PPF Part 21: Cyd's Hashtag Tb

400 15 5
                                    

Kim's POV

Hindi mawala sa isip ko ang pangako ko kay Thea. Gustung-gusto ko siyang puntahan kaya lang di ako makaalis ng bahay dahil hindi pa nakakaalis ng bahay sina mama't kailangan ko pa silang hintaying makaalis.

7:45 pm na nang umalis sila. Agad-agad akong bumyahe papunta kina Mang Mac para matupad ko ang pangako ko kay Thea. Sana nandoon pa siya. Sana hindi pa ako huli.

"Good evening po." Pagbati ko nang makita ko ang isa sa mga kasamahan sa bahay. "Nandyan pa po ba si Thea?" Dali-dali akong bumaba ng sasakyan dahil siyempre nagmamadali akong makita siya.

"Hindi ko po alam kung nasaan pero mukhang hindi pa naman po umuwi dahil hindi pa nagpaalam."

Agad kong hinanap si Mang Mac para tanungin kung nasaan si Thea.

"Nakatulog na ho sa kubo. Mukhang napagod sa maghapon." Mang Mac answered my question. "Gusto mo bang puntahan?" He asked me.

"Kung gising pa po okay lang pero kung tulog na, wag nalang po."

"Mukhang tulog na eh. Kanina pa kasi nagpaalam na hihiga na." Napayuko ako sa sinabi ni manong. Sabi ko na nga ba, huli na ako. Di ko na siya makakausap sa araw na ito. "Pwede nyo namang puntahan para baka sakali malaman niyang bumalik ka."

Pumayag ako sa sinabi niya. Pinuntahan ko si Cyd ay este si Thea sa kubo at nadatnang mahimbing na ang tulog niya.

Pumasok ako sa kwarto at umupo sa sahig sa tabi ng kama niya. Sa pwestong ito ay tanaw na tanaw ko ang inosente niyang mukha. "Parang kahapon lang..." Bulong ko.

Sinimulan kong makipagkwentuhan sa kaniya kahit na tulog na. Nangako akong makikipagkwentuhan pa ako at gusto kong tuparin yon kahit na hindi ko na siya kausap dahil tulog na.

"Hindi naman talaga ikaw si Thea, ikaw si Cyd." Bulong ko habang pinagmamasdan ang bawat anggulo ng mukha niya. "Umikli lang yung buhok mo pero yung ganda at ang pagka-amo ng mukha mo noon at ngayon ay walang pinagbago."

Umayos ako ng upo at mas lumapit sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit Thea ang gamit mong pangalan at hindi ka nagpakilalang ikaw si Cyd... Pero para sa akin okay lang yon. Minahal kita for 10 years na ikaw si Cyd at gusto kong ipagpatuloy ang pagmamahal na nararamdaman ko bilang ikaw si Thea. Ayokong maulit yung nakaraan na sobrang naging komplikado lalo na sa side mo dahil ang gusto kong mangyari na sana ay mangyari ay ang maging okay lahat ngayon. Ikaw na si Thea ngayon at wala akong balak pwersahin kang ibalik kung sino ka noon. Mamahalin kita bilang ikaw si Thea, mamahalin kita kung sino ka talaga. Ayokong mabuhay sa nakaraan at ayokong masabi mong mahal lang kita ngayon dahil ikaw yung Cyd noon."

Idinampi ko ang hintuturo ko sa mukha niya at dahan-dahang dinama ang kinis nito.

"Kung alam mo lang kung gaano ako nagpigil kanina na yakapin ka dahil sa totoo lang, gustung-gusto kitang yakapin nang mahigpit at di ka na pakawalan at ulanan ng mga halik pero paano ko yon magagawa kung hindi ako sure kung mahal mo pa rin ako. Masyado nang mahabang panahon ang lumipas at sa tingin ko ay nagamot na lahat ng mga iniwan kong sugat nung panahong pinalaya kita dahil gusto kong mag-grow ka at mabuo ka nang di ako kasama. I felt sorry kung naging mahina ako noon pero nung nalaman kong independent ka na, chef ka na at matured ka na, na-realize kong tama ang naging desisyon ko."

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now