakad ako dito sa daan ng may maramdaman akong nakasunod saakin. Araw araw akong nakaramdam na may nagmamasid sa akin, parang walong taon na nga akong nakaramdam ng ganito. Dito ako nagtatago ngayon sa Europe.
Walong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin matanggal ang guilt sakin. Ang sakit. Ang sakit sakit na pinatay mo ang pinakamahal mong babae sa mundo. Ang sakit sakit. Kung sana lang may nagawa akong paraan, baka masaya kami ngayon ni Thei. Ni hindi nga ako nakadalaw sa puntod niya. Darating din ang panahon, na makukuha ko ang Rheoli Potion dito sa katawan ko. Mapapatay ko na talaga ang gumawa sa akin, sa amin nito. Gagawa ako ng paraan.
----
Elle's POV
Andito na kami ngayon sa parking lot.
"Bes"Sabay naming sabi at nagyakapan.
Ilang minuto ang lumipas at kumawala na kami sa pagyakap.
"Thanks mga bes, dahil sa yakap niyo I feel better now, so uwi nako mga bes ha, bye"Sabi ni Erza at sumakay na sa kotse.
Sumakay na kaming lahat sa kotse at pinaharurot na ito at umuwi na.
![](https://img.wattpad.com/cover/82625509-288-k757088.jpg)
YOU ARE READING
That Girl Is A Gangster(Hiatus)
Teen FictionShe's a sweet little kid. She's only 10 years old. She's smart. But if you mess her or her loved ones. She can kill without hesitation. She is a gangster at that very young age. She's the heiress of the mafia. Everyone calls her Queen Atramentous!!