PPF Part 27: Ready to Meet Kim's Company?

350 16 2
                                    

Maaga akong bumangon para makapaghanda ng almusal namin ng mahal ko. Siyempre gusto ko na maramdaman niyang gustung-gusto ko ang iserve siya at maglaan ng magandang effort para rito. 6:00 am palang ay bumangon na ako at sinimulan ang pagluto ng almusal.

Almost 7am na nang matapos ako. Mukhang hindi pa gising si Cyd.

Umupo ako sa sala at binuksan ang TV para manuod habang hinihintay ang paggising niya.

"Kiiiiiim!" Narinig kong pagbanggit sa pangalan ko sinundan ng sunud-sunod na mga pagkatok sa pintuan sa harap ng bahay. "Gising ka na! Kiiiim!"

Dali-dali kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang babaeng walang katahimikan sa buhay at hindi rin marunong magbigay ng katahimikan.

"Wag kang maingay." Pagsaway ko. "Bakit ang aga mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Day off ko ngayon. Gala tayo?" Biglang nagpa-cute sa akin para syempre, para mapapayag ako. "Wala ka naman sigurong gagawin diba? Icecelebrate na rin natin ang birthday mo."

Walang pagpapaalam ay agad na pumasok si Mika sa bahay, umupo sa sofa at inilipat sa ibang channel ang nakabukas na TV. Hanep diba? Siga kung siga eh!

Napakamot nalang ako ng ulo hindi dahil sa ginawa niya kundi dahil sa naiipit ako sa sitwasyon ngayon. Bakit ba naman kasi ngayon pa magyayaya ang babaeng ito? Bakit pa ngayong nasa bahay ko ang babaeng napaka-espesyal sa buhay ko tapos ang matindi ay boss nya pa? Whyyy?

"Ano? Gora ka?" Muli nyang tanong sa akin. Anong magiging pasya ko? Kapag hindi ko pinagbigyan si Mika ay magtatanong ito ng sapat na dahilan kung bakit ayaw ko, malamang ay magsisinungaling ako at kapag naman sumama ako ay anong sasabihin ko kay Cyd? Sinabi ko pa naman na gusto kong pagsilbihan siya sa araw na ito tapos ano? Iiwan ko lang? Haaay!

"Pag-iisipan ko muna, pwede?" Alanganin kong pagsagot.

Mika nodded to me. "So how was your birthday? Kumusta sina tita at tito? Nag-enjoy ka bang kasama sila?" Sunud-sunod niyang mga tanong habang naglilipat parin ng channel.

"Okay naman sila... yung birthday ko..." Ngumiti ako at tumingin sa kisame. "That was the most special, unforgettable and sweetest birthday ever."

"Dami mong alam." Pambabasag niya. "Nag-text pala si Ara. Gusto niya na bago sila ikasal ni Thom ay magkaroon muna tayo ng triple date."

"Triple date? Anong trip non?"

"Maganda nga yung naisip nya eh. Basta ako wala nang problema sa date date na yan." Niyabangan ako ng walang hiya. Akala mo huh! Ikaw lang ba walang problema sa ganyan? Kung alam mo lang, Mika. Kung alam mo lang. Hahahaha! "Kung ako sayo ay maghanap ka na ng pwedeng isama."

"Wala ka nang problema? Teka, may nabulag ka na ba? May nagayuma ka na? Hahaha!" Pang-iinis ko. Hahahaha! Isang himala! "ARAY KO!"

"Yan ang bagay sayo! Isang umaatikabong sapak! Hahahaha!" Ibang klase gumanti ang babaeng ito. Physically. Buset. Hahahaha! "Hanggang ngayon ba naman ay wala kang tiwala sa akin? Yung kaibigan ng boss ko... lagi kaming lumalabas. Ang gwapo-gwapo niya tapos ang tangkad, parang basketball player. Feel ko, siya na ang forever ko."

"Lagi kayong lumalabas? Wag masyadong assuming!" Kaibigan ng boss mo ah. Sorry, Mika dahil mismong boss mo ang dine-date ko. Hmm... "Ano nga bang pangalan ng boss mo?"

"Si Ms. Thea Alivio. Isa siyang chef, isang napagaling na chef. Nakaka-inspire nga eh. Sabi ng mga co-workers ko ay masipag siya lalo na sa pagpunta sa mga restaurants niya kaya hindi mapagkakaila na dahil sa sipag niya ay yumaman siya. Someday, magiging tulad niya rin ako." Mukhang inspired na inspired din ang kaibigan ko; parang si Lorna lang. Nakakatuwang isipin na may mga tao talagang nagiging inspirasyon ang mahal ko even though hindi pa nila siya kilala nang buong-buo. My Cyd never failed to make me fall in love effortlessly.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now