PPF Part 28: Kim's Company ft. Cyd

367 18 4
                                    

Cydthealee's POV

"Honey, are you ready?" Tanong ni Kimy habang kumakatok siya sa pintuan ng kwarto. "Pinauna ko na sila sa resto and I told them na susunod nalang tayo."

Binuksan ko ang pintuan para makapasok na si Kimy sa room habang naglalagay ako ng light makeup. "Okay lang ba itong suot ko?" Nakasuot lang ako ng plain dress na kulay white at sandals na kulay white din. Buti nalang at naisipan kong dalhin ito nang bumyahe ako papunta kina Lorna.

"You're perfect." Maikli niyang pambobola.

Tinapos ko na ang pag-aayos at nagyaya na si Kimy na umalis.

Hindi ko na kailangan magkaila, kinakabahan ako. What if hindi ako magustuhan ng mga kaibigan niya? Anong pwedeng sabihin ni Mika?

Dumating kami sa resto at nadatnan na ang tatlo. Si Mika, Ara and yung Thomas. I didn't expect na ganito ang mga physical appearance nila lalo na yung couple. Parang napaka-'high class' ng mga kaibigan ni Kimy at hindi basta-basta. Lalo tuloy akong kinabahan dahil baka tarayan nila ako.

"Hello, guys." Pagbati ni Kimy nang makalapit kami sa kanila. "I want you all to meet her." Inakbayan ako sa balakang ni Kimy. "She is my past, my present and my future." After niya sinabi yon ay inalalayan akong umupo ni Kimy at tumabi rin sa akin.

Tinignan ko ang tatlo na ngayon ay nakatingin lang sa akin. Ang seryoso nila, grabe. I smiled at them.

"Mam Thea?" Nagtatakang sabi ni Mika. "Good morning Mam." Ngumiti siya sa akin at nakipag-shake hands. Ang awkward dahil nandito ako bilang Cyd at hindi bilang business woman na si Thea.

"Mika, she's not Thea, she is Cyd." Kimy said to Mika.

"Cyd? Cyd Demecillo?" Napatingin ako nang magsalita si Ara. Paano niya nalaman ang pangalan ko gayong ngayon ko lang naman siya na-meet? "At last! We met." Nakibeso siya sa akin.

"You are Cyd pero bakit kamukha mo si Mam Thea?" -Mika.

"Yes, I am Thea pero tulad ng sabi ni Kimy ay ako si Cyd ngayon." Ngumiti ako.

"Miks, ikukwento ko nalang lahat sayo next time pero sa ngayon ay wag mong iisiping boss mo siya." Pahayag ni Kimy sa kaibigan.

Pumayag naman si Mika sa sinabi ng kaibigan.

"I want to introduce her formally. Like what I've said she is my past, present and future. Remember the last time we met? I told you guys na if nakalaan kami para sa isa't isa ay magkikita kami sa hindi inaasahang pagkakataon. Nangyari yon. Nangyari yon after my birthday. Cyd and I met. Nagkita kami sa isa sa mga lugar na napaka-espesyal." Sa ilalim ng mesa ay hinawakan ni Kimy ang kamay ko. "We grabbed the opportunity to be together for the second time. Kung gaano ko siya kamahal ay ganon din yung pagmamahal niya para sa akin." Itinaas ni Kimy ang kamay ko habang hawak niya pa rin at inilagay sa taas ng mesa. "She is my Cyd..." tumingin siya sa akin. "and I love her more than anyone."

Ano pa bang hihingin ko sa mga oras na ito? Yung kilig ko ay umabot na sa buong katawan. Kimyyyy? Why you making me so kilig like this? Huhuhu. Bakit ang swerte ko sayo?

"Nakakainis ka Kim!" Asar na sabi ni Mika. "Ganyan ka ba talaga ma-in love? Iba yung ngiti at kislap ng mga mata mo eh! Nagutom tuloy ako bigla. Waiter!" Pambabasag kadramahan niya. Ganito pala ang ugali ni Mika sa harap ng barkada. Napakasarap pakisamahan. Parang walang kadramahan sa buhay. Hahaha.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now