Chapter 21:Cry

1.2K 38 1
                                    

Aya's POV

Andito na kami sa school at kasalukuyan kaming hinati hati sa grupo. Ang inassign sa food booth ay hinati sa tatlo. Decorating ang isa, 2nd food experiment at 3d effects ang last. Sa decoration kami ni Elle na assign kasama pa ang iba pa naming kablockmates.

"So ang naasign sa decorations go over here"Sabi ng leader namin para sa decorations.

Pumunta kami doon sa isang corner.

"So natapos na ang booth natin kaninang madaling araw, thanks to our genius blockmates"Sabi ng leader namin. Tumingin kami sa kanyang tinitingnan at nakita naming tulog ang mga genius naming blockmates.

"And now decorations nalang ang kailangan natin, at sinabi ko naman sainyo kung anong gagawin niyo, so let's get started "Sabi niya at nagsimula na kami.

Madami naman kami kaya hindi kami masyadong mahihirapan. Nakita ko rin ang grupo nila Ulger na umupo sa isang tabi, I think kasama namin silang magdedecorate. Kinuha ko nalang yung pinapagawa sa amin at ginupit ito.

---

Matagal tagal din kaming naggugupit at pinapawisan na nga ako. Tiningnan ko ang grupo nila Ulger, ganun pa rin nakaupo pa rin sila at nagkwekwentuhan. Tsk!! Wala ba silang balak na tumulong, tiningnan ko si Elle, cold and emotionless as usual. Pawis na pawis na nga ako dito kahit gupit lang ang ginawa namin, eh sa madali akong pawisan eh. Ang ibang babae naman ay todo lapit at papansin sakanila, pero parang si Ulger lang ang nag eentertain sa mga coloring book na babae.

"Gosh!! Ang gwapo talaga ng HK's, tara lapitan natin sila"girl 1

"Kyaahh Ryker, Rocco, Ulger, Wren at Xen wahhh their so hot"girl 2

"Oo nga, tara na punta na tayo sakanila"girl 1

Yan ang narinig kong bulong-bulongan ng dalawang coloring book na mga babae. Hello!! Nandito tayo para matapos ang booth, hindi ang makipaglandian. At ayun sila, pumunta sa tabi ni Ulger at masayang nakipagkwentuhan. Bakit ba tuwing makikita ko si Ulger umiinit ang dugo ko. Grrr. At isa pa, di sila tumutulong sa amin, ang unfair naman. Sinamaan ko ng tingin si Ulger.

Maya maya pa ay may nagsalita.

"Alam kong gwapo ako miss, baka nga matunaw pako sa kakatitig ko sayo, why don't you join us?" Ako ba ang sinasabihan niya. Inirapan ko nalang siya. Damn you Ulger.

"Hayy bawal talikuran ang mga gwapo, kanina titig na titig ka sakin ngayon iniirapan mo ko"Sabi niya.

"Nga pala ano ang pangalan mo miss?"Tanong ni Ulger.

Hindi ako sumagot.

"Grabe, gwapo na nga tong nagtatanong, hindi pa sumasagot"Sabi niya.

"Eh kasi kanina pa kami gumagawa dito ng decorations at kanina pa kami pawis na pawis, eh kayo umuupo lang kayo diyan sa tabi at walang ginagawa, ang unfair naman diba kaya kaysa magdaldal ka ng daldal tumulong kana lang saamin gumawa ng decorations, kaysa makipaglandian at makipagkwentuhan lang kayo"Sabi ko naman sa kanya. Nagulat siya sandali pero bigla naman itong nawala.

"Ok ok miss, tutulong nako, kahit gwapo ako tutulong nalang ako, wag masyadong highblood miss"Sabi niya. Grrr... GGSS talaga.

"Pero sa isang kondisyon, what's your name?"Tanong niya.

"Tsk"Sabi ko at akmang aalis ng kinuha niya ang kamay ko.

"Ano nga ang pangalan mo miss?"Tanong niya ulit. Grr kakainis.

"Caia, satisfied?"Sabi ko sabay alis. Binigyan ko ng death glare ang mga nanood saamin at nagsibalikan ulit sila sa kanilang ginagawa.

"Yes, I'm really satisfied, Caia, what a pretty name"Bulong niya pero rinig ko naman. At umalis muna ako. Tinext ko si Elle na pupunta muna ako sa rest room,at nag ok naman siya.

Grrrr..Damn you Ulger.

Elle's POV

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at kanina ko pa pinipigilan ang tawa ko. Eh kasi naman, ngayon ko lang nakitang magreact si Aya. Maya maya pa ay bigla kong naramdamang may namasid saakin kaya lumabas ako. 

Naglakad muna ako papuntang cafeteria, hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang presensya niya. Kaya hindi ko pinahalata ito.Nag order lang ako ng canned juice at nagsimulang maglakad ulit. Pumunta ako sa liblib na lugar dito sa school. Pumunta ako sa likod ng isang poste. 

"Tsk!!Nasan na yun, malalagot talaga ako kay boss kapag di ko siya nakita"Narinig kong sabi ng di pamilyar na boses. Kaya dali dali akong lumabas sa tinataguan ko at itinutok sakanya ang maliit kong kutsilyo.

"Run and you'll die"Cold kong sabi sakanya na may pagbabanta. Hindi naman siya tumakbo kaya tinusok ko ang kutsilyo sa kanyang kamay at unti-unti siyang nawalan ng malay. Dinala ko siya sa Secret Hideout namin at kinulong ko siya sa base at tinali ng mahigpit ang kanyang kamay at paa. Di siya makakalabas kahit makawala pa siya sa kanyang tali dahil mahigpit ang seguridad dito sa base. Nakaramdam ako ng sakit sa ulo kaya pumunta nalang muna ako sa garden para magpahangin. 

Nang makarating ako ay pumunta ako sa puno na lagi kong tinatambayan at sinandal ang aking likod sa puno.

*1 email received*

Binuksan ko ito at binasa.

"Queen, Joax Reese Smith is nowhere to be found, but we were still searching for him, Queen"

Hindi ko nireplyan. Ugghhh, I let my frustrations come out. Hinimas himas ko ang noo ko, Ilang years na kaming naghahanap sa kanila, ilang years na naming hinahanap ang hustisya ng mga kapatid namin. Bakit ba hanggang ngayon di parin namin sila mahanap, di pa rin namin. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko. Bakit ba ang mahahalagang tao sa akin ay palagi nalang akong iniiwan. Una si kuya Andy tapos si Ate Ria. 

Di ko na napigilang umiyak. Umiyak lang ako ng umiyak. Kahit tough ako outside ay fragile naman ako inside. Then suddenly I felt someone hugged me and that made me feel comfortable. I didn't bother to look at the person who hugged me, hinayaan ko na lang muna ito, kasi I feel comfortable and calm at parang yung feeling mo safe ka sakanya. 

"Shhh, just let it out"Sabi ng isang tinig. Automatikong napahagulgol ulit ako sa iyak at feeling ko basang basa na ang shirt niya dahil sa iyak ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.  

That Girl Is A Gangster(Hiatus)Where stories live. Discover now