Clarence Miguel's POV"Wag poo!! Maawa po kayo sakin!!!" Palahaw na sabit ng tatlong lalaking nakalupagi sa harapan namin. Sa maliwanag na gusaling ito walang sinuman ang mag aakalang may secretong lugar sa ilalim. Ito ang isa sa mga hide out namin. Si Mommy, Daddy, ate Samantha Rain. kasama ang sampung tauhan namin ang nakapalibot sa tatlong yon. Halos hindi na mailarawan ang sabog na mukha nila dahil sa mga natamo nila sa mga tauhan ni Daddy.
"Boss, totodasin na ba namin ang tatlong ito. Ayaw kumanta." Ani ng isang tauhan ni Dad.
Wala akong makikitang reaksyon sa mukha ni Dad habang pinagmamasdan ang tatlo. Bumuga muna siya ng Usok ng sigarilyo. Bago muling nagsalita.
"Anong oras na ba Piolo?" Tanong ni Dad sa lalaking nakasando na akala mo ay galing gym lang dahil sa laki ng katawan. Kung titingnan mo siya hindi mo mahahalatang isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Dad. Ibang-iba kasi ang itsura niya hindi siya mukha masamang tao. At hindi mo aakalain na nakapatay na siya ng Dalawang daang kalaban mula pa noon.
"Alas onse na ng gabi Boss."
"Anong oras ba tayo dapat na wala sa lugar na ito?" Sabi pa ni Dad.
"Alas diyes ng gabi Boss."
"So ibig sabihin lumaspas na tayo ng isang oras sa kakaamo sa mga Hinayupak na to!"
"Opo Boss!"
Lumapit si Daddy sa tatlo. "Kapag hindi parin kumanta sa tanong ko todasin nyo na!" Baritong utos ni Dad.
"Yes Boss!"
"TEO!" Sigaw ni Mommy kay Daddy.
Huminto si Dad at mabilis na lumapit kay Mommy. "Yes Darling!"
Nagulat na lang kami ng biglang suntukin at sipain ni Mommy si Daddy. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa itsura ni Daddy.
"Inaantok na kami ang tagal nyong patayin yan! Ang dami nyong paligoy-ligoy pa!" Kinuha ni Mommy ang baril kay Daddy at kinasa iyon pinaputukan ang tatlo ngunit sinadya yatang hindi patamaan ni Mommy ang mga yon. Lumapit si Mommy sa Tatlo at itinapat ang dalawang baril na nasa magkabilang kamay niya. Salubong ang kilay ni Mommy ng nakatigtig siya sa mga iyon.
"ISANG TANONG! ISANG SAGOT! ANONG KULAY NG LIPSTICK NA GAMIT KOO!!! SAGOT!"
"S-si Fernando Linton po at ang Dragon whisky Clan ang Nag-utos samin na patayin kayoo!!" Sagot ng isa.
"N-nandito na sila sa pilipinas para ubusin ang Lugen Clan at ang Four Blue Eagle." Sagot pa ng isa.
"Maawa po kayo samin wag nyo kaming patayin!"
Takot na takot na pakiusap ng tatlo kay Mommy. Nakangiting lumingon si Mommy kay Daddy. Nagkibit balikat pa si Mommy.
"I told you Darling. Dapat kanina mo pa ako hinayaan na paamin sila."Inis na inis na tinapunan ni Daddy si Piolo. "Bigyan nyo ng reward ang tatlong yan!" Sabi pa ni Dad.
"Opo Boss!"
"Let's go! Clarence at Samantha umuwi na tayo." Sabi pa ni Dad sakin.
"Ate Samantha, ang galing ni Mommy ang bilis niyang napaamin ang tatlo. Samantalang kanina ayaw umamin. Napahirapan pa tuloy sila." Sabi ko habang magkatabi kami sa upuan sa loob ng kotse ni Daddy. Bulletproof ang buong sasakyan namin. Kaya safe kami sa mga balang hindi mo inaasahan.
"Anong magaling. Natakot lang sila dahil nakita nilang takot na takot ang leader ng Mafia sa Asawa niya. Kaya natakot sila." Pabulong na sagot ni Ate Samantha.
"Ganon ba? Okay na rin yon para hindi sila papatayin. Binigyan sila ng reward ni Daddy."
Payak na tumawa si Ate Samantha. Tapos tinapik niya ako sa balikat. "Wala ka pa nga talagang alam. Alam mo ba ang sinasabi nilang reward Clarence?"
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Novela JuvenilQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...