PPF Part 26: Province No More

400 12 3
                                    

Cydthealee's POV

Sabay kaming umuwi ng Maynila ni Kimy. Yung kotse ko ang ginamit namin pauwi (siyempre siya ang pinag-drive ko) dahil wala naman siyang dadalhing kotse niya't ayaw ding dalhin ang kay papa niya. Hindi ko alam kung bakit nagpapabebe pa itong si Kimy pagdating sa pagtanggap ng mga regalo galing sa parents, sa totoo lang ay ang swerte niya dahil binibigyan siya hindi lang materyal na bagay kundi atensyon din ng mga magulang niya, hindi tulad ko.

"Deretso ba tayong condominium mo, hon?" She asked me while driving.

"Hindi na muna. Ang alam ni Jeron ay sa makalawa pa ang balik ko, for sure magtataka yon kung madadatnan ako pag umuwi siya." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Jeron? Siya yung pinagkamalan kong boyfriend, diba? Are you living with him?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin.

"Jeron is my buddy. He's my bestfriend. Sa Singapore siya nakatira at umuwi lang siya rito sa Pilipinas dahil nga nag-attend siya ng wedding so dahil stay muna siya rito for a month, we decided na sa condo ko na muna siya tumira." Pagpapaliwanag kong muli.

"Hindi ka ba natatakot? I mean, you're a lady tapos lalaki siya."

"There's nothing for you to worry about. Sanay na kami ni Jeron na magkasama sa isang condo at kahit na minsan ay hindi naman kami magkatabing matulog."

"Sanay?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Yup. When I was in college, mga panahong binubuhay ko ang sarili ko, dumating sa point na walang-wala ako, nawalan ng income at matutuluyan, iyon ang mga panahong dumating si Jeron. May condo siya noon at doon ako tumuloy pansamantala. Maybe 5-6 months din ako roon kaya ngayong siya yung gustong tumuloy sa tinutuluyan ko, sino ako para hindi siya i-welcome?" Mahabang pahayag ko sa mahal ko.

"I see. Kaya naman pala ang laki ng tiwala mo sa kaniya."

"Punta tayong bahay mo?" Pag-iiba ko ng topic.

"Apartment lang ang tinutuluyan ko. Hindi pa ako nakakapundar ng sariling bahay."

"May kasama ka ba?"

"Wala naman pero may isang babaeng bumibisita roon once a week." Ngumiti siya habang nakatingin sa daan. Tumingin ako sa kaniya nang nakasalubong ang dalawang kilay. "Yung babaeng yon, siya yung laging nanggugulo sa bahay. Nangangalkal ng pagkain sa ref, nagdudumi sa sala at minsan pati sa kwarto."

"Is she your girl? Imposible namang mother or sister mo, diba?" Sabi ko sa kaniya nang mahina ang boses.

"Yep. She's not my mother nor my sister... hindi ko rin siya pinsan or kamag-anak." Nakangiti parin siya habang sinasagot ang tanong ko.

Hindi ako umimik. Ano sa palagay ni Kimy ang ginagawa niya sa akin? I hate to admit it but she's making me jealous. Haaay..

"Is there something wrong?" Aba nagtanong pa ang mokong! Halata naman diba? Halata namang biglang nag-iba ang mood ko. Sino ba naman kasing babae ang hindi makakaramdam nang ganito pag nalamang may nakakasamang ibang babae ang partner nila diba? Ay teka, hindi ko nga pala partner si Kimy at oo nga pala, marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya. :(

"Nothing." Pagsisinungaling ko.

Kimy opened her smart phone. "Heto." Iniabot niya sa akin. "Look." Utos niya na sinunod ko naman. I saw a photo. "Kaming tatlo nina Ara at Mika. Yung nasa bandang kaliwa ay si Mika at yung nasa kanan ay si Ara. Those two are my friends, best friends actually, since high school ay kami na ang magkakasama. Si Ara, engaged na yan kay Thomas at sa aming tatlo siya ang masasabing naka-jackpot sa lovelife. Ako, sa tingin ko kahit na nabigo ako noon, nakuha ko na yung mega jackpot ngayon." Ngumiti siya sa akin. I felt na nag-blush ako dahil uminit ang mga pisngi ko.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now