PPF Part 25: Last Day

459 17 4
                                    

8:00 am na ang nakita kong oras sa wall clock nang maimulat ko ang mata ko. Umaga na pala. Maliwanag na pala. Tinignan ko ang babaeng katabi ko sa umagang ito. My lovely Cyd is still asleep, naked. Nakapatong ang ulo niya sa isang balikad ko at nakasiksik ang mukha sa may bandang leeg. She's so perfect. Ang mukha niya ngayon na napakainosente ay ibang-ibang sa mukha niya kagabi na mukhang horny talaga at inenjoy ang ginawa naming pagmamahalan.

Dahan-dahan kong inalis ang braso ko sa ilalim ng ulo niya. Bumangon ako at nagbihis para makapunta na kina Mang Mac para mapaghanda ng pagkain ang natutulog na reyna.

Nagmadali akong naghanda para makabalik agad at madatnan kong tulog pa siya.

Pinaghanda ko siya ng piniritong isda, itlog, white rice at fresh milk. Nang makabalik ako sa kubo ay nadatnang tulog pa rin siya.

Humiga ako sa tabi niya at naisipang halikan ang pisngi at ang buong mukha para magising siya't makakain na kami pareho.

I kissed her forehead, cheeks, her little nose, her eyes and even her chin. Dahil sa ginawa ko ay nagising siya at minulat ang mga mata niya.

"Good morning, babe." Nakangiti kong pagbati sa kaniya.

"In fairness, ang aga mo. Good morning." Ngumiti rin siya sa akin nang makita ako.

"Breakfast?" Pinakita ko sa kaniya ang dala kong meal for this morning.

Pumayag siya sa pagyayaya ko. Naghapag ako ng pagkain sa kama. Umupo siya at pumwesto. Kumot lang ngayon ang tumatakip sa katawan niya.

Ngayon ay magkaharapan kami at sabay naming pagsasaluhan ang simpleng pagkain na to.

"Kimy, paabot nga ng sando." Utos niya sa akin nang makitang nakapwesto malapit sa akin ang damit na hinubad kagabi.

Iniabot ko yon at hinayaang magbihis muna siya kahit na sa pang-itaas muna.

"Pakit ka muna, susuotin ko lang itong sando." Utos niya sa akin.

"Bakit pa ako pipikit?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Baka makita mo. Nakakahiya." Pagpapabebe ng bata. Hahahaha!

"Asus." Pumikit ako tulad nga ng sinabi niya. "Nakita ko na rin naman yan kagabi. Nahiya pa eh." Sambit ko habang nakatakip ang mga mata ko.

"Siyempre madilim kagabi tapos maliwanag ngayon." Pagdadahilan niya. "Ayan, tapos na."

Minulat ko ang mata ko at sinimulan na namin ang masarap na almusal.

"Kailan ang uwi mo sa inyo?" I asked my Cyd.

"This week din back to reality na ako. Ikaw ba? Kailan ang uwi mo sa mansyon?"

"Bukas na dapat ang balik ko sa Manila kasi may trabaho na ako the day after tomorrow. Maiiwan ka ba rito to bond with Lorna?"

"I wanna go back there with you." Seryoso niyang sabi sa akin.

"You'll go home tomorrow with me?"

"Hindi ka ba sa mansyon nyo uuwi?" Curious niyang tanong.

"No. I am not living with them. Actually ngayon lang ako nakauwi rito sa province. Nakatira ako't binubuhay ko ang sarili ko nang mag-isa. You know, parang ikaw, independent." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Naiintindihan ko na ngayon."

"Yung alin?" Kumunot-noo ako sa sinabi niya.

"You're working as a photographer pero nang umuwi ka rito ay nagkaroon ka nang bonggang handaan na sa tingin ko ay maski ako ay di ko ma-aafford at gastos yon ng pamilya mo." Sumubo siya ng isang kutsara ng kanin.

"Ah... yep. Gastos nina mommy yung party ko." Ngumiti ako. "Pero ayokong mangyari na sila pa rin yung bubuhay sa akin at magbibigay ng luho ko kaya hindi ako gaanong umuuwi at talagang pinapatunayan kong kaya kong mabuhay sa sariling sikap."

"It means, we're both independent now." She smiled at me. "Ibang-iba noon no? Noon ay may mga magulang na naghihintay sa atin sa bawat pag-uwi natin sa kani-kaniyang bahay, samantalang ngayon ay wala na. Noon, pag uuwi ka may nakahanda nang pagkain pero ngayon, pag umuwi ka, nasa sayo na kung ipaghahanda mo pa ang sarili mo o magpapalipas ka nalang ng gutom."

"Iniisip ko nga rin minsan yan pero ganon talaga." Pagsang-ayon ko sa kaniya.

"On the other hand, ngayon ay napapatunayan na natin na hindi na tayo takot harapin ang tunay na mundo, hindi tulad noon."

"Atsaka mas masarap kayang gastusin ang perang pinaghirapan." Dagdag ko sa mga sinabi niya. Totoo naman ang sinabi ng mahal ko, malaki na nga ang naging pagkakaiba ng ngayon sa ngayon.

After we ate, pumunta kami agad sa kabilang bahay para maki-bond kina Mang Mac dahil for sure ay di na namin magagawa iyon bukas dahil uuwi na kami pa-Maynila at babalik na sa kani-kaniyang reyalidad.

Nagluto si Cyd ng iba't ibang putahe ng ulam na pinagsalu-saluhan naming lahat. Naglaro na rin kami kasama si Lorna at iba pang bata sa bukid. Para kaming mga bumalik sa pagkabata at kung iisipin ay parang hindi kami independent persons at hindi maturd enough para ihandle ang sari-sariling buhay.

Nagpaalam na rin kami't nagpasalamat sa muling pagpapatuloy sa amin. Parang noon lang. parang noon lang na nag-stay din kami rito at tinakasan ang buhay sa kani-kaniyang pamilya at kapwa naging masaya.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now