PPF Part 17: Let's See

312 14 3
                                    

Cydthealee's POV

*Flashback*

"Mabuti naman at gumising ka na." Pangungusap na bumungad sa akin pagkadilat na pagkadilat palang ng mga mata ko. "Tinulugan mo ako." Natatawa dagdag ni Kimy.

So nakatulog nga ako. "Sorry." Ngumiti ako sa kaniya.

"No worries, honey. May favor nga pala ako." She said. Umupo ako at ngumiti sa kaniya para maipakitang handa akong malaman ang favor na sinasabi niya. "Please mag-stay tayo rito hanggang gabi." She smiled at me.

"Wala bang multo rito?" Kumunot-noo kong tanong sa kaniya. "Baka kasi bisitahin ako ng mga nakalaro mo rito noon."

"Hahahahahahahaha! Nagbibiro lang ako, ano ka ba?! Walang multo rito. Tayo lang dalawa ang nandito. So ano? Payag ka na?" Paniniguro niya.

"In one condition." I gave her my killer smile.

"No problem, babe. So what is it?" She asked me.

"Mamaya ko na sasabihin."

Tulad nga ng pagpayag ko sa sinabi ng mahal ko ay nag-stay kami sa lugar kung saan kami nag-picnic maghapon hanggang sa sa lamunin ng dilim ang liwanag. Hindi ko alam kung anong balak niya sa gabing ito pero siyempre dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya ay hindi ako nag-aalala at alam ko namang wala akong ipag-aalala.

"60... 59... 58... 57..." Mahinga niyang pagbulong.

"Nag-aaral ka bang magbilang pabaligtad?" Natatawa kong tanong.

"Ssshhh... 56... 55..." Lumapit siya lalo sa akin. Ngayon ay magkadikit ang mga braso namin habang magkatabi sa ilalim ng buwan. Inakbayan niya ako at mas lumapit pa. Tumingin ako sa kaniya, nakitang medyo nakatingala siya at mukhang may inaabangan siyang shooting star sa langit. "54... 53..."

Tumahimik nalang ako at pinakinggan ang bawat bilang niya.

"Alam kong nangangarap ka ng isang romantic first kiss at sa tingin ko ay hindi ko yon naibigay kahapon. Pinilit ko namang magpigil na halikan ka pero dahil sobrang saya ko sa sinabi mong birthday greetings ay hindi ko na napigilang halikan ka dahil hindi ko rin alam kung anong salita ang dapat sabihin para ma-express yung nararamdaman kong saya at galak." Tumitig siya sa akin. Mabibigla ka nalang talaga sa mga galaw ng mahal ko. Bigla nalang siyang nagsasalita ng mga bagay na ganito.

Tumitig siya sa mga mata ko, sa ilong, sa pisngi at sa mga labi. Mukhang tinignan niya ang bawat detalye na mayroon ang mukha ko. Hindi ko alam ang naging reaksyon ng mukha ko pero alam ko ang nararamdaman ko, kumakabog ang dibdib ko habang tinititigan ko ang mga mata niyang umiikot ang paningin sa mukha ko. Using her thumb and pointed finger, hinawakan niya ang baba ko at medyo iniangat ang mukha ko para ipantay ang mga labi ko sa mga labi niya. Unti-unti niyang inilalapit ang mga labi naming kapwa sabik na dampiin ang isa't isa.

"5... 4..." Bumulong siya at damang-dama ko ang init ng bawat hanging lumalabas sa bibig niya. She's so damn hot! "I... Love... You..." After she said that sentence... Sa pangalawang pagkakataon ay naglapat ang mga labi namin. Kasabay nito ay ang pagsabog ng pailaw sa kalangitan na sa tingin ko ay yun ang dahilan ng kanina nya pa pagbilang. Pero bakit ko pa ba papansinin ang ilaw kung pwede naman akong mag-focus sa mga labi ng mahal ko?

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now