PPF Part 3: Cyd's Company

574 16 1
                                    

Cyd Demecillo's POV

"Maliwanag na ba sa inyo lahat? Big event ito guys so dapat big din ang mga ideas natin to make them happy at maging sulit ang malaking halagang ibinayad nila." Pagpapaliwanag ko sa mga employees na kaharap ko ngayon sa meeting. "So if malinaw na ang lahat, we're now done." I smiled at them.

Nag-ayos na sila nang kanya-kanyang gamit at isa-isang lumabas ng meeting room maliban sa mga managers ko na sina Tin at May, kasama ang head chef na si Des at ang aking secretary na si Dawn.

"I-ready nyo na mga sarili nyo dahil one week ang gagawin nating paghahanda." Reminder ko sa kanila.

"Mam, hindi po ba kayo invited doon sa event?" May asked me habang nag-aayos ng mga papel. "Diba po mga kilalang business personalities sila tulad ng sabi n'yo? Eh bakit parang di kayo invited?" Dagdag nya.

"Hindi talaga ako magiging invited dahil mga businessmen and women yung mga yon na may naitayong business na sa ibang bansa. Yung sa atin ay buong Pilipinas pa lang at wala pa tayo overseas." I answered her then tumayo ako sa kinauupuan ko. "Kailangan pa nating doblehin ang pagsisikap para maging kapantay nila para for the next time na magkakaroon muli ng event ay invited na ako, hindi lang ako dahil isasama ko kayo." Nakangiti kong sabi habang nakataas ang noo at handang abutin ang mga bituwin sa kalangitan.

"I will mark you words, Mam." Nakangiti ring sabi ni Dawn. "Yan din ang sinabi mo one and a half years ago, na makapagpapatayo tayo ng branches sa Visayas and Mindanao and natupad yon Mam, ngayon sa ibang bansa naman ang target natin." Pagdagdag ng secretary ko.

"At kapag nakapagpatayo na tayo overseas hindi lang pinoys ang makakatikim ng napakasarap na dishes na hinahanda natin, maging ang ibang lahi. Magiging malaking opportunity sa'yo yon, Des." Pagdagdag ni Tin sabay tumingin sa aking head chef.

"Hindi lang sa akin opportunity yon, maging sa mga mas batang chefs na nagtatrabaho para sa mga pamilya nila at makikilala rin ang mga recipes ni Mam all over the world." Pagsali naman ni Des sa usapan namin.

"Napakasarap mangarap lalo na't nilalakipan ng gawa. Ganito rin tayo noon before natin napatayo ang unang branch sa Visayas. Sana matulad din natin yung mga pinapangarap natin ngayon." May said na punung-puno ng pag-asa sa buhay.

"Maaabot natin yan basta doblehin natin ang sipag, tiyaga at basta magkakasama tayong lima at ang iba pang mga employees natin." Pursigido kong sabi sa kanila. "By the way, let's all go back to work at pag-uusapan na lang natin lahat ito pag okay na ang lahat."

Sumunod naman ang apat, yes go back to work na. Lumabas kaming apat sa meeting room. Pumunta na sila sa kanya-kanyang pwesto, si Des ay sa kusina, sina Tin at May ay pumwesto para mag-manage, si Dawn ay sa office nya para magtrabaho ng mga papeles at ako naman ay sa office para ituloy ang ineexperiment kong recipe.

This is my life.

Umupo ako sa sa center chair at nagpahinga pansamantala. Tinignan ko ang kabuuan ng office ko. Almost five years in business and till now I can't believe pa rin na ganito na ako ka-successful. Worth it lahat ng naging paghihirap ko ng apat na taon.

I'm Cydthealee Alivio Demecillo. An entrepreneur, a chef, a baker and an independent woman, yes, independent woman, almost ten years ko nang binubuhay ang sarili ko, naghihirap para mabuhay at hindi humihingi ng tulong kahit na kanino, kahit sa pamilya ko. Choice ko rin namang mapag-isa kaya hindi ko rin sila sinisisi. Limang taon na akong business woman, may restaurant ako rito sa Pasay kung saan ako nagsimula, other provinces sa Luzon, maging sa Visayas and Mindanao. Hindi naman sa pagmamalaki pero masasabi kong kilala narin ako sa world of business na tinatawag nila, isa ako sa mga business personalities na kilala nang marami. I am one of the youngests dahil 28 years old palang ako unlike them na umaabot na ang 30's or maybe 70's na halos buong angkan nila ang namamahala sa kanya-kanya nilang business, di katulad ko, ako lang mag-isa at mga employees under me.

Umiikot ang buhay ko rito sa restaurant. Madalang lang akong magsaya pero once na nagsaya ay bakasyon talaga. I love travelling. Actually nasa less than 15 countries na ang napupuntahan ko and nag-iipon pa ako para madagdagan pa ang mga nasa listahan ko. I am single, 100% single. Not married nor in a relationship. May mga nanliligaw naman sa akin kahit papano kaya lang ayaw ko talaga.

"Hi Mam. Mr. Sy is here. He wants to see you raw po." Dawn said to me.

Speaking of manliligaw, heto nga, si Mr. Sy na isa ring successful entrepreneur. Habulin ng mga babaeng itong si Mr. Sy pero ewan ko ba, bakit ako pa ang gusto n'yang bisitahin.

Lumabas ako ng office para puntahan s'ya.

"Good morning, Mr. Sy. What's up?" I smiled at him.

"Good morning, pretty. How wonderful to start my day with a sweet smile and pretty face of yours." Pambobola n'ya. "I just came here to see you and to give you this." Iniabot n'ya sa akin ang bouquet of Tulips, my favorite flower.

"Wow." I'm amazed. Ang mahal ng mga bulaklak na ito. Improving na si Mr. Sy. Noon puro Roses tapos ngayon Tulips na.

"Your favorite flower, right?" He smiled at me. "Kung gusto mo araw-araw kitang padalhan ng ganyang bulaklak."

"No need mister. By the way, thank you." Ayaw ko namang paasahin yung tao. Ilang beses ko na ring pinigilan at sinabihan na tigilan na n'ya ang panliligaw dahil wala s'yang mapapala pero makulit eh. Hindi ko naman na kasalanan.

"You're always welcome my dear. I gotta go. Alam mo na, office works." Pagpapaalam n'ya. "Have a great day, pretty. Bye."

Tuluyan na ngang umalis si Mr. Sy. I have Tulips now and pwede kong ilagay ito sa bawat table ng resto.

"Dawn, get ready. Babalik na tayong office." I said to my secretary. Babalik na kaming office at iiwan na muna ang resto wherein I held our meeting. "Bukas, babyahe tayong Nueva Ecija para ma-check ang branch doon."

Bumyahe kami papuntang center office ng business namin. Isang 15-floor building kung saan nandoon ang mga offices na nagtutulungan upang ma-manage at mapag-isa ang lahat ng branches namin.

Pagdating namin sa building ay bumungad sa amin ang maraming mga employees na mukhang nag-aagawan sa dalawang spots ng trabaho na mababakante dahil may mga aalis akong employees for this coming week.

"Masyadong marami ang nag-aaply Mam." Sabi ng isang employee na sumunod sa amin pagdating ko.

"Halata nga, Anne." Pagsagot naman ni Dawn sa kanya. "Nakapag-start na ba kayo ng pag-iinterview?"

"Opo Mam. Kaninang 7am pa po."

"May pumapasa naman ba sa interview?" I asked. She nodded. "Give me the resumes and other documents of the best five then ipaiwan n'yo sila para makausap ko."

"Noted Mam. Pagtapos na pagtapos po ng pagpili namin ay isusunod ko na agad ang papers sa office n'yo po." She said.

Pumasok na ako sa office para ayusin ang mga dapat ayusin. Mukhang nakakapagod ang everyday routine ko diba? Well, yeah. Sobrang nakakapagod pero napaka-worth it.

"I hope nandito ka sa tabi ko para makita mo na independent na ako at unti-unti ko nang natutupad ang mga pangarap ko na noo'y kasama lang kitang bumubuo." I whispered while looking at a framed photo of me and my love. "I hope you would be proud of me." I added and I smiled.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now