PPF Part 38: Mr. Demecillo

277 11 3
                                    

Cydthealee's POV

I can't believe na official na nga kami ni Kimy. Masyadong nagiging mabilis ang ikot ng mundo. Masyadong nagiging mabilis dahil alam kong pareho kaming nag-eenjoy.

Bumangon ako at nakita ko si Kimy na nasa banyo na she's already taking shower. Malamang ay naghahanda na para makaalis at makapunta sa event na kung saan siya magtatrabaho.

Pumunta akong kitchen para makainom lang sana ng tubig ngunit nakita ko na may nakalagay ng fresh milk sa baso at may nakalagay na note.

Good morning, sunshine.
Drink this milk with a smile.
Love, your love. 💚

Ang lakas maka-good vibes ng nagsisimulang umaga ni Kimy. Buo na agad ang araw ko. Nakangiti nalang akong kinuha ang baso ng gatas at umupo sa may dining table para mas lalo kong ma-enjoy habang iniinom ang simple ngunit sobrang nakakakilig na effort ng taong kasalukuyang naliligo sa banyo.

"Ang sarap namang titigan nang nakangiti ang taong nagbibigay ngiti sa akin." Napalingon ako nang marinig ko si Kimy mula sa likod. "Good morning, Cydthealee."

I saw Kimy smiling while staring at me. I gave her a sweet smile too. "Good morning, Mister." Tumayo ako at pumunta ng kwarto para ilabas ang long sleeve polo na ipapagamit ko sa kaniya sa pagtatrabaho. "I chose this for you. For me, this is the best one."

"Wow. Ang supportive naman ng girlfriend ko." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na bumibitbit ng hanger ng damit. "This work is a big opportunity for me and I thank you for being there supporting." Kinuha niya ang hanger sa kamay ko at gamit ang isa niyang kamay, she wrapped my hips then she pulled me to her body. "I will give my best, I promise."

"I believe in you." Tinitigan ko ang mga mata niya, pagtapos ay binigyan ko ng matamis na ngiti. "O siya, mag-ayos ka na't mag-o-order na ako ng almusal para makakain na tayo."

Tulad ng sabi ko ay nag-order na ako ng pwedeng maalmusal thru phone. Wala pa naman kaming na-grocery ni Kimy kaya wala pa akong malutong almusal. Pero saan kaya galing ni Kimy ang fresh milk? Hindi naman siguro siya nag-grocery ano?

Nang dumating ang inorder kong food ay agad ko nang niyayang kumain si Kimy na agad din namang natapos sa pag-aayos.

Natapos kaming kumain.

"Alam mo na ba ang daan papuntang venue?" Paniniguro ko sa kaniya habang tinutulungan siyang isuot ang bag na dadalhin niya sa trabaho.

"Don't worry about me, honey." Humarap siya sa akin.

Inayos ko ang kwelyo ng suot niya. "Give them your best shot." I smiled.

"I'll do my best, for you, for us." Hinawakan niya ang kamay ko na kasalukuyang nag-aayos ng suot niyang damit. "Teka, are you done drinking milk?"

"Actually hindi pa. May konti pa sa baso." Kinalas ko ang mga kamay ko sa kaniya sabay pumunta ng mesa para inumin ang natirang fresh milk. Pagtapos ay bumalik ako agad sa kaniya.

"Hindi ko alam kung sinasadyan mo pero..." Anong sinasabi nito? Hinawakan niya ang baba ko at medyo inilapit sa labi niya. "May gatas ka pa sa labi." Bulong niya sa akin sabay hinalikan ako. "I don't really love milk pero kung galing sa mga labi mo, bakit pa ba aayawan ko?"

Past, Present, FutureWhere stories live. Discover now