Author's POV
Napagpasyahan nilang lima na pumunta sa kanilang secret base. Umakyat sila sa mataas na pader at tumambad sa kanila ang isang lumang bahay. Madilim at sira-sira ang mga gamit. Parang isang tulak mo lang ay magigiba na ito. Pumasok sila sa lumang bahay. Nagsuot sila ng night vision glasses. Pinindot ni Elle ang isang napakaliit na button sa pader at may pinindot na code. Ang lumang bahay ay naging isang metal na bahay, nawala ang lumang kahoy at mga sira-sirang gamit. Puti lang ang makikita mo sa metal na bahay pag nasa loob ka at kapag sa labas ka ay ang makikita mo pa rin ay isang lumang bahay.
Pagkatapos ay may kinapa sila sa puting pader at nung mahanap nila yun ay sabay sabay nilang pinindot ang isang puting button. Bumukas ang puting pader sa pinakagitna at ang kanilang nakita ay isang diamond elevator. Bago pumasok sa diamond elevator ang lima ay dumaan sila sa eye security, fingerprints, blood security, voice recognition at kahit paos ka ay pwede pa ring marecognise ang voice mo. Pagkatapos nun ay sumakay na sila sa diamond elevator, pinindot na ni Elle ang button papuntang secret base.
Nang huminto na ang diamond elevator ay hindi bumukas iyon. Sa halip ay hinihingi muna ito ang password para bumukas ito. Isa isa silang nagsabi ng passwords at bumukas ito. Nang bumukas ito ay tumambad naman sakanila ang isang napakalaking pinto na gawa sa gold. May isang shelf doon sa gilid ng pinto na puno ng libro. Kinuha ni Elle ang isang libro doon sa shelf, may hinanap siya doon at ng makita niya ang hinahanap niya ay sinabi niya ito ng malakas ang natirang apat ay may kinuha ring libro at sinabi ang nakalagay sa libro. Unti-unting bumukas ang gold na pinto. Pumasok na sila roon.
Ng makapasok na sila sa secret base ay tumambad sa kanila ang iba't ibang pintuan. May room for computers, weapons at iba pa. Pumasok sila sa isang pintuan. Ito ay kwarto nila. Connected ang kanilang kwarto kaya kahit papaano ay may privacy pa din sila. Nagbihis sila ng comportableng damit at lumabas. Pumunta naman sila sa isang pinto, puno ito ng mga gadgets.
*Welcome Dark Death Gang*
Sabi ng isang living system.
"Help us to find informations about Handsome Killers Gang"Sabi ni Erza sa isang malaking screen. Ilang segundo lang ay nagflash ang screen ng iba't ibang informations.
Erza's POV
Nakita na namin ang iba't ibang informatins pero di pa rin namin mahanap ang totoong identity nila. Tsk. Simula palang nung nakipaglaban kami ay hindi na talaga namin makilala kung sino sila. Sure akong ang higpit ng system nila. We need to outsmart them. Kailangan ko lang maginvent ng device para tuluyan ng mahack ang kanilang system. Bukas ako magsisimula, tingnan ko lang kung magiging successful ba ito o hindi.
Elle's POV
I'm starting to get frustrated. Ilang oras na kaming naghahanap ng informations ng Handsome Killers Gang at hanggang ngayon ay di pa rin namin makita ang tunay nilang identity. Haaayyy. Hinimas himas ko ang noo ko, baka magkawrinkles pako niyan. Makakuha nga muna ng pagkain sa ref. Basta dadating ang panahon makikila ko rin kayo Handsome Killers Gang.
YOU ARE READING
That Girl Is A Gangster(Hiatus)
Teen FictionShe's a sweet little kid. She's only 10 years old. She's smart. But if you mess her or her loved ones. She can kill without hesitation. She is a gangster at that very young age. She's the heiress of the mafia. Everyone calls her Queen Atramentous!!