PPF Part 11: J*M*** It is!

429 15 0
                                    

"How's your first day?" I asked Jeron nang pumasok siya sa office.

"Kilala mo ba lahat ng employees mo rito?" He asked me. Wow Jeron Teng, tinanong kita tapos tanong din ang ibabalik mo sa akin? Wow.

"Nope. Not all of them. Why?" Sagot at tanong ko.

"I just found one attractive lady." Nakangiti niyang sabi. "I hope kilala mo siya."

"I hope so. Konting employees lang ang kilala ko eh." Sabi ko naman.

"Napakaganda niya and parang nakaka-proud siyang ipakilala sa friends ko." He gave his killer smile after he said that.

"Nagbabalak ka bang i-date ang isang employee ko?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. Alam ko na ang mga galawang Jeron Teng, maghahanap at maghahanap ng babaeng ide-date pero di makikipag-commit.

"Why not. Wala namang masama diba?" Pagmamayabang niya.

"Basta tiyakin mo lang na hindi mo siya paiiyakin."

"I won't." Mayabang niyang sagot.

"Kilala kita buddy. Kilalang kilala kita." Pagtataray ko sa kaniya.

"Excuse me Mam. Good morning." Pagbati sa akin ni Dawn nang makapasok siya sa office. "Nasa labas po si Mr. Sy."

What? Mr. Sy again? Ilang beses ko nang sinabihan pero tuloy pa rin sa pagpunta sa office ko. Hay.

"Excuse me, who is Mr. Sy?" Nagtanong si Jeron kay Dawn.

Hindi umimik si Dawn. Mukhang natakot sa buddy ko dahil first time niya lang din nakita tapos nang magtanong pa itong isa eh nakataas pa ang isang kilay.

"Dawn, please say to him na marami akong ginagawa." Pinasuyo ko kay Dawn para hindi na lang din magtanong pa itong si Jeron sa kaniya.

Lumabas si Dawn. Tinitigan ako ni Jeron. Parang naiinis siya dahil hindi nasagot ang tanong niya.

"Bakit ganyan mukha mo?" Tanong ko.

"Who is Mr. Sy?" This time, si Jeron na naman ang nagtataray sa akin.

"Businessman siya." Maikli kong sagot.

"Thea, sino siya sa buhay mo?" Lalo siyang nainis.

"Bakit ka naiinis?" Natatawa kong tanong. "Nanliligaw siya sa akin."

"May manliligaw ka pala." Ngumiti siya. "Bakit hindi mo pinakilala sa akin?" He asked. I don't know if masaya ba siya for me or what.

"Ilang beses ko nang pinatigil sa panliligaw yon kaya lang nagpupumilit." Sabi ko.

"Ayaw mo ba talaga sa kaniya?" Jeron asked me. Umiling ako. "Halika." Hinila niya ang braso ko para makasama ako sa kaniya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang medyo hinahabol ko siya sa paglakad.

"Relax, dear. Just go with the flow." He gave me his killer smile.

Pumayag ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong binabalak ng lalaking ito. Wag lang niya akong ipahiya dahil ugh! Humanda ito pag may ginawa siyang di maganda.

Jeron held my hand. Para kaming magsyotang magkahawak kamay. "Nandyan ba ang susi ng kotse mo?" Tanong niya. "Dalhin mo pala yung bag mo."

"Teka anong balak mo?" Naguguluhan kong tanong sabay kinuha ko ang handbag.

"Be natural, honey. Smile." Utos niya.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now