PPF Part 29: H O M E

346 15 0
                                    

Natapos ang dalawang araw na pag-stay ko sa apartment ni Kimy. Nakauwi na rin ako sa condo at tulad ng inaasahan ko ay hinihintay na ako ng mokong.

"Welcome home!" Niyakap ako agad ni Jeron after niyang buksan ang pintuan. Actually niyakap niya ako para asarin na naman. "Na-miss kita."

"Nako Jeron Teng, wag ako ang lokohin mo. Alam ko namang nag-enjoy ka habang wala ako sa office." Pumasok ako at umupo sa sofa para makapahinga.

"Hindi naman. Grabe ka sa akin. Siya nga pala, kumusta ang naging lakad mo na dapat kasama ako?" He asked.

"My most worth it one-week vacation." Binigyan ko siya nang isang galak na galak na ngiti. "Kumusta ang office?"

"Your office is good. Pinakialaman ko nga pala..." sabi na nga ba eh. Hindi pwedeng walang gagawing kalokohan ang itlog na'to.

"Ano na namang ginawa mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay sabay inirapan.

"Tignan mo nalang pag pumasok ka na. Bleeeeeh!" Nakuha pa akong asarin talaga ng walang hiya.

"Ewan ko sayo." Inirapan ko ulit siya.

"Taray mo!" Hindi ko na pinansin si Jeron at pumasok na ako sa room para makapagpahinga dahil for sure ay babalik na ako sa reyalidad bukas. Reyalidad na hindi na isang Cyd Demecillo ang katauhan ko kundi isang Thea Alivio na. Lord, sana naman dumating yung oras na hindi na ako mamili sa magiging katauhan ko, ayoko na po ng Cyd Demecillo or Thea Alivio, ang gusto ko po ay Cydthealee Fajardo nalang (hindi, biro lang po. Alam ko namang may tamang araw para roon. Hihi peace).

Tinapos ko na ang mahaba-habang araw sa paraang natulog na ako para makapag-dy dahil back to reality na ako bukas. Work. Work. Work.

...

"Magandang umaga!" Mukhang maganda ang gising ng mokong na si Jeron. Himala, himala't siya ang nagluto ng almusal. "Breakfast?" Pinaupo niya ako sa mesa.

"So anong meron?" Tinaasan ko na naman siya ng kilay.

"So bakit ang sungit mo?" Tinaasan niya rin ako ng kilay. "Ikaw na nga itong pinagluto ko tapos ikaw pa tong masungit." Pagrereklamo niya. "Alam ko hindi ako kasing galing mong magluto pero siguro may lasa naman yang pinirito kong itlog na basag ang dilaw."

"Jeron, alam ko namang kahit na kailan ka magluto ay nababasag mo ang yolk at wala akong issue roon." Kumuha ako ng isang lutong itlog at inilagay sa plato.

"Eh para saan yung tanong mo?"

"May employee kang sinasabayan pag lunch or break, diba?" I said, straightforwardly.

"Hmm... bakit ang bilis mo sa balita? Ikinwento na ba sa'yo agad ni Dawn?" Defensive niyang mga tanong sa akin. Sabi na eh.

"Nope. Actually ay hindi pa kami nag-uusap ni Dawn. You can tell me your story and after mo, I will tell mine." I smiled at him.

"Okay.. okay.." Pumayag siya sa kasunduan na sinabi ko. "So here is it. I found that lady so attractive, I first saw her beauty noong unang pumasok ako under your company. I invited her for a simple lunch and luckily, she accepted my invitation. Alam ko kilala mo ako, kumabaga sa isang f*ckboy ay hanggang one night stand lang ako, kilala ko rin yung sarili ko na hanggang isang date lang ang kaya kong ibigay dahil hindi ako nagseseryoso sa mga babae pero biglang nag-iba yung pananaw ko. Mika is unique. Pinakita niya agad yung ugali niya sa akin hindi tulad ng ibang babaeng nakasama ko na. So I decided to know her more. I invited her again, not just once, but I guess four times at sa bawat paglabas namin ay lalo akong na-aamaze sa ugaling meron siya."

I saw Jeron's eyes sparkling. Ito ba talaga ang bestfriend ko? Ganito ba talaga siya pag may babae nang nagpapabago sa paniniwala at kinagisnan niya?

"May balak ka bang ligawan siya?" I asked.

"Duds, actually ay hindi ko pa alam. Siguro.. pero kung oo, tutulungan mo ba ako?" He asked me.

"Sino ako para hindi ka pagbigyan?" I smiled at Jeron. "Just tell me when para masabihan ko rin yung kaibigan niya."

"Kaibigan?" -Jeron.

"Yup. Mika is Kim's friend." Hindi ko pa nga pala nakwento si Kimy.

"Kim, huh. So you met your ex?"

Ikwinento ko lahat kay Jeron ang mga nangyari sa amin ni Kimy. Mula noong nagkita kami hanggang sa magkita kami ng mga kaibigan niya. I saw how happy Jeron is, for me.

Alam kong hindi kita nabigyan ng pagkakataong alagaan ako noon in a romantic way pero ngayong alam ko nang may nagpapasaya na sa'yo, alam kong hindi ka na masasaktan sa sinabi kong kami na ulit ni Kim.

Matagal mo nang pinangakong ibibigay mo lahat ng ikasasaya ko kaya okay lang sa'yo na di baleng ikaw nalang ang masaktan basta maging masaya lang ako sa iba. Ngayon, panahon na para ikaw naman ang sumaya. Nandyan na si Mika at tutulungan kita sa kaniya para sa ganon, hindi ko man nabigay sayo yung happiness na maging ako yung girlfriend mo, at least sa ganitong paraan ay mapasaya rin kita.

Napakalaki ng sakripisyo mo sa akin. Financially, moral support, friendship, even family tapos idagdag pa yung pag-aalaga mo dahil mahal mo ako pero hindi ko yung nasuklian dahil ayokong magsinungaling sayo at lokohin yung sarili ko at sabihing mahal kita na sa totoo lang ay hanggang kaibigan lang talaga. Hayaan mo Jeron, babawi ako sa'yo at alam kong magiging masaya ka lalo na ngayong dumating si Mika.

"Kanina mo pa tinitignan." Ginising ni Jeron ang diwa ko habang nagmamaneho na ng sasakyan papuntang office. "Napopogian ka sa akin, ano? Hahahaha!"

"Duh. Pangit mo." Pagtataray ko. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinitignan. Tsk. "Kailan pala uwi mo?"

"Next week ay uuwi na ako. Sama ka sa Singapore?"

"Tignan ko, dami akong ginagawa eh." Sagot ko.

"Miss ka na raw kasi ni mommy so kailangan mo talagang sumama. Tatawagan ko na yung company para makakuha na tayo ng 2tickets."

"Sige sasama ako pero two days lang ako roon kasi may mga dapat akong asikasuhin. Teka, si Mika, ayaw mo bang isama?"

"I don't know. For now, ikaw kasi gustong makita ni mom." Sagot niya.

"I see. Ikaw, kailan balik mo ng Pilipinas non?"

"Maybe next year na. Marami rin akong asikasuhin. Business, fam plus myself."

"Yourself? May problema ka ba, Jeron?" Hisself? Kailan pa natutong mag-ayos ng sarili to? I mean, emotionally, kailan pa?

"Wala akong problema and don't worry about me. I'm good."

Bumaba na akong sasakyan para makapasok na sa building ng company. Di pa sumabay si Jeron dahil magpapark pa ng sasakyan. Ano kaya yung aasikasuhin niya sa sarili niya? Hay nako, Jeron. Bakit mo ako pinapag-overthink? Ugh!

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now