PPF Part 2: Kim's Company

831 19 3
                                    

Kim Alano Fajardo. 'Yan ang buong pangalan ko. Kim, my first name na mukhang tinipid talaga ng magulang ko at sinadya para siguro hindi ako mahirapang magsulat at hindi ako mahirapan sa spelling. Alano, from my beautiful mother syempre. And Fajardo, ang surname na sobrang nakaka-proud. Kilala kasi ang mga Fajardo roon sa province namin pero nakakalungkot dahil pagdating dito sa Maynila ay hindi na gaano.

"Good evening, sir. This way, please." One of the waiters assisted me. I'm here in a glamorous restaurant and my friends are waiting for me inside.

Hindi naman sa pagmamayabang pero sasabihin ko na, may kaya rin naman kami. May family business sina Daddy and Mommy sa province pero hindi ako nagfo-focus sa doon dahil ang passion ko talaga is photography na medyo hindi sinasang-ayunan ng daddy ko dahil wala na raw ibang magmamana ng business kung mawawala man sila, unica ijo feels. Haha.

"Nako Kimy, late ka na naman. Ang bagal mo talaga kumilos." Pambungad ni Mikang sa akin.

"Hindi pa naman ako late." Tumingin sa relo. "I still have two minutes and thirty seconds." Sabi ko sabay tinaasan ko ng kilay si Mikang.

"Nag-aaway na naman kayo. Wala talagang pagbabago ang dalawang ito." Ara said while laughing. "Umupo ka na, Kimy at may magandang good news akong ibabalita sa inyo." Ara smiled.

"Maganda na nga, good pa. Split it, c'mon, c'mon." Mika said excitedly.

Itinaas ni Ara ang left hand n'ya and we saw a diamond ring. Yes, a diamond ring na kung iisipin talaga, isang engagement ring!

"For real?" Nanlaki ang mga mata namin pareho ni Mika at kapwa kami natutuwa dahil at last! At last engaged na si Ara.

"Kailan ang kasal?" Mabilis kong tanong. "Dapat as soonest as possible." Pagmamadali ko.

"Actually planned na lahat. I came here hindi lang para sabihin sa inyo kundi para bigyan na rin kayo ng invitation." She said smiling. Kitang kita talaga sa mga mukha ni Ara kung gaano sya kasaya ngayong malapit na s'yang bumukod at magsimula ng pamilya kasama ang long-time boyfriend n'ya. Si Thomas Torres.

Mika Aereen Reyes at Victonara Galang, these two are my bestfriends, barkada, kaaway, my partners in crime o kahit na ano pang itawag sa kanila, basta sila yung mga taong nakakaintindi sa akin at naiintindihan ko rin. High school palang ay kami na ang magkakasama, hanggang sa nag-college, nakatapos, nakahanap ng trabaho at heto, magkakaibigan pa rin, gayong mayroon ng isa sa amin ang bubukod at magsisimula ng bagong pamilya.

"Oh! Congratulations, buddy!" Galak na galak na sabi ni Mika sabay niyakap n'ya si Ara. "Kaya pala medyo napatagal ang pagbabakasyon sa probinsya ay dahil nagplano na for the wedding." She added, smiling.

"To be honest I was shock 'till now. Tinatanong lang ako ni Thomas noon kung ano ang dream wedding ko then wala talaga akong alam na pinaplano na n'ya at may balak na pala s'yang i-surprise ako at mag-propose sa akin." Ara said. "I am sorry guys, hindi ko agad nabalita sa inyo dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari."

"Nothing to sorry, buddy." Hinigpitan ni Mika ang yakap n'ya kay Ara. "Kimy and me are happy for you. We know na isa 'yan sa mga kaligayahan mo sa buhay kaya we are just here to support and be happy for you. Kaya lang, dapat maid of honor ako."

"Maid of honor? Hahahaha! Oo, bagay." Pambabasag ko sa kadramahan ni n'ya.

"Diba? Sa kagandahan ko pa namang taglay, bagay na bagay talaga sa aking maging maid of honor." Ha'ay! Nagbuhat na naman s'ya ng sariling bangko.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now