PPF Part 19: I'm Cyd, not Thea

378 18 11
                                    

Cydthealee's POV

Habang nakaupo ako, ninanamnam ang sariwang hangin at inaalala ang mga nakaraan namin ni Kimy ay napansin kong may taong dumating na ngayo'y nasa likuran ko. Mukhang siya lang mag-isa at may balak siyang haluan ng usok ng sigarilyo ang sariwang hangin na ngayo'y ine-enjoy ko.

Tumingin ako sa kaniya para ma-check kung totoo nga ang mga hinala ko. Hindi ko maipaliwanag pero para kaming nag-uusap nang mga panahong natitigan ko ang mga mata niya. Our eyes met and we stared each other's. I saw Kim Fajardo.. Yes, I saw my Kimy. Iba man ang hitsura nila dahil mas mature ang nakikita ko ngayon ay ramdam ko paring iisa sila. Kaya ba nawawala na ang box sa kubo ay dahil nakuha na niya? Kaya ba hindi ko na mabilang ang mga pintig ng puso ko dahil nandito na siya sa harap ko?

Kusa kong ginising ang diwa ko para hindi na mapatagal pa ang titigan. Mukhang hindi naman niya ako naaalala dahil wala akong nakitang reaction sa mukha niya. Hindi man lang siya ngumiti... Maaaring kaya hindi siya ngumiti ay dahil ayaw naman niya talaga akong makita... Ewan ko ba! Bakit ba nag-iisip pa ako?

"Hi.. We saw each other, again." Ngumiti ako sa kaniya. "You are the wedding photographer, right?" Tama naman ako diba? Si Kimy at yung wedding photographer na nakausap ko noon ay iisa lang. Kaya pala noong unang beses ko palang siyang nakita ay iba na ang naramdaman ko at parang may kakaibang nangyayari sa nararamdaman ko.

"Hello.. Hmm.. Thea, right?" Thea? How nice na kilala niya pa ako pero nakakalungkot din dahil si 'Thea' ang nakikilala niya at hindi si 'Cyd'.

"Yes.. So you're?" Hindi ko tinanong ang pangalan niya noon dahil nagmadali akong bumalik sa venue dahil kay Jeron. Iisang pangalan lang naman ang gusto kong marinig na isasagot niya. Ang pangalang gustung-gustong binabanggit ng bibig ko at ang pangalang gustung-gusto ring naririnig ng mga tenga ko....

"Kim. Kim Fajardo." She answered me. Kim Fajardo? CONFIRMED! Ano ba ang dapat kong maramdaman? Anoooo? "Nice meeting you again." Nakipagkamay siya sa akin. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko... Para akong galing sa isang 12km run at kararating ko lang ng finish line.

I can't believe that my Kimy is here. She is here.. IN FRONT OF ME! In front of me.

Nagpakalma ako ng sarili. Hindi pwedeng makita niyang iba ang galaw ko dahil nararamdaman ko nang medyo natataranta ako at kinakabahan ako.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Gusto mo?" For the second time of my life, inalukan niya ako ng yosi. "I know you smoke." She smiled at me.

Kinuha ko ang binibigay niya. Naisipan kong manigarilyo muna para mapakalma rin ang sarili. I feel so tense. I feel so nervous.

"Are you okay?" She looked at me.

"Yep.. I'm okay." I answered directly.

"So how are you?" She asked. "It's been a couple of weeks since the last night we met."

"Heto, busy sa business. Ikaw? How's your party last night?" I smiled at her.

"It was good." She answered shortly. "Wait, dumaan ka sa party kagabi, diba?"

I smiled at her. "Yep... Na-curious kasi ako kung saan galing yung fireworks kaya napadaan ako." Oops! Did I say that? Di naman niya tinatanong kung bakit ako dumaan diba? Jusmiyo Cydthealee!

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now