PPF Part 24: Let's Make Deep Love

562 22 5
                                    

"Ate Ganda, kain na tayo." Sumalubong sa akin ang nagyayayang si Lorna. Ngumiti siya sa akin at tumingin sa may bandang likuran ko. Biglang lumaki ang ngiti niya at di nakapaniwala nang makita si Kimy. Mabilis siyang tumakbo at niyakap ito. "Kuya Pogi, nandito ka nga."

"Nandito naman ako. Nice to see you again." Ngumiti rin naman si Kimy sa bata.

"Tama si ate Ganda, dadating ka nga ngayon."

Lumapit ako kay Kimy at bumulong. "She doesn't know about us."

"Teka, magkakilala na kayo?" Tanong ni Lorna sa aming dalawa nang makita niya akong bumulong sa kuya Pogi niya.

Tumingin ako sa bata at ngumiti. "Oo, Lorna. Nagkita kami kahapon." Sagot ko sa tanong niya.

"Sayang. Sabi ko pa naman ay ipapakilala ko kayo sa isa't isa." Panghihinayang ng bata.

"Hindi na kailangan dahil magkakilala na kami." Biglang sabi ni Kimy sa kaniya atsaka ako tinitigan at binigyan nang matamis na ngiti.

"Yiiieeeee..." pang-aasar ni Lorna habang tinitignan kaming dalawa.

"Ikaw talagang bata ka. Pati sina mam pinagti-tripan mo." Pagsaway bigla ng mama ng bata. "Pasensya na po kayo sa anak ko. Mag-almusal na po tayo. Upo po kayo." Inalok kaming dalawa ni Kimy ng upuan na magkatabi para makapag-almusal na.

Masaya, sama-sama at masarap kaming kumain ng unang meal namin ngayong araw. Ano pa bang sasarap pa sa almusal na pritong isda, mangga at iba't ibang prutas at siyempre gatas ng kalabaw? Ito ang isa sa mga binabalik-balikan ko rito. Yearly, pinaghahanda nila ako ng ganito. Espesyal lahat ng bawat handa nila pero mas espesyal ang ngayong araw dahil hindi lang ang mga tao rito ang kasama ko, kundi maging ang mahal ko.

Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan namin ni Kimy na isama si Lorna sa gagawin naming pamamasyal dito sa probinsya nila. This is my first time to go and take a ride. Tuwing pumupunta kasi ako rito ay tinutuon ko lang sa bukid at kakahuyan ang buhay ko.

Nagyaya si Kimy na pumunta sa isang beach at doon ay nagsaya kaming tatlo; parang isang masayang pamilya. Isang nanay, isang tatay at ang aming anak ay si Lorna.

Umuwi kami nang bahay na medyo pagod na. Tinulugan na ng bata ang byahe dahil for sure ay sumakit ang katawan sa kalalangoy sa dagat at katatakbo sa dalampasigan.

"Pasensya na po nay kung napagod masyado si Lorna." Pagpapaumanhin ko sa nanay niya na ngayon ay buhat-buhat na siya nang natutulog.

"Walang problema. Alam ko namang nag-enjoy ang bata kasama kayong dalawa." Lorna's mother smiled to us. "Pwede bang magtanong?" I nodded to be a response. "Ano pong namamagitan sa inyong dalawa? Kahapon lang po kayo nagkita, diba?"

Nagtinginan kami ni Kimy dahil medyo awkward yung tanong. Nagsenyasan na rin na magpalusot na muna dahil hindi rin namin alam kung paano sisimulan ang kwento para maintindihan niya.

"Magkaibigan po kami noon pa and nagkita kami ulit kahapon kaya heto.." Pagpapalusot ko.

"Mabuti naman at nagkita kayo ulit. Paano, papasok ko na si Lorna para makapagpahinga na rin ho ang bata atsaka kayo na rin." Pumasok na siya sa loob at naiwan kami ni Kimy sa labas.

"Magpapahinga na raw tayo?" Pilyong biro ni Kimy.

"Alam ko yang binabalak mo." Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"I just want to take my own meal." Kapilyuhang salita na naman ang lumabas sa bibig niya. "Are you ready to serve it to me?" Kimy bit her lower lip.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now