PPF Part 31: Singapore :)

283 16 0
                                    

Cydthealee's POV

Mabilis na lumipas ang ilang araw. Nakapag-flight na kami ni Jeron papuntang Singapore. Hobby na talaga ng mokong na ito ang gawing expressway ang dagat. Sabagay, walang problema sa ticket sa eroplano dahil sariling business naman nila ito.

"Thea? Thea is that you?" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni mama, mama ni Jeron. "Long time no see." Sabay binesohan ako after yakapin.

"Hello, Ma. I missed you." Sumagot din ako sa beso.

"I missed you more, lovely Thea. Kumusta naman ang pambubulabog ng pinakagwapo kong anak sa condo mo?" Sabay itinuro si Jeron na ngayo'y bigat na bigat na dahil siya ang nagbuhat ng maleta ko na may mga damit niya. Oops.. pinabuhat pala sa kaniya ni mama.

"Ibig sabihin alam niyo pong doon siya tumuloy at hindi nag-checkin sa hotel?" Himala. Himala at hindi galit si mama. Kalimitan kasi ay nagagalit ito pag nalalamang nagtitipid si Jeron sa mga ganong usapan. Ngayon, mukhang okay sa kaniya ang ginawa ni mokong.

"Ay oo naman. Walang maitatago sa akin ang anak kong yan." Hahaha! Mama's boy problema, no Jeron? Hahaha!

Yup. Mama's boy si Jeron pero once na kasama na niya ako, well ginagawa siyang PA ko ni tita. Kawawang bata. Tignan niyo nalang ngayon, hindi ako pinagbuhat ng bag, siya lahat. Hahaha!

Tumuloy na muna kami sa isa sa mga hotels nina Jeron dito sa Singapore dahil gabi na kami nakarating at malayo-layo pa ang ibabyahe papuntang bahay.

Dumeretso kaming sa restaurant ng hotel para makapaghapunan.

"Naikwento na po ba sa inyo ni Jeron si Mika?" Pagsisimula kong panlalalaglag sa mokong na ito.

"Mika? Who is Mika?" Agad namang naka-react si mama. Lagot, Jeron, magpaliwanag ka na.

"Oo nga, who is Mika?" Patay-malisyang tanong din nitong Jeron na'to. It means hindi pa nagkwento itong lalaking ito. Tsk tsk.

"Wag kang patay-malisya." Nginitian ko siya nang may pagkapilya.

"Wag mong sabihing may pinaiyak ka na namang babae." Tinaasan siya ng kilay ni tita. Hahaha! Kawawang Jeron.

"Ma, wag ka ngang maniwala dyan kay Thea." Pagsusungit naman ni Jeron sa nanay.

"Why are you so defensive, buddy?" Pang-aasar ko na naman.

"Ikaw, pinapahamak mo ako lagi kay mama. Humanda ka sakin." Pananakot niya. Hahahaha! Ang gandang makitang naiinis ang taong to.

"Kayong dalawa, kailan ba kayo magiging opisyal na mag-partner?" Nakakawindang naman ang tanong ni mama. Official partners? Limang taon na niya tinatanong ito ah. Nagkatinginan kami ni Jeron at sabay tumawa nang malakas. "What's funny?" Napakamot tuloy ng ulo si mama.

"Nakakatawa? Yung tanong mo, ma." Sagot ni Jeron sa tanong ni mama. "Ma, Thea and I are siblings. Sister-brother relationship. No more, no less." He added.

"Nagtanong ako ulit kasi nagbabakasakali akong nag-iba na yang nararamdaman niyo, lalo ka na, Thea." Mama said.

"Ako po? Bakit ako?" Nagtataka kong tanong.

"Ask yourself about that." Ngumiti si mama. Napatahimik kaming dalawa ni Jeron.

Sa ganitong usapan, botong-boto ang family ni Jeron for the two of us. Wala pa si dad (father of Jeron) niyan. Kung nandito pa yon, malamang ay hindi na kami titigilan pareho sa ganitong topic. Naiintindihan ko naman kung bakit push sila nang push para sa aming dalawa dahil una, never pang nagpakilala ng babae si Jeron, pangalawa, kilala nila ako (actually, kilalang-kilala nila ako) and third, mag-isa siyang lalaki at mag-isa siyang magdadala ng last name ng angkan nila kaya ganito yung pressure sa side ni Jeron. Anyways, I really love this family, a lot.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now