PPF Part 34: HOMED In Other's House

384 14 8
                                    

Cydthealee's POV

Akala ko ay magiging masaya ang pagpunta ko sa Singapore, mukhang mali pala. Hindi ko na tinry tawagan, i-message or i-chat si Jeron dahil gusto kong mangyari ang mga sinabi niya na lalayo siya at hindi na muna ako kakausapin dahil gusto niyang hanapin ang sarili niya na alam kong nawala sa kaniya sa mahabang panahon dahil sa kagagawan ko.

Ngayon ay pauwi na ako ng Pilipinas and I can't wait to see Kimy! I miss her so much! Hindi ako nakatawag sa kaniya simula nang makarating ako ng Singapore.

Paglabas na paglabas ko ng airport ay dumeretso ako sa condo para ibaba na ang mga gamit na dala ko at nang ma-surprise si Kimy sa apartment niya. Hindi niya kasi alam na nasa Pilipinas na ako.

Kumatok ako sa pintuan ng apartment niya at dali-dali naman niya akong pinagbuksan.

I saw Kimy on phone and she's talking with somebody so I decided na pigilan na muna ang excitement ko dahil baka marinig ng kausap niya.

Nakangiti lang ako habang hinihintay ko siyang matapos na makipag-usap. Nakangiti lang din siya sa akin at sa tingin ko ay nagpipigil din siya na salubungin ako sa pagdating ko.

Nang matapos siyang makipag-usap ay dali-dali niya akong niyakap nang mahigpit at hinalikan sa noo. "You're home, honey. I missed you." Ramdam ko na galak na galak siyang makita akong muli.

Yinakap ko rin siya nang mahigpit. "Sorry for not calling you. I missed you too." Sumiksik ako sa may bandang leeg niya.

"It's okay. I understand." Hinigpitan niya ang mga matatamis niyang yakap sa akin. "Kailan ka pa nakauwi? Sana nasundo man lang kita."

"Kanina lang. Hindi ko na talaga pinaalam sa iyo dahil ayokong istorbohin ka. I know you're too busy."

"I'm busy but I can make time for you." Hinaplos niya ang maikli kong buhok. "Ay sakto pala, I don't have work today. We can spend this day together."

Kumalas ako sa yakap pero namalagi ang mga kamay niya sa likod ko. "Talaga? We'll spend this day together?" Ngumiti ako sa kaniya.

"Yes, my princess. Saan mo gustong pumunta? Anong gusto mong gawin?" Sunud-sunod niyang tanong.

Kumalas ako sa hawak niya sa may likod ko at umupo sa sofa sa may sala. "All I wanna do is to chill here." Sumandal ako.

Umupo siya sa tabi ko at sumandal din sabay inakbayan ako. "If that's what you wanted to do, then we'll do it together." Sumiksik ako sa may leeg niya.

"Thank you for coming back." Bulong ko. "Sino pala yung kausap mo kanina?"

"Hmm.. kaibigan ko na taga US. Nagpapatulong ako sa kaniya."

"Nagpapatulong? For what?"

"Nagpapahanap kasi ako ng pwedeng tuluyan pansamantala roon. Maybe for four to five days." She answered. May balak mag-US si Kimy?

"What will you do there?" Inayos ko ang upo ko at humarap sa kaniya.

"Trabaho. May nag-offer sa akin. May big event doon, they needed a photographer so somebody recommended me, they called me last night, then I accepted it because I guess that's a better opportunity to show my skills overseas." Kimy explained. "Next week ang flight. You wanna join me?" She smiled.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now