PPF Part 43: Questions' Answers

456 16 8
                                    

Pupuntahan ko na sana si dad kaya lang naisipan kong si Jeron na muna ang kausapin dahil alam kong magiging mas komplikado mamaya ang pag-uusap namin ni dad.

Lumapit ako kay Jeron at dali-dali ko siyang niyakap nang mahigpit.

"Thank you for coming back, buddy." Humihikbi kong saad.

"I am giving all the credits to your partner, Kim." Tinapik niya ang likod ko saka ako pinaupo.

"Please, tell me what happened to you." Pakiusap ko sa kaniya.

"Nag-stay ako sa England para magsimula muli. Noong una ay hirap na hirap akong kalimutan ka at inaamin kong walang araw na hindi kita na-miss. Until I met Kim. Magkatabi lang yung apartment niya at yung tinitirhan ko..." panimula niyang kwento.

Tinignan ko lang siya habang hinihintay ang bawat buka ng bibig niya na sasagot sa ilang mga tanong ko sa buhay.

"Noong una ay nag-aalangan akong kausapin siya dahil siya si Kim pero napag-isip-isip kong baka will ni God yung magkita kami, so I decided to talk to her and ayun nga, nakilala ko siya at na-realize kong siya nga ang taong para sa iyo." Jeron smiled at me.

Hinawakan niya ang kamay ko at kinuha ang box ng singsing na binigay ni Kimy kanina.

"Kapag sinuot mo na ito, gusto kong hindi si Kim ang unang makaalam, dapat ako." Inilagay niya muli ang box sa palad ko. "Naiintindihan ko na ngayon. Pareho kaming dumating ni Kim sa buhay mo pero magkaiba yung dahilan. Ako, para maging bestfriend mo at siya ay para maging kabiyak mo. Katulad ni Kim ay napapasaya kita, naaalagaan at naibibigay yung suportang kailangan mo, pero.. pero isa lang ang hindi ko nagawa, yun ay ang ibalik ka sa pagiging 'Cyd' at iwanan ang pagiging 'Thea'."

Niyakap kong muli ang bestfriend ko. "Wag kang mag-alala, ikaw ang unang sasabihan ko pag handa na akong pakasalan siya." Inalis ko ang yakap ko sa kaniya.

"You're so lucky to have her. Ngayong kilala ko na si Kim ay alam kong nasa mabuting kamay ka at maibibigay nya ang pagmamahal na deserve mo." Tinapik niya ang isa kong balikat. "Siya nga pala, I met you dad earlier and I think he's nice. Nakapag-usap na ba kayo?"

"Nope. I will talk to him later." I replied.

"Huwag mo nang ipag-mamaya, ngayon na. Alam kong matagal mo nang hinihintay ito so wag mo nang palipasin ang right moment." Mula sa medyo malayong dako ay tinignan niya si dad.

"You know, you're right. Excuse me." Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papunta kay dad.

"Dad..." Tumitig ako sa kaniya habang pinipigilan ng mga luhang anumang oras ay babagsak. "Dad, pwede ba tayong mag-usap?"

"I want to talk outside." Tumayo si dad at naglakad papuntang likod ng resto.

Hindi pa rin nagbabago si dad. Strict pa rin siya pagdating sa ganitong usapan. Para akong batang sumunod sa kaniya at hinihintay kung kailan siya titigil sa paghakbang.

Umupo si dad sa isang bench doon at pinaupo niya ako sa tabi niya.

Ilang segundong nanahimik lang kami at mukhang naghihintayan kung sino ang magsisimula.

"Dad, I'm sorry." Paninimula ko na. Kung si dad ang lalabanan mo sa ganito, malamang matatalo ka talaga sa kaniya. "Pasensya ka na kung hindi ka nagkaroon ng lawyer na anak."

"Hindi man ako nagkaroon ng lawyer, may chef at business woman naman akong anak." Sagot niya, sabay tumingin sa akin nang nakangiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now