Clarence Miguel's POVNAMIMILIPIT ako sa sakit matapos sipain ni Jhoace ang maselang bahagi ng katawan ko. Okay sanang basagin niya ang mukha ko ng ilang ulit kasi pwedeng ipaplastik surgery pero yung nasa pagitang ng hita ko bawal yon mabasag kasi sensored yon at maraming magluluksa kapag nabasag yon lalo na si Jhoace.
"Alalayan natin si C.M dali! Patay na yung kaligayahan niya!" Ani Matt sakin inalalayan pa niya ako para makaupo.
"Uminom ka ng tubig bro baka nahirapan kang huminga." Sabad pa ni Clark.
Lahat sila nakatingin sakin habang iniinom ko ang tubig na nasa baso ko. Pagkatapos kong saidin yon. Sinalubong ko ang mga tingin nila sakin. "What?"
"Concern lang kami sayo Bro. Pero siguro kailangan nating pumunta ng comfort room i-check mo baka basag na O kaya may crack na. Alam mo na concern lang kami sa kaligayahan mo." Ani LjDale.
Kung hindi ko nakikita ang pagiging seryoso nila baka minura ko sila. Dahil iisipin kong nag-aasar lang sila sakin. Pero dahil seryoso sila kaya alam kong concern sila.
"Oo bro. Alam mo ba ang sipa sayo ni Jhoace? Grabe buong pwersa! May hugot." Ani Zach.
"Psh! Masakit pa nga hanggang ngayon. Samahan nyo nga akong pumunta ng Comfort room."
Agad naman silang tumayo upang alalayan ako. Naiinis ako sa pagiging OA nila. Binuhat nila ako at pinagtulungang dalhin don. Bago pa lang kaming pumasok napansin namin ang maraming tao loob ng Cr.
"Akong bahala dyan!" Ani Brent. Tapos nauna siyang pumasok sa loob ng Banyo pagpasok niya ilang segundo lang nagmamadaling lumabas ang mga tao doon. Nagtataka kaming sinundan ng tingin sila habang palabas sila.
"Anong ginawa ni Brent? Bakit nagsilabasan silang lahat?" Tanong Matt.
"Let's go pasok na kayo!" Ani Brent.
Pagpasok namin nakakasulasok na mabahong amoy ang bumungad samin.
Parang alam na namin ang dahilan kung bakit nagsilabasan ang mga tao."Letche ka Brent! Hindi ba uso sayo ang tumae araw-araw? Gago ka! Papatayin mo ba kami sa utot mo!!" Masusuka-suka pa si Clark.
"Unggoy wag kang magreklamo. Ubusin mo na lang yung amoy ng mawala. May maganda din namang naitutulog satin katulad nito." Ngumiti pa ito.
"Pagkami hinimatay sa amoy na yan! Papatayin kita Brent." Ani Zach.
"Ibaba nyo yang si Clarence Miguel ng macheck niya para malaman natin kung buo pa. Hindi yung nagrereklamo kayo dyan." Sabi pa ni Brent.
Agad naman akong binaba nila. Nakatakip ako ng panyo ng pumasok ng cubicle. Hindi nga ako mamatay sa pagkabasag ng kaligayahan ng mga babae. Baka mamatay naman ako sa utot ni Brent.
"Putcha! Bilisan mo Clarence nahihirapan na akong huminga. Gago ka Brent! Yearly ba ang pagdumi mo kaya ganyan kabaho?" React pa ni Matt.
"Ang dami nyong satsat may nakuha naman kayong benefit." Humalakhak pa si Brent.
"Let's go!" Sabi ko ng makalabas ako ng cubicle.
"Anong nangyari? Buo pa ba?" Usisa nila sakin.
Tumango ako. "Oo tara lumabas na tayo. Hindi ko na kayang magtagal dito." Sabi ko pa. Tapos nagmadali kaming lumabas.
TIKOM ang kamao ko habang inis na inis akong pinakikinggan ang mga kalokohan ng mga kaibigan ko nasa hotel na kami ng lahat at ngayon ako ang naging topic nila.
"Nakakatakot talaga si Jhoace na maging girlfriend nambabasag ng Egg." Sabay halakhak nila.
"Ikaw naman kasi C.M dapat hindi mo kinausap ang babaing yon. Sigurado kung wala ka don baka umuwi ang babaing kasama mo na Basag-basag ang mukha." Ani Matt.
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...