PPF Part 20: Ka-KAFit o DIDITaw?

365 14 1
                                    

Kim's POV

Thea Alivio, huh. Thea Alivio nga ba or Cyd Demecillo? Ibang-iba sila ng characteristics pero alam ko at nararamdaman kong iisa lang sila. Si Thea na kausap ko kanina at si Cyd na minahal ko noon ay iisa. Pero bakit ibang pangalan ang gamit niya? Lahat ng taong nakakasalamuha niya ay Thea ang pagpapakilala niya. Bakit? Bakit?

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang naging pag-uusap namin kanina. Noong sinabi kong nagpasadya ako ng fireworks display sa party, she said parang kahapon lang; hindi ko naiwasang sumang-ayon. Oo, parang kahapon lang nang matikman ko ang mga labi mong napakatamis at naging saksi ang mga pailaw at ang langit.

Tinawag niya rin akong Kimy kanina. Mukhang hindi niya napigilan kaya hindi ko na rin napigilang tawagin siyang honey. Chef na rin pala siya, I am so happy and proud of her. Sana proud din siya nang malaman niyang photographer na rin ako.

Dumating ako sa bahay at tulad ng pinangako ko kay Mama ay darating ako bago mag alas onse ng umaga.


Cydthealee's POV

"Anak, ngayon lang kita nakitang ngumiti nang ganyan." Umupo sa tabi ko si Mang Mac. Yes, anak ang tawag niya sa akin dahil siya ang nagiging tatay ko pag pumupunta ako rito sa kanila. Tumingin siya sa akin. "Iba yung ngiti mo pero parang may kulang parin." Hindi ako umimik sa sinabi niya. "Tama ako ano? Kitang-kita sa mukha mo ang saya pero alam ko na may malalim ka ring iniisip na sumasalungat sa mga ngiti mo."

"Mukhang hindi po ako nakikilala ni Kim." Mahina kong sabi. "Mukhang nakalimutan na niya ako. Sabagay, matagal na panahon narin naman kasi yung nakalipas kaya siguro ganon."

"Bakit hindi ka nagpakilala?" He asked me.

"Hinhintay ko po kasing maramdaman niyang ako si Cyd pero parang nabigo ako." I answered, sadly.

"Mabait yang si Kim, di baleng magparaya siya basta mailagay niya sa mas makakabuti yung mga taong nasa paligid niya. Sa totoo lang, iyang isang parte ng malaking lupa nilang sinasaka namin ay siya yung naging dahilan kung bakit nakapangalan na ngayon sa amin." Tinuro ni Mang Mac ang parte ng lupa na binanggit niya. "May mga magagandang katangian pa si Kim na wala sa ibang tao kaya hindi ako magtataka kung bakit siya pa rin ang gusto mo at binabalik-balikan mo rito."

Nanahimik ako dahil wala akong masabi sa mga kwento niya.

"Naibigay na sa kaniya yung kahon mo." Bigla akong napatingin kay manong nang banggitin niya yung kahon. Kaya pala wala na sa kubo dahil naiuwi na ni Kimy. "Ang kwento sa akin kanina ni Lorna bago siya matulog, namamaga raw yung mata ni Kim noong umagang gumising siya at niyaya na siyang umalis ni Lorna. Mukhang binasa nya yung mga sulat mo o pwede ring naalala ka niya kaya umiyak siya."

"Umiyak? Paano niyo po nalamang umiyak? Pwede namang hindi lang nakatulog kaya namaga ang mga mata." Panira ko sa sinabi ni manong. Ayaw kong mag-assume dahil mas masakit pag napatunayang hindi totoo.

"Ako ang huling tao sa labas tuwing gabi dahil tinitiyak ko munang maayos ang lahat bago matulog... Narinig kong humihikbi si Kim noong gabing yon tapos paulit-ulit niyang binabanggit ang salitang 'kung alam ko lang'. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero alam kong may panghihinayang sa kaniya na kung pwede lang ay mabalikan niya at itama lahat ng naging kakulangan ay gagawin niya." Nakita ko sa mga mata ni Mang Mac na totoo nga ang mga sinabi niya. He explained that to me. Hindi ko alam kung bakit at para saan; pinapalakas niya ba ang loob ko at gusto niya akong kumapit pa para sa second chances namin ni Kimy?

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now