PPF Part 1

1.6K 32 1
                                    

Kim Fajardo's POV

"Boy! Oy boy! Kimy! Buksan mo itong pinto." Pambubulabog ni Mikang sa pintuan ng bahay na tinutuluyan ko. "Ang tagal naman eh! Kupad kupad naman ng babaeng ito!" Naiinis n'yang sabi habang ako papalapit na ako para buksan ito.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ang aga aga nanggugulo ka rito?" Taas-kilay kong tanong. "Sarap sarap pa ng tulog ng tao." Kumamot ako sa ulo para ipakita ang pagkadismaya nang slight.

"Guess what Kimy..." Nakangiti n'yang sabi. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti s'ya, for sure good news ang dala ng kapreng ito. "MAY TRABAHO NA AKO!!" Tuwang tuwa n'yang sabi sabay nagtatatalon.

Natuwa ako. Oo natuwa ako dahil after how many years na palamunin s'ya ng magulang n'ya ngayon heto na, may trabaho na s'ya at malilibre na n'ya ako. Hahahaha. "Anong kumpanya ang nabulag sa'yo?" Pambu-bully ko.

Nag-isip s'ya. "Hmm... Nakalimutan ko na 'yong pangalan ng company pero..."

"Walang hiya ka talaga Mikang! Nag-apply ka tapos hindi mo alam ang pangalan ng kumpanya? Iba ka! Hahahaha!" May pagka-shunga rin itong babaeng 'to eh. Kahit kailan talaga. Hahahaha!

"Hindi pa kasi ako tapos! Nakalimutan ko yung kumpanya pero yung pangalan ng restaurant nila hindi ko nakalimutan." Pagdedepensa n'ya sa sarili habang medyo napipikon na.

"Restaurant? Teka, waitress ka ba? Balak mo palang mag-waitress bakit hindi mo agad sinabi? May mini resto naman ako sana pinasok nalang kita." Pang-aasar ko.

"Hoy Kim Alano Fajardo! Hindi ako waitress no! Sa office ako magta-trabaho! Atsaka yung company na napasukan ko mayaman ang may-ari, yung mga restaurant ng boss ko, mga mayayaman lang ang nakakakain, yung mga taong tipong sumasahod ng 200, 000 pesos kada buwan!" Asar na asar na sabi ng pikon na'to.

"200 000 pesos? Baka walang maniwala sa'yo kung ikukwento mo yan sa iba. Bahala ka, basta importante may trabaho ka na and I'm happy dahil malilibre mo na ako! Labas tayo sa unang sahod mo ah." I said with my devil smile para lalo ko s'yang mainis.

"Wala pa ngang sahod boy! Gala na naman nasa utak mo. Pero sige papayag akong gagala tayo kung ikaw ang taya." Aba binaligtad na naman ni Mikang ang usapan.

"Hoy! Babaligtarin mo pa ang usapan. Basta required ka na ilibre ako sa unang sahod mo. Teka, kailan ka magsisimula?" I asked.

"Sa Monday. Pag-alis na pag-alis ng empleyadong papalitan ko." Pagyayabang n'ya.

"I see." I smiled. "Papasok muna ako sa room at itutuloy ang panaginip kong napakaganda." Tumalikod ako sa kanya.

"As if naman kaya mong ituloy." Pumasok s'ya sa bahay, binuksan ang TV at pumasok sa kusina para maghanap na naman ng makakain. "Ipagluluto ba kita?" Tanong n'ya. May pakinabang naman pala itong babaeng ito.

"Iluto mo ang gusto mong iluto tapos tirhan mo nalang ako." I answered. "Balik lang akong kwarto."

"Okay, Cyd... Ay oops! Kimy." Pang-aasar n'ya pa. "Alam ko namang si Cyd na naman laman ng panaginip mo kaya sige take your time Kimy." Dagdag n'ya.

"My two middle fingers salute you. Bahala ka na d'yan."

--

Hello readers! Nabitin ba kayo? Malamang oo, syempre kasi sinadya kong bitinin kayo. So Kimcy shippers ba kayo till now or hindi na? Anyways, ginawa ko itong story na'to hindi para ipush nang bongga ang Kimcy kundi para mapasaya ko kayo lalo na yung mga kuma-KAFit pa at hindi pa nagsasabi ng DIDITaw na.

Hoping you will enjoy!

Votes and comments are welcome. Magbigay kayo ng saloobin nyo, reactions, suggestions nyo para alam ko mga nararamdaman nyo na mga readers. Thank you!

PS. Yung ibang pangalan o lugar na magagamit ko ay walang kinalaman sa story. Kumbaga galing lang yon sa kokote ko. Char!
God bless, guys!

--

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now