Chapter 19:Preparing for Halloween
Elle's POV
We decided na ihinto muna ang paghahanap sa Handsome Killers. Nandito kami ngayon sa school at kasalukuyang nakaupo dito sa gymnasium at nakikinig sa President ng Business Management Class.
"Ok, so we all know that the BlueAqua Academy ay nagcecelebrate ng halloween every year. And we all know that kapag may halloween may contest. May costume contest, booth contest at iba pa. Ang costume contest ay ok lang kasi pangindividual naman yan, so we need to focus on our booth, kailangan makagawa tayo ng tatlong booths or more ayon sa criteria, so any suggestions for our booths?"Sabi ng President.
Yeah every year nag cecelebrate dito ng halloween. Masaya din kahit papaano. Lahat ng college students dito iba't ibang course ay naghahanda rin para dito. Bawal ang outsiders dito para safe daw. Pwedeng makapunta dito ang highschool students and elementary students basta taga BlueAqua Academy. Di ko pala nasabi sainyo na ang BlueAqua Academy ay nahati sa tatlong malalaking building yun ay ang elementary, highschool at college. Basta yun.
"Uhmm we can have a horror booth, then food naman yung isa, and then pwede ring horror movie. Yan po ang suggestions ko." Sabi ng isa kong kablockmate.
"Yeah good suggestion Ms. Reyes, raise your hands if you agree with her suggestions?"Tanong ni Ms. President.
Lahat kami ay nagraise ng hand. I do agree, maganda ang suggestion niya.
"Elle, mamaya bumili na tayo ng costumes para sa halloween, waahh excited nako."Sabi ni Aya na katabi ko.
"Ok ok, huwag masyadong excited"Cold kong sabi.
"Yan na naman ang pagiging cold mo, hmmmpp"Sabi niya. Inirapan ko nalang siya.
"Here's my idea. Ang booth for food. Gagawin nating isang restaurant. We need to create foods that are creepy and scary yet delicious tapos yung mga waiter at waitress dapat nakacostume, at ang decorations ay dapat bonggang bongga. Then yung booth para sa movie. Gagawin nating isang movie theater ang booth natin at ang ipapalabas nating movie ay of course horror movies. Then yung horror booth. Dapat ibase natin siya sa isang laro. Like slendrina or ibase natin sa movie, like train to busan ,parang ganun. So any more ideas?"Tanong ni Ms. president.
I think that's a great idea. Mas maganda pa tong idea nato, kaysa last year. We got last place. So sana makabawi kami ngayong year.
"Ok na po yan Ms. President, we all agree, diba guys?"
Tumango kaming lahat.
"So it's settled then, I hope makabawi tayo ngayon sa pagkalast place natin noon. So I will divide you into three groups, ang lahat dito na nasa left, sa horror booth kayo nakaassign, ang sa gitna, sa movie theater kayo nakaasign, and then sa lahat ng nasa right, sa food booth kayo nakaasign.Magsisimula na tayo tomorrow para mas maaga tayo matatapos. "
Sa right kami nakaupo ni Aya, so it means sa food booth kami nakaasign. Pumunta kami ni Aya sa locker room.
Pagkadating namin ng locker room ay inilagay ko na ang books na natapos na at kumuha ng isang libro para sa next class namin.
YOU ARE READING
That Girl Is A Gangster(Hiatus)
Ficțiune adolescențiShe's a sweet little kid. She's only 10 years old. She's smart. But if you mess her or her loved ones. She can kill without hesitation. She is a gangster at that very young age. She's the heiress of the mafia. Everyone calls her Queen Atramentous!!