PPF Part 40: New Chapter

263 12 1
                                    

Mabilis lumipas ang taon sa buhay namin ni Cyd. Lagpas isang taon na rin ang nakalilipas magmula nang maging official ang relationship namin. Pareho kaming naging busy sa kaniya-kaniya naming mga career. Totoo nga ang sinabi niya sa akin noon na binabalak ng company niya na magtayo sila ng restaurant overseas, nangyari iyon dahil sa pagsisikap niya at syempre sa suporta ko. Ako naman ay naging busy din sa sariling career, different people inviting me to work with them, iba-ibang mga lahi na ang kumuha sa akin at nakarating na sa iba't ibang bansa ang talent ko. Malimit lang kaming magkita ni Cyd, dahil syempre pareho kaming busy pero hindi naman namin nakaliligtaan ang mag-usap at iparamdam na mahal namin ang isa't isa kahit na may nakapagitan sa aming mga dagat.

Nakakatuwang isipin na sa tuwing magkausap kami ay lagi siyang may baong kwento tungkol sa na-a-achieve ng sariling business niya. I know mas mataas na ang narating niya ngayon kumpara noong isang taon. Thanks God din naman dahil hindi naman ako naiiwan sa kaniya dahil may maipagmamalaki din naman ako sa mga panahong ito.

Nag-celebrate kami ng first anniversary namin sa Paris. Kinailangan muna naming iwan ang kanya-kaniya naming mga trabaho para lang magkasama. Well, alam kong worth it naman ang ginawa naming pagtakas sa reyalidad at na-enjoy namin ang dalawang araw na magkasama kami noon.

Bigla akong napangiti nang makita ko na nag-appear sa screen ng laptop ko ang pangalan ng mahal ko. Cyd is calling!

"Good morning, Kimy." Agad niyang pagbati sa akin nang makita ako sa screen. Medyo naggugusot pa ng mga mata ang mahal ko dahil for sure ay kagigising lang nito.

"Good morning sa'yo, hon. Evening na po rito." Nakangiti ko ring pagbati sa kaniya. Hinaplos ko ang mukha niya sa screen, dala na rin siguro ng sobrang pagka-miss sa kaniya. "Kumusta ang Pilipinas?"

"Heto, Pilipinas pa rin." Sagot niya. Nakuha niya pang magbiro kahit kagigising lang, ano?

Oo, nasa Pilipinas nga ang mahal ko ngayon. Inaayos ang ibang business niya roon. Kagagaling lang niya ng Canada last week dahil nagbukas ang pinakabago niyang resto roon. Samantalang ako ay nandito sa England ngayon para magtrabaho.

"Hon, nagawa ko na pala yung pinasuyo mo..." she said. "Yung studio mo okay naman and maraming costumers na nandoon nung pumunta ako." Ang gandang balita naman ng dala ng mahal ko. Yup, I have my own studio now and I hope na lumaki pa iyon.

Magmula nang mangako kami sa isa't isa na susuportahan namin ang mga pangarap namin pareho, naging maganda ang takbo ng career naming dalawa. Hindi naman sa pangit ang tinakbo before kami ulit magkita, pero ibang-iba talaga noong magkasama na. Naging more matured kami in making complicated decisions, naging mas malakas ang loob naming mag-grab ng opportunities and mag-take ng risks, naging mas motivated kaming gawin yung mga bagay na gusto namin at abutin yung mga pangarap namin na sa simula palang, ten years ago, ay magkasama na naming binuo.

"Good to hear that. Thank you. I'll be back home after a month. I hope wala ka pang schedule for your next flight para makapag-bond tayo." I said.

"I'm hoping for that also. Before I forget... I have a good news for you." Nakita kong ngumiti siya. Again, I saw her cute dimples na nakakadagdag ng kagandahan niya. "Guess what, honey..."

"Hmm... I know it's about the company... hmm..." Kumunot noo ako at napatingin nalang sa kisame dahil sa pag-iisip ng pinapahula niyang good news. Alam ko ay wala naman siyang kwinento noong nakaraan.. "Okay.. talo na ako. Split it."

"Yes it's related about our company but.. I guess it's all about Mika." Nakangiti pa rin siya habang nagsasalita.

"What about her?" Nakakunot-noo pa rin ako.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now