PPF Part 7: We Met Again

547 22 2
                                    

"Buddy! 3:30 pm na, baka ma-late tayo sa ceremony." Jeron said to me while adjusting his necktie.

Hindi na ako nagsalita at lumabas na ako.

"Let's go?" I said. "Wala ka na bang nakalimutan?" I asked.

"Buds, bakit ang ganda mo ngayon?" Mahinang pambobola n'ya sa akin.

"Aba bastos ang batang ito ah. Ngayon lang ba? Matagal na kaya." Pagbubuhat ng sarili bangkong sabi ko sa kan'ya.

"Hindi seryoso nga. Bagay yung short hair mo sa damit na nabili natin. "

Ngumiti ako sa kanya. Kahit alam kong nambobola lang itong lalaking to ay na-appreciate ko naman ang effort n'yang ibili ako ng damit at sabihan ako ng maganda. "Tama na ang pambobola, 3:30 pm na, halleeeeer!" Paggising ko sa kaniya sa reyalidad.

Umalis kami at bumyahe papunta sa venue ng wedding ceremony.

Habang nasa byahe ay di namin naiwasang magkwentuhan kami ni Jeron about having partners or maybe dating someone.

"Nag-eenjoy ka pa ba sa pagiging mag-isa?" Diretsahang tanong n'ya sa akin habang nakatingin nang diretso sa daan.

Nag-aayos ako ng bag nang magtanong s'ya, bigla akong napatingin. Parang ang seryoso n'ya magtanong ngayon. "What do you mean?" I asked.

"I mean, you're independent, you're living with nobody, you don't have partner nor you're dating someone." Alam ko na ang ibig sabihin ni Jeron. Guguluhin na naman ako tungkol sa date date chu chu na yan. "Kailan ka ba magpapakilala ng partner mo sa'kin?" Sabi na nga ba eh.

Hindi ako napakibo sa mga sinabi at itinanong niya. Alam naman na niya ang reason pero bakit ba pinipilit n'ya pa ako?

"That silence of yours says it all. You still have story in your past na hindi mo pa kinukwento. Paano na nga kayo ulit nagkakilala nung Kim ba yon?" Teka, paano napasok sa usapan si Kim?

"I already told you the story ah. Twice or thrice na." Pagrereklamo ko.

"Sa isang mall yata kayo unang nagkatitigan diba?" Pang-aasar n'ya.

"Hindi sa mall, sa isang coffee shop kaya." Pagtatama ko naman.

"Hahahahaha!"

"Why are you laughing? Anong nakakatawa?" Naaasar na tanong ko. Siya na nga itong nagkamali tapos siya pa itong tatawa. Asar ah.

"Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit wala ka pang pinapakilala sa akin." Natatawa pa rin niyang sabi. Halata ba ako? Masyado bang halata na hindi pa ako nakaka-move on?

"How'd you know, aber?" Pagtataas ko ng kilay sa mokong na'to.

"Oh c'mon buddy! The way you corrected me, I mean your expression, halatang wala pa siyang kapalit d'yan sa puso mo. I understand now." Nagseryoso s'ya bigla.

Maybe he's right. Yung reaction ko kanina nang sinabi n'yang sa mall kami unang nagkita, masyadong OA. I mean yeah, it was a small thing but I overreacted and masyado akong napaghahalataang attached pa ako sa mga nangyari sa past.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now