8 years have passed, madaming nagbago, madaming nakilala, madaming nakaaway. Pero sa 8 years na yun, hindi pa rin nila mahanap-hanap ang kanilang hinahanap. Pero hindi sila nawalan ng pag-asa. Gagawin at gagawin pa rin nila ang lahat to avenge their sisters.
Erza's POV
Nandito kami ngayong lima sa library at kasalukuyan kaming nag-aaral. Kung itatanong niyo kung ilan na ang edad namin ay sasagutin ko na. Lahat kami ay 18 years old at nag-aaral kami dito sa BlueAqua Academy. Ang course na kinuha ko ay I.T. Si Aya naman as well as Elle ay Business Management. Kay Chelle naman ay architecture ang kinuha. At kay Era naman ay B.S Psychology.
Kahit magkaiba-iba kami ng course ay nakahahanap parin kami ng time para magkakasama kami.
Aya's POV
"Oh it's almost 1pm na malapit na magstart ang class namin, so bye mga bes magkita nalang tayo dun sa secret place natin."Sabi ni Era sabay tayo.
"Ahh ako rin, may kukunin pa ako sa locker ko, o sige bye muna mga bes"Sabi ni Erza sabay tayo.
"Me too, pupunta pako sa class namin, so Aya, Elle bye. "Sabi rin ni Chelle sabay ligpit ng gamit at umalis.
Kami nalang ni Elle ang naiwan. Tiningnan ko si Elle, lumilipad naman ang utak niya. Palaging tulala. Di ko nga alam ang dahilan kung bakit palagi siyang tulala, di ko alam kung marami lang siyang iniisip o kung di pa rin siya makamove-on sa ex-boyfriend niya, a month ago. Di ko nga alam kung anong nagustuhan ni Elle dun sa lalaking yun. Well totoo namang gwapo siya pero two-timer nga lang.
Kaya yung isa pang girlfriend ng ex-boyfriend niya at pati yung lalaking yun ay kasalukuyan pa ring nasa hospital. Hindi lang kasi sampal ang inabot ng dalawa, bugbog sirado silang dalawa. Pero di ko alam ang tamang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan, kahit nga si Era na nag-aral ng psychology hindi niya alam ang iniisip ni Elle, ang hirap kasi basahin ng iniisip niya. So tama na nga sa pagkwewento ng buhay ni Elle.
"Huyy bes, dali na punta muna tayo sa cafeteria nagugutom nako"Palusot ko para hindi na siya matulala.
"Huh? Ano yun bes?"Tanong niya.
"Wala ang sabi ko punta tayo sa cafeteria"-ako
"Okay"Aniya.
----
"Hey Elle, nakikinig ka ba sakin?"-ako
"Ahh sorry, ano nga yun?"Yan na naman lumilipad naman ang utak niya.
"Elle, magmove on kana"-ako
"Eh nakamove on naman ako ahh"Sagot naman niya.
"Eh bakit parati kang tulala, parating lumilipipad ang isip mo bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ko.
Nagbuntong hininga muna siya bago magsalita.
"I think, I should tell you about this."Aniya.
Elle's POV
"I think, I should tell you about this"Sabi ko at napabuntong hininga ulit.
"Malapit na ang birthday ni mommy, at isang buwan nako nag-iisip, pero wala pa rin akong maisip."Pagpatuloy ko.
"Huh? Yun lang, akala ko pa naman kung ano na ang nangyari sayo bakit ka nagkaganyan, naisip nga namin noon na ipadala kana sa mental hospital o sa psychologist kasi alalang alala na kami sayo tapos parang sasabog na ang isip namin kakaisip kung anong gagawin namin sayo, tapos yun lang pala kung bakit ka palaging tulala? Haayy oo nga naman, mahirap basahin ang isip mo"Pagkasabi ni Aya non ay tumawa ako.
"Hahaha bes thank you sa pag-alala, mabuti nalang at sinabi ko na sayo para hindi na sumabog ang utak mo at baka mapunta pako sa mental hospital, pero sorry rin dahil pinag-alala ko kayo"-ako
"It's okay bes, at least matutulungan ka namin para sa birthday ni mom mo"-siya
![](https://img.wattpad.com/cover/82625509-288-k757088.jpg)
YOU ARE READING
That Girl Is A Gangster(Hiatus)
Roman pour AdolescentsShe's a sweet little kid. She's only 10 years old. She's smart. But if you mess her or her loved ones. She can kill without hesitation. She is a gangster at that very young age. She's the heiress of the mafia. Everyone calls her Queen Atramentous!!