PPF Part 36: Office Time (with you) is Fun Time!

384 14 3
                                    

Good morning Mam. Iyan ang tanging naririnig ko sa lahat ng taong madaanan namin sa building na pinasukan namin. Ramdam na ramdam mo talagang isang Thea Alivio ang may-ari ng company na ito. Napakataas ng tingin nila sa kaniya, ibang-iba sa labas.

Humawak siya sa braso ko at niyakap ito saka niya ako binigyan ng ngiti. She's proud to have me. Wow.

Nang makarating kami sa office niya ay agad siyang umupo sa center chair. Parang hindi siya si Cyd dahil ibang-iba siya. Yung palangiting mahal ko na laging nakalabas ang dimples, ngayon ay iba na. Well, it doesn't matter coz I love her kahit sino pa siya at kung anuman ang pagkatao niya.

"Ibaba mo nga yang kilay mo, hon." Utos ko sa kaniya. Umupo ako sa mahabang sofa na nasa office niya.

"Hindi naman nakataas ah." Pagdedepensa niya sabay nginitian ako.

"Yan, mas maganda ka kapag nakangiti ka." Ngumiti rin ako.

Sinimulan niya ang mga papeles na dapat niyang gawin. Ako naman, nag-start na rin pata agad kong matapos ang pag-send ng email.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi sulyapan ang may-ari ng building na ito. Ngayon ko lang nakitang nagseryoso siya nang ganito. Ganito pala siya magtrabaho, sobrang focus niya.

"Welcome back, Mam Thea!" Bigla akong napatingin nang may magbukas ng pintuan at mukhang masayang winelcome ang mahal ko. "Ooops... may bisita pala, pasensya na po." Medyo yumuko siya sa harap ko paraan para magpakita siya ng respeto.

Naglakad siya papunta sa table ni Cyd at umupo sa may bandang harapan.

"Kadarating mo lang yata." Seryosong tanong ni Cyd sa babae.

"Kanina pa po ako Mam kaya lang nagkape lang kaya di ko nakita yung pagdating niyo." Pagdadahilan naman ng isa.

"Anyway, I want you to meet her." Tumayo si Cyd at nilapitan ako. Tumayo naman ako. "She's Kim Fajardo, my partner." The lady smiled at me. "Hon, she's Dawn, she's my secretary." Nakipagkamayan ako kay Dawn. Mukhang masaya naman siyang nakilala ako dahil nakita ko sa mga ngiti niya sa akin.

"Kim Fajardo? Siya po ba yung kasama niyo sa picture diyan sa table niyo?" Tanong ni Dawn kay Cyd. Tinignan ako ni Dawn. "Bakit parang iba po ang hitsura?"

"Oo, Dawn, siya iyon. This photo has taken twelve years ago." Pinakita ni Cyd ang framed photo naming dalawa na nakapatong sa table niya. I saw our first photo together.

"That's what you call meant to be." Nakita kong kinikilig si Dawn. Mukhang alam niya ang nakaraan namin ni Cyd. Nakakatuwa. "By the way Mam Thea, itutuloy ko lang po yung pinapagawa niyo." Nagpaalam na si Dawn at lumabas na ng office.

Tinuloy namin ni Cyd ang ginagawa namin.

Maya-maya ay naalala ko yung letter na nasa loob ng box ng pancake mix.

"Hon, siya nga pala. I cooked pancakes earlier, right?" Panimulang sabi ko.

"Oh, yeah. Teka, dala mo ba yung ingredients for those pancakes?"

"Huh? No. Nakalkal ko lang yon sa kusina mo and I guess somebody put it in. May letter pa nga inside the box." Kinalkal ko ang bag ko at hinanap ang piraso ng papel. Iniabot ko ito sa kaniya.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now