PPF Part 23: KimCy? KIMCY!

432 22 3
                                    

Cydthealee's POV

"Ate Gandaaaaaaa!" Isang tawag mula sa labas ang nakapagpagising sa akin. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang mahabang gabi nang kasama ko si Kimy.

Magkatabi kaming natulog nang kayakap din ang isa't isa. Last night was so wonderful. A wonderful and full of love night for the two of us.

Bumangon ako nang tahimik para hindi magising si Kimy. Alam kong puyat siya dahil hinintay niya pa akong makatulog bago siya humimbing.

"Ssshhh... wag masyadong maingay." Pagbawal ko sa bata pagtapos kong sumilip sa bintana at nakita siya.

Bumaba ako ng kwarto para mapuntahan siya't mayakap dahil hindi kami nagkita kahapon.

"Ate Ganda!" She welcomed me with her warmth hug. "Pupuntahan sana kita kagabi kaya lang binawal ako ni Mang Mac. Makikitabi sana ako sa pagtulog." Nanghihinayang niyang pahayag.

"E baka gabi na nang nagpaalam ka." Niyaya ka siyang umupo.

"Hindi pa naman gabi yon. 9:30 siguro. Pasensya na kung wal akang katabing natulog." Bakas sa kaniya ang lunkot at panghihinayang sa paghingi niya ng paumanhin sa akin.

I smiled at her. "No worries, Lorna. Anong oras na ba? Bakit parang ang aga mo?" Tumingin ako sa orasan at nakitang wala pang alas-singko ng umaga.

"Nakalimutan mo na ba ate? Diba maaga tayong papasyal sa kakahuyan para makasanghap ng sariwang hangin?" She reminded me. Oo nga pala, yearly routine na nga namin ang bumangon nang maaga at mamasyal. Nadala ako ng moment kagabi kaya siguro nakalimutan ko. Haay.

"Sorry dahil nawala sa isip ko. Maghihilamos lang ako saglit tapos alis na tayo. Wait for me... just give me 15 mins., okay?" Pampalubag loob ko. Dali-dali akong kumuha ng towel at pumasok ng banyo para makapaghilamos.

Nang matapos ako ay diretso ako agad sa kwarto. Shocks! Nasa loob nga pala si Kimy, paano ako makakapagbihis? Bahala na. Tutal mahimbing pa naman ang tulog niya at madilim pa naman ang paligid kaya okay lang, di na ak nag-on ng ilaw para kung sakaling magising ay di niya ako maaaninag.

Binilisan kong magbihis. Nang matapos ako ay bumulong ako kay Kimy. "Honey, lalabas lang ako kasama si Lorna. Pupunta kaming kakahuyan. I'll be back after two hours." After I said that, I kissed her cheek tapos bumaba na ako.

"Let's go?" Pagyayaya ko sa bata.

Lorna smiled at me and she gave me a big hug. "Sa wakas kasama na kita, ate Ganda!" Medyo pasigaw niyang sabi, dahil na rin siguro sa excitement kaya napalakas.

"Ssshhh.. let's go." Pagsaway ko sa kaniya nang pabulong.

"May natutulog ba ate?" Curious niyang tanong sa akin.

"Malayo-layo pa ang lalakarin natin. Tara na." Pag-iwas ko sa pagsagot sa tanong ng bata. Ayoko namang sabihing nasa loob si Kimy dahil baka anong isipin niya, at the same time ay ayaw ko ring magsinungaling at sabihing wala akong kasama dahil pag nalaman niya, malamang magtatampo siya dahil hindi ako nagsabi nang totoo.

Sumunod nalang siya sa sinabi ko at nagsimula na kaming maglakad. May ilaw naman sa dadaanan namin at alam din naming dalawa na safe ang daan kaya hindi na namin iniintindi masyado yung kaligtasan namin.

Nang makarating kami ay umupo kami sa isang bato at hinintay ang paglabas ni haring araw.

"Ate, nakita mo ba si kuya Pogi?" She asked me.

"Kuya Pogi? Sino si kuya Pogi mo?" Tanong ko sa kaniya para makatiyak akong si Kimy nga ang tinutukoy niya.

"Si kuya Kim Fajardo." She told her short answer.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now