PPF Part 41: To Make You Whole

251 14 3
                                    

Cydthealee's POV

Hindi ko alam kung anong trip ni Kimy at kailangan ko pang pumunta sa isang restaurant para kumain kami. Pwede naman kaming mag-stay dito sa condo at pagluluto ko nalang siya.

Hon, medyo traffic dito sa dinaanan ng taxi. Pumunta ka na sa binigay kong address ng resto then wait for me there.

Yan ang text niya sa akin. Nagmadali akong puntahan ang sinabi niyang resto.

Nang makarating ako ay nakita kong parang may party. Mukhang hindi bukas ang kainang ito dahil parang may event. Nahiya akong pumasok dahil baka mapahiya ako.

I called Kimy. "Kimy, sure ka ba sa sinend mong address?" Agad kong tanong nang sagutin niya ang call.

"Yup. Why? Is there something wrong?" -Kimy.

"Kasi parang may event dito, so baka naka-private yung place." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Honey, pasok ka na sa loob." She said. Papasok? Hindi ba narinig ni Kimy yung paliwanag ko? May event nga eh. Nakakahiya kaya kung pupunta man ako sa event na hindi naman ako invited.

"Eh kase... ganito nalang... hmm.. hihintayin nalang kitang dumating then sabay na tayong pumasok."

"Baka matagalan ako, baka ano pang mangyari sa'yo diyan sa labas, hindi ko naman kaya yon. Kaya, please, honey pasok ka na. Just trust me. You'll be okay."

I just need to trust her. Haay.. Kahit na medyo may pag-aalinlangan ay pumasok ako sa loob at totoo nga, may event nga nga sa loob but I need to trust Kimy, dito kami kakain nang magkasama.

"Excuse me. Is this a private place?" Tanong ko sa pinakaunang staff na nakita ko.

"Great afternoon, Mam. This tulip is for you. Welcome to our place." Said the waitress. Weird. Nagtanong ako kung private ba pero ganito ang naging response niya. "Pasok po kayo and enjoy your stay here." She added.

Malamang ay mali ang inisip ko na private nga ang lugar na'to. This is why I really trust Kimy, she never failed, ever since.

Naglakad ako para humanap ng pwedeng maupuan. Lahat yata ng table na nakikita ko ay 'reserved' na.

"Sweet afternoon, Miss." Bumati sa akin ang isang waiter. May iniabot siyang envelop sa akin.

"What's this?" Medyo napakunot-noo ako.

The waiter just smiled at me.

I opened the envelop then I saw a photo of me. Tinignan ko ang likod at may nakasulat.

I don't believe in love at first sight;
I took this photo of you; now I do.

Who took this? Don't tell me, it's Kimy. Hmm.. I remember this moment.. I was with my little dog, Browny, in Baguio City, this was the first time Kimy and I had a conversation.

Humakbang na akong muli pagtapos kong binasa at kiligin sa picture na binigay sa akin kanina.

Maya-maya'y may nag-abot na naman sa akin.

Binuksan ko ulit ang envelop at nakakita ulit ng isang picture pa. Ako ulit ito, 10 years ago. My jejemon days hahaha!

Binasa ko ang note na nasa likod.

First sight is good but second sight is better.

Yung picture na ito ay alam kong nakuha niya sa isang kilalang park sa Baguio na kung saan tumambay ako mag-isa at tulad ng sinabi niya ay nahagip lang ako ng camera niya. Iyon din yung moment na nalaman namin ang pangalan ng isa't isa at naging unang pag-uusap namin tungkol sa mga pangarap namin.

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now