PPF Part 22: Love Story's Second Chapter

469 17 1
                                    

"You look hotter and sexier! You're so damn attractive!" Pilyong ngiti ang ibinigay ko.

Tumahimik kaming dalawa. Nagkatitigan. Tinitigan ang bawat anggulo ng mukha na alam kong na-miss naming dalawa.

Hinaplos ko ang kabilang pisngi na mukhang napakalambot at natural ang pagiging makinis. Dahan-dahan halos hanggang sa medyo idiniin ko na. Napapapikit siya sa bawat galaw ng kamay ko nang may kasamang matamis na ngiti na nagpapatunay na gusto niya ang ginagawa ko. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha niya para mas makita ko ang kabuuan ng ganda niya.

"Parang hindi ka tumanda nang sampung taon." Bulong ko sa isang tenga niya.

Dumilat siya at tinitigan nang mas malapitan ang mga mata ko na kanina pa umiikot ang paningin sa ganda ng mukha niya.

She smiled at me. "Mambobola."

"Ms. Demecillo, hindi ako nambobola, hindi ako marunong non." Tinigil ko ang paghaplos ng mukha niya. Gamit ang dalawang daliri ko at hinawakan ko ang baba niya at medyo itinangala siya.

"Ms. Fajardo, hindi ako naniniwalang hindi tumanda ang hitsura ko." Pagsalungat niya.

"Ang awkward naman, Ms. Demecillo. Ganito yung haircut ko tapos miss ang itatawag mo? Di ba pwedeng mister nalang?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mr. Fajardo. Happy?" She gave me her killer smile tapos tinaasan niya rin ako ng kilay.

"I am not just happy. I guess, I'm the happiest person now." Tinitigan ko siyang muli sa mata sabay sineryoso ko ang mukha ko.

"Paano mo naman nasabi yan?" She asked.

"Coz I am now with the most precious person." I told her then I smiled.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Mula sa magaganda niyang itim na mga mata na may pumapagitang simpleng mga pilik-mata at mga kilay na mukhang natural ang pagkakaasyos, papunta sa maliit niyang ilong na isa sa mga dahilan kung bakit inosenteng tignan ang mukha niya, ang mga labi niyang mapupula na parang ang sarap halik-halikan at angkinin.

Hinaplos kong muli ang tila namumula niyang mga pisngi ngunit mas madiin na kumpara kanina. Naramdaman kong napabuntung-hininga siya at lumabas ang mainit na hangin galing sa kaniya. Tumingin ako sa mga mata niya na nakatitig sa akin. Nagkakatitigan kami nang malapitan. It is just like the first time we met. I feel her soul and our eyes were talking without any words.

Sino ba ako, Lord para bigyan mo ako ng ganitong perpektong babae? Alam kong hindi naman ako palagian sa simbahan at hindi rin kita bukambibig pero bakit ako ang napili mo? Bakit ako ang napili mong bigyan ng isang Cyd Demecillo? Bakit hinayaan mong magkita kaming muli at magkaroon ng ganitong moment?

Even though her lips were not smiling, I can feel that my Cydie is pretty happy now, I can see in her eyes, I can feel in her heart, she is happy with me again and I am happy with her too.

"I missed you." Bumulong ako sa isang tenga niya. Narinig ko ang mas malakas na buntong-hininga na nilabasan nang mainit na hangin. "I want to feel you." Muli kong bulong sa kaniya.

"Feel me." Malamig na boses naman niyang pagsang-ayon.

Unti-unti kong nilapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Kanina pa ako nagpipigil na hagkan at kung pwede lang ay biglain ko na pero hindi, I chose to be more gentle for her to feel my love.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now