PPF Part 13: Unforgattable Night

436 15 1
                                    

Kim's POV

It's nice to be back at home. After almost a year and now, I am here.

"Kim! Anak!" Madaling tumakbo si mama palabas ng gate para salubungin ako. "I missed you, anak. Kumusta ka?" Mukhang galak na galak siya nang makita at mayakap ako. "Lalo kang gumagwapo." Tignan niyo siya, nakuha pang mambola.

"I am fine, ma. Kayo po? Na-miss ko rin kayo." I gave her a huge hug. "Nasaan si daddy?" Bigla kong tanong.

"Pauwi na siya. For sure matutuwa yon pag nadatnan ka niya rito." Niyaya ako ni mama sa loob para makapagpalit na raw ako't makapagpahinga dahil alam niyang malayo ang naging byahe ko.

Dumeretso ako agad sa kwarto at agad na binuksan ang TV at DVD para makanuod ng anime sabay kuha ng maiinom sa sarili kong ref sa kwarto.

Ibang iba ang buhay ko sa puder ng parents ko compare sa buhay ko nang ako lang mag-isa. Hindi naman sa pagmamayabang pero kapag nandito ako ay nakukuha ko lahat ng materyal na bagay na gugustuhin ko na kabaligtaran sa buhay ko ngayon. Dito ay hindi ko na kailangang kumayod para makakain, hindi ko na kailangang rumaket para magkalaman ang ref at hindi ko na kailangang mag-ipon para makabili ng gusto ko. Pero mas pinipili kong magbuhay mag-isa dahil may kalayaan ako, natututo ako at higit sa lahat napapatunayan kong kaya ko.

My mom and dad are entrepreneurs at kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na sundin ang mga yapak nila.

Narinig kong may bumusinang sasakyan galing sa harap ng bahay. Mula sa binatana ng kwarto ko sa 2nd floor ay nakita kong paparating na si daddy. Nag-ayos ako ng sarili at bumaba para salubungin siya.

"Dad!" Nakangiti at sabik na sabik kong bati sa kaniya nang makababa ako ng hagdan. Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa pisngi. "Dad, how are you?"

"Oh my dearest unica ija... Ay este... Ijo. Welcome home." My dad hugged me back. "I am good. Ikaw? Kumusta ang buhay independent?" He asked me.

"Sa mesa na natin pag-usapan yan. Let's eat our dinner." Pagyayaya ni mama.

Sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa kusina at umupo na dahil nakahanda na ang pagsasaluhan namin.

"How is your life, anak?" My dad asked me again. "Are you enjoying?"

"My life is good and I am happy." I answered directly.

"Yan na ba talaga ang buhay na gusto mo?" This time, si mama ang nagtanong.

"Yes Ma." Maikli kong sagot.

"Pinoproblema namin kung paano ang business kung mawawala na kami ng mama mo." Sinimulan na naman ni papa ang business chu chu. Hay. "Yung pinsan mo na si Anne ang pinakanakikita kong may potential pagdating sa pamamahala ng business." Himala. Mukhang hindi na nya ako pipilitin na pumasok sa business world nila. "Sa iyo namin ipapangalan ang lahat ng pwede naming maiwan ng mama mo and si Anne ang mamamahala sa business."

"Wait.. Why are you saying all these? Hindi pa naman kayo mawawala. Ang babata niyo pa." Pagpapatigil ko. "Dad, please itigil niyo na. Kung makapagsalita kayo para kayong mawawala mamaya."

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now