PPF Part 30: Knowing Each Other, Better

365 14 1
                                    

Kim's POV

Lumipas ang ilang araw sa amin. Back to reality ang lahat. Ako, sa pagtatrabaho bilang photographer, si Cyd busy sa business at yung mga walang hiya kong kaibigan ay trabaho rin ang inaatupag.

Nag-uusap naman kami ni Cyd pero hindi gaano at thru phone lang dahil ayun nga, we're busy doing our own stuffs and busy in our own companies.

Kimy, hindi ko pa nga pala nabanggit sa'yo. Uuwi si Jeron sa Singapore this week and he wants me to join him.

Cyd texted me. My loves will go to Singapore with Jeron? Nakakaselos naman. Huhu. Pero sino naman ako para di siya payagan diba?

Vacation? Ilang days ka roon? Reply ko.

Two days. Magkita muna tayo bago ako alis, pwede?

Pumayag ako sa sinabi niyang pagkikita.

Dumating ang bukas, iniwan ko na muna pansamantala ang trabaho para makipagkita kay Cyd. I can't wait to see her. Parang ang tagal naming hindi nagkita. Nakaka-miss siya.

"How's work?" She asked.

"Work's fine and I guess I'm doing good. Flowers for you." I gave her a bouquet of green tulips.

"Wow. Thank you." Kinuha niya ang mga bulaklak. "This is my favourite flower." She smiled at me.

"Talaga ba? Buti pala yan ang binigay ko."

"You mean nagkataon lang? Haha! Ang galing mo." Manghang sabi niya.

"Pareho kayo ng characteristics ng tulips kaya hindi rin nakapagtatakang paborito mo siya." I gave Cyd my sweet smile. "Tulips are simple yet precious. Same as you, honey, you're so simple yet so precious; more precious than onyx."

"Yang mga pambobolang yan, Kimy." She reacted.

"Like what my friends said, hindi ako marunong mambola." I smiled.

"Baka naman kasi hindi nila alam yung 'mambobola' side mo." Sumubo siya ng noodles. "You know what, ang sarap ng ramen na'to."

"I'm not aware na gusto mo pala ng noodles." Sumubo rin ako.

"I'm not actually fan of noodles. Kumporme kung trip kong kumain." She answered me.

"Maiba ako, sabi mo pupunta kang Singapore to meet Jeron's family, right?"

"Yup. Actually they're my family. Sila yung tinuturing kong magulang and pati yung mga kapatid niya." She said.

"How about your parents?" Tanong ko. Napansin kong bigla siyang nanahimik at hindi na nagsalita. "Did I say something wrong?" Mahina kong tanong. Hindi pa rin siya umimik. "I'm sorry."

"It's not your fault." Mahina niyang sabi habang nakayuko.

Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Hon, are you okay?" I asked her.

Medyo tumingala siya at tumingin sa akin. "Sinabi ko sa'yo noon na nakatira ang parents ko sa States, diba?" She asked then I nodded to her for my answer. "My mom and dad are living together. They love each other, so much." Pagsisimula niya ng kwento.

Nakita ko na may mga luhang namumuo sa mga mata niyang kanina ay kumikislap pero ngayon ay parang binabaha na ng lungkot. Alam kong pinipigilan niyang maluha at alam ko ring hindi niya kaya dahil aminin niya man o hindi ay may dinadala siyang problema pagdating sa parents niya.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now