PPF Part 35: Morning at the Condominium

480 15 2
                                    

Kim's POV

After namin kumain ng dinner ng mahal ko ay nagpahinga lang kami saglit at nag-ready na para makauwi na siya ng condo, oops! I should say makauwi na kami sa condo dahil sasama ako sa kaniya at doon mag-stay hanggang bukas.

Nang makarating kami ay agad nang nagyayang matulog ang mahal ko dahil kailangan na niyang makapagpahinga't wala pang tulog magmula nang makalapag ang eroplanong sinakyan kaninang madaling araw.

"May work ka ba bukas?" Tanong niya sa akin habang nag-aayos ng higaan.

"Hmm.. wala. Ang gagawin ko lang bukas ay ang mag-send sa email ng mga samples ng shots ko para sa trabaho sa US. So more on laptop ako bukas." I answered to her. "Ikaw, may pasok ka ba?" Balik ko namang tanong.

"Naka-leave pa ako for tomorrow but I need to visit to one of our restaurants and do some office works dahil aalis na naman next week." Humiga si Cydie sa kama. "Gusto mo bang sumama sa office or dito ka lang mag-stay sa condo?"

Tumabi naman ako sa kaniya sa paghiga. "Sure ka bang dadalhin mo ako sa office niyo?"

Nag-ayos ng higa ang mahal ko at humarap sa akin. "Why not?"

"I mean... baka... alam mo na... lesbian ako."

"Hon, wala akong employee na magsasalita against sa'yo or sa pagkatao mo. My employees are open minded and some of them aren't straight." I saw my love smiling at me.

"Good to hear that. Sama ako sa office mo bukas." Ginawang unan ng mahal ko ang balikat ko at niyakap ako. "Sana makapasyal tayo sa US after ng event." Hinaplos ko ang buhok niya.

"First flight pala natin iyon nang magkasama." She said. "Teka, anong event ba iyon?"

"Party yata ng mga business personalities doon. Malaki-laki ang offer tapos opportunity iyon so who am I to ignore it, diba?" Hinawakan ko ang kamay niya na ngayo'y nakapatong sa tiyan ko.

"Napagod ako sa maghapon. Pwedeng tulog na tayo?" She pouted to me.

"Bakit naman hindi pwede?" I smiled at her. Hinalikan ko ang noo niya. "Goodnight, sweetie."

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "Goodnight."

Hinintay ko munang makatulog ang mahal ko bago ko tinapos ang mahabang araw. Nakakagaan sa pakiramdam na heto kaming dalawa ng mahal ko, nakangiti at kapwa kami masaya sa piling ng isa't isa. Alam kong may bukas pa, hindi naman ngayong gabi natatapos ang pagtakas namin sa reyalidad ng kanya-kaniya naming mga buhay. Bukas, back to reality na siya ngunit alam kong kasama pa rin ako bukas sa pagharap niyang muli sa mundo. Magkasama naming sisimulan ang araw at tatapusin ang gabi bukas. I can't wait to see her business company and her life's company. Ano kayang madadatnan ko bukas? Anong klaseng Cyd Demecillo kaya ang makikita ko? Well, malamang Thea Alivio... pero bahala na, basta ako, heto, masaya, masaya dahil kasama ko siya at makakasama ko pa. Nakakagaan sa feeling. I don't want to end this kind of moment. I don't want to.

Dumating ang umaga. Nauna ang naging pagbangon ko kaysa sa pagsikat ni haring araw. Dumeretso ako ng kusina para mapaghanda ng almusal ang prinsesang masarap pa ang paghimbing sa sariling kama.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now