Jhoace's POV"Goodmorning!" Bungad kong bati ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko habang patungo ako sa Classroom namin. Halos lahat sila nagtataka at hindi malaman kung tutugon sa pagbati ko sa kanila. Tulad na lang ng tatlong kababaihang binati ko ngayon.
"G-goodmorning din Queen Jhoace.." Pautal-pautal pa niyang sagot. Habang hindi mawari kung ngingiti ba siya sakin.
Huminto ako at humarap sa kanila tapos ngumiti ako sa kanilang tatlo. "Ang aga nyong pumasok. Sipag nyo naman." Sabi ko pa bago ko sila tinalikuran.
"Narinig nyo yon Girls? Binati tayo ni Queen." Usal ng isa.
"Parang hindi si Queen Jhoace, parang nasapian yata siya." Sagot pa ng isa.
"Oo nga! Anong nakain niya? Bakit bigla siyang bumait? Nakakatakot ang ganyang pangitain girl."
"Baki naman nakakatakot?"
"Ibig sabihin magugunaw na talaga ang mundo. May sign na!"
"Ano ka ba bumait lang yung tao. Magugunaw na ang mundo. Malay mo naman inlove lang."
"Sana nga! Tara na baka marinig pa tayo ni Queen. Mapagtripan pa niya tayo."
Napailing na lang ako sa mga narinig kong bulong-bulungan nila. Pasalamat sila at Good mood ako ngayon. Syempre nalaman kong mahal ako ni Clarence Miguel kagabi. Kung hindi pa ako nagkunwaring tulog hindi ko pa siya mabubuking.
"JHOACE!!" Sabay hila sakin ni Phoebecate at Maezy.
"Teka saan nyo ako dadalhin?!" Tanong ko habang kulang na lang buhatin nila akong dalawa.
"Shut up! ka lang dyan Jhoace." Sagot ni Maezy.
"Tama si Maezy! Itigil mo muna yang katatanong mo. Bilisan mo lang sa paglalakad." Ani Phoebecate.
Sa totoo lang gusto kong tarayan ang dalawa. Pero dahil part na sila ng buhay ko. I'll be good to them na lang. Kesa naman mag-init ang ulo ko. Magkakaroon lang ako ng mga Haters like Brent and Zach na jowa ng dalawang. Isama mo pa si Ate Heira at Kuya John Ace na paniguradong magagalit sakin.
Ano ba kasing ipapakita nyo?"
"Malalaman mo din pag nandun tayo." Ani Maezy.
Nagtataka ako ng papalapit kami ng papalapit sa Gym stadium. Naririnig ko na din nag hiyawan ng mga estudyante sa loob.
"May laro ba ng basket ball ngayon?" Usisa ko.
Sa halip na sagutin nila ako. Mas lalo nila akong hinila papasok sa loob ng gym stadium.
"Oh! Ngayon nasa loob na tayo ng stadium. Anong plano nyo? Bakit nyo ako dinala dito?"
"Si Clarence Miguel.." Ani Maezy.
Taas ang kilay kong nakatingin sa kanya. "What?"
"Tingnan mo kung sino yung naglalaro ng basketball." Nakangiting sabi sakin ni Maezy.
Saka ko lang tiningnan ang nasa unahan at laking gulat ko ng makita ko si Clarence Miguel."Anong ginagawa niya dyan? Bakit member na siya ng basketball?"
Ngumiti si Phoebecate. "Pansinin mo din yung kalaban nilang naka red na jersey."
"Teka! Si Tyron yon ah!" Basketball Player na din siya?"
Magkasabay silang tumango sakin. "Kaya maraming gustong manood kasi gusto nilang makita ang crush nila kung paano maglaro ng baskeball first time nilang makita na naglalaro ng basketball ang idol nila."
"Teka! Anong pumasok sa utak ng dalawang abnoi na yon at sumali sila sa basketball?"
Ngumiti sakin pareho ang dalawa. "Dahil sayo! Dahil sa Queen nila kaya sila naglalaro ngayon ng basketball."
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...