PPF Part 10: Ice Creaaaaam!

452 17 2
                                    

"Good morning buddy." Pagmulat na pagmulat palang ng mga mata ko ay bumungad na sa akin ang mukha ng mokong na ito hawak hawak ang isang baso ng gatas.

"Good morning." Pagbati ko rin. "Ang aga yata ng gising mo."

"Syempre excited na akong pumasok." Nakangiti niyang sabi. Bakas sa kaniya ang pagkasabik sa first day of work niya under my company.

Mabilis na lumipas ang mga nagdaang araw. Naging busy ako sa office dahil may pinaghahandaan kaming event na galing sa isang big client. Si Jeron naging busy din sa panunuod ng walang katapusang mga anime rito sa condominium. Sanay na ako sa ugali niyang ganito kaya hindi na big deal. Now I think he's ready to work under me. One month work? Well best of luck!

"Anong oras na ba?" Tanong ko habang bumabangon sa may higaan.

"It's almost 5 o'clock in the morning." Diretsong sagot niya at dumiretso na rin siya sa kusina para makakain na kami. "Let's eat first before you take a shower."

"Ay wow. Nakaluto ka na pala. Anong oras ka nagising? Bakit ang aga mo?"

"Kaninang 4am pa ako gising and maaga ako kasi gusto kong ipaghain ang boss ko." Pinaupo niya ako at kumuha siya ng fresh milk sa ref para idagdag sa nakahain sa mesa.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at sinimulan na ang pagkain. Simula na rin ito ng mahabang araw na darating. Office hours again and for sure gabi na kami makakauwi mamaya.

*Flashback*

"Here we aaaaaare!" Na-eexcite kong sabi kay Kimy nang makarating kami sa bungad ng lugar kung saan kami magde-date.

"Wow." Maikli niyang sambit. Bakas na bakas sa kaniya ang pagkamangha sa lugar. "I never thought na may fantasy world palang ganito sa lugar niyo."

Dinala ko si Kimy sa isang magical world. Hindi naman ito kasing laki ng Enchanted Kingdom or kasing ganda ng Star City, alam ko paring pareho kaming mag-eenjoy dahil kaming dalawa ang magkasama.

5 o'clock pm na nang makarating kami. Medyo naglibot na muna at namangha sa mga rides na pwede naming sakyan maya-maya.

Nang mapagod ay niyaya ko siyang umupo sa isang bench. Malapit na ring lamunin ng dilim ang liwanag, ganitong oras masarap mamasyal nang kasama ang mahal mo, or I should say mahal ko.

"Gusto mong ice cream?" Kimy asked me.

Tumingin ako. Oo nga, may nagtitinda ng ice cream na mukhang pinagkakaguluhan ng mga bata. "Bili mo'ko." Mahinhin ko namang sabi.

"Your wish is my command, dear." Tumayo siya at pinuntahan ang ice cream vendor para bumili.

"Chocolate gusto ko." Medyo malakas kong paghabol na sabi sa kaniya.

Pinagmasdan ko ang paligid. Marami-raming tao rin pala ang namamasyal dito. To be honest this is my first time to go here and I can't believe that I am with the most precious person in my life... I am with Kimy.

"Nainip ka ba sa kahihintay?" Nakangiti niyang tanong sa akin habang humahakbang siya papalapit at hawak hawak ang ice cream na mukhang masarap.

Ngumiti ako. Iniabot niya ang chocolate ice cream. "Anong flavor ng sa'yo?" I asked.

"Buko na may cheese. I don't know kung anong tawag nila rito." Mabilis niyang sagot sabay kain. "Tikman mo yung iyo kung masarap."

Ginawa ko ang sabi niya. "Masarap naman." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Good to hear that. Napagod ka ba sa byahe or sa pamamasyal natin?" Tinanong niya sa akin sabay hinawakan ang likod ko.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now