PPF Part 32: Buddy, Why?

278 11 1
                                    

Cydthealee's POV

Nakauwi na kami sa bahay nina Jeron dito sa Singapore. Tulad ng naging pag-uusap namin sa hotel, ganon din ang nangyari hanggang sa makauwi kami ng bahay nila. Puro tungkol sa aming dalawa. Ewan ko ba kung bakit. Hindi ko tuloy maisingit na nagkita na kami ni Kimy.

"Buddy, pwede ba tayong mag-usap saglit?" Jeron asked me bago pa siya makalabas ng kwartong tutulugan ko dahil naghatid siya ng bagahe.

"Yup. About what?" I responded quickly.

Umupo siya sa single sofa ng kwarto. "Okay. So Mom keep asking about you and me, about us..." Paninimula niya.

"Ever since ay ganon na ang mama mo, so okay lang sa akin yon." Umupo rin ako sa kabilang sofa naman na katabi ng inupuan ni Jeron. "Sanay ka na rin naman, diba?" Ngumiti ako sa kaniya.

"Sanay ako pero hindi ko maipagkakailang medyo awkward." He answered honestly. "Do you feel awkward too?"

"Oo. Medyo." Maikli kong sagot sa kaniya.

"I'm sorry for what mom's did and I'm sorry for what I did too." Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakayuko siya.

"You don't need to say that. It wasn't your fault and no one deserves to be blamed in, even mom." I smiled at him for him to feel that it was fine for me.

"No. Ako ang dapat sisihin." Mahina lang nang sinabi niya iyon. Hindi ko alam kung anong problema ni Jeron. Noon, kapag may ganitong pangyayari ay relax lang siya at hindi na pinapansin ang mga sinasabi ng parents niya. "Dapat noon palang sinabi ko na kay mom na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin at kahit na kailan ay hindi ko makukuha ang puso mo na alam kong hawak ng iba."

"Jeron why are you saying all of these? We're okay, aren't we?"

"Yes we're good. Listen, kaya sinama kita rito hindi lang dahil namimiss ka ni mom kundi dahil gusto rin kitang makausap, yung tayong dalawa lang." -Jeron.

"Wait, hindi ba natin pwedeng pag-usapan nalang sana ito sa condo nalang? Dalawa lang naman din tayo roon."

"Mas okay dito sa Singapore para wala nang maging dahilan pa sa magiging paglayo ko."

Napatingin ako sa sinabi niya. "Paglayo? You mean lalayo ka? Lalayo ka sakin? Para saan? Bakit? Anong dahilan para gawin mo yon?" Medyo tumaas ang boses ko habang sinasabi ang sunud-sunod na tanong.

"Wag mo muna akong pagalitan. Please, listen to me and I hope maintindihan mo ako." Pagpapakalma niya sa akin. Bakit ba gagawin niya to? Eight years of friendship tapos ngayon niya naisipan ito?

"Okay. I'll do my best to understand whatever reason you have." Pagpayag ko. "Tell me what you feel."

"Walong taon na tayong magkaibigan. Walong taon na kitang kilala. Sa walong taon na yon, siguro anim na taon na kitang hindi tinuturing na kaibigan lang. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Higit pa sa isang kaibigan ang turing ko sayo. I love you not just because you're my best friend, I love you in a romantic way."

Hindi ito ang unang beses na nagsalita nang ganito si Jeron pero ibang-iba yung ngayon. May halong panghihinayang, may halong pain.

Nanahimik nalang ako at patuloy na pinakinggan ang mga sinasabi niya. Ayokong magbitaw ng salita habang alam kong hindi ko pa naririnig at naiintindihan ang lahat ng gusto niyang sabihin.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now