PPF Part 37: Let's Fly Together

356 15 4
                                    

Cydthealee's POV

Isang linggo ang nakalipas magmula nang unang araw na dinala ko si Kimy sa office. I guess nakita na niya ang totoong mundong ginagalawan ko, naging busy kami pareho sa linggong nagdaan. Hindi na kami magkasamang tinapos ito at ngayon nalang kami ulit magkikita.

Today is our first flight together. Papunta na ako sa airport at sa tingin ko ay nandoon na siya't naghihintay sa akin. Sanay akong bumyahe papuntang ibang bayan pero ibang-iba ang excitement ko ngayon dahil ang nag-iisang Kim Fajardo ang kasama ko.

Hindi ko maiwasang hindi isipin sina mama't papa. Pupunta nga akong US pero alam kong hindi ko rin naman sila makakausap. Pinilit kong kalimutan iyon at inisip nalang na si Kimy ang kasama ko at kailangan kong i-enjoy iyon.

Sinalubong ni Kimy ang taxi na sinasakyan ko at binati ako ng isang halik sa pisngi. "You came safe. Good morning." Nakangiting sabi niya sa akin. Kinuha niya ang bagaheng dala ko.

"Kanina ka pa ba rito?" Naglakad kami nang sabay papunta sa lugar kung saan nakalagay ang bagaheng dala niya.

"Halos kararating ko lang naman. Maybe mas maaga ako nang limang minuto sa'yo." Ngumiti siya sa akin after niyang sumagot. "Have a seat." Inalalayan niya akong umupo. Isang upuan nalang ang available dahil marami-rami ang mga taong naghihintay ng sarili nilang mga flight.

Umupo ako at binigyan ng space si Kimy para makaupo rin siya. "Let's share this seat."

Kim's POV

Dumating kami nang payapa sa US. Hindi namin pareho ininda ang pagod at mahabang oras ng byahe papunta rito dahil magkasama kami. We had great time together in airplane and I guess wala na akong hihingin pa sa mga oras na ito, gayong hawak ko ang kamay niya at handang ipakita at ipagsigawan sa bansang ito ang pagmamahalan naming dalawa.

"Let's meet my friend first. I know he's waiting for us outside." I said to my love while I'm pushing the cart for our baggages.

Pumayag siya sa sinabi ko. Lumabas kami ng airport at tulad ng sinabi ko ay hinanap namin si Bhazty, anak ng isa sa mga kaibigan ng parents ko.

"Kiiiiim! Nandito akoooo!" Napatingin ako sa pinagmulan ng boses and I saw him. Bhazty is waiting for us.

Lumapit kami sa kinaroroonan niya. "Hey! Nice meeting you again, Bhazt!" Nakipagkamayan ako sa kaniya. "I want you to meet my partner. She's Cyd." Kinamayan ng kaibigan ko ang mahal ko.

"Nice meeting you, Cyd, and you too, Kim." Ngumiti siya sa amin. "So how's Philippines?" He asked to us.

"Nothing to worry about our country." I answered indirectly. "Ikaw, kumusta ka?"

"Oh well, I'm doing good, as usual." Kampante niyang sagot.

Tulad ng sabi ko kanina, si Bhazty ay anak ng isa sa mga kaibigan/business partners nina mama't papa. Dito niya naisipang tumira dahil feel niya ay nandito ang swerte niya. Kalaro ko lang ito twenty years ago at sa ngayon ay malaki na ang pinagbago niya. He's now matured and having his own family with his lovely wife, Princess (na hindi ko pa nami-meet eversince).

"By the way, Cyd is so gorgeous and I guess you made the best choice." He said.

"She's gorgeous since day one." Hinawakan ko ang kamay ng mahal ko.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now