Denver Claide's POV;ISA-ISA kong pinagmamasdan ang larawan na ibinigay sa'kin ni Tito Teo. Kaharap ko siya habang dalawa lang kami sa Pribado niyang silid. Pinagmasdan kong maigi ang Bawat larawang iyon.
"Tito! Sila ba ang mga kaaway nyo?" Tanong ko sa kanya.
Humithit muna si Tito Teo sa sigarilyo niya bago siya sumagot sa tanong ko. "Ilan lang sila sa mga kalaban namin. Ngunit ang pinakamalaking nag-iimpuwesiya sa kanila ay si Fernando Linton. Marahil alam na niyang siya ang binabatayan ko. Dahil nagiging maingat na sila sa mga kilos at galaw nila ngayon."
"Tito, tumindi ang galit niya sayo ng pasabugin mo ang isa sa mga kumpanya niya. Nalugi din ang ibang negosyo niya dahil umatras ang ibang investor nila dahil po yon sa inyo."
Tinitigan akong maigi ni Tito Teo. "Humahanga na talaga ako sayo Denver. Ang Daddy mo Hindi naman kasing talino mo? Or i can say walang kasing utak mo sa angkan nyo. Naiiba ang talino mo? Siguro sa ninuno ng Mommy mo? Hindi pala sa angkan ng Mommy mo. Dahil ang Mommy mo naman kasi.. Maganda lang pero pasang-awa lang din ang grades noon katulad ni Allyson."
Kung hindi ko kilala si Tito Teo
Marahil baka napikon na ako sa pang-iinsulto niya sa pamilya ko. Pero alam ko namang biro lang niya yon. Dahil alam naman niyang matatalino ang lalaking Santiago. "Tito, Kung maririnig kayo nila Daddy, Tito Frits at si Mommy baka tinapon na kayo sa ilog pasig ng mga yon." Biro ko din sa kanya.Pilit siyang ngumiti. "Nakakamiss din ang mga yon. Kapag natapos ang gulong ito. Ibabalik ulit natin ang dating ginagawa natin. Sa ngayon Denver kailangang tapusin natin ito. At ikaw ang secret weapon ko."
Napangiti ako sa huling sinabi na Tito na ako ang secret weapon niya. Parang kelan lang kasi ng pilitin ko siyang turuan din ako sa mga tinuuro niyang self defence noon kila kuya John Ace at kuya Clarence Miguel at sa iba pa. Hindi niya ako tinuruan. Kung hindi ko pa nasagot ang isang palaisipan na tanong sa kanya ng kaaway nila sa Amerika wala siyang planong turuan ako dahil daw sa sakitin daw ako noon. Hindi ko daw kakayanin. A dahil idol ko si Tito Teo kaya Sinikap kong matuto agad ang lahat ng tinuturo niya sa'kin. Ngayon mas magaling pa yata ako sa favorite anime kong si CONAN.
"Yes! po Tito."
"Mabuti naman at maasahan kita. Sige na kailangan nating tapusin ang napag-uusap natin baka makita ka pa ni Clarence Miguel na nandito."
Tumayo na ako habang ang dalawang kamay ko ay nakapamulsa sa pantalon ko. "Sige po Tito Teo. Aalis na po ako." Sabi ko pa sa kanya.
Di tulad ng ordinaryong bisita nila Tito Teo. Sa Main door sila lumalabas. Ako sa secret door ng silid na iyon ako lumabas. Upang walang kahit sinong pamilya ni Tito Teo ang nakakaalam. Paglabas ko sa Mansion nila dumaan ako sa Mansion nila Tito Frits at Tita Ally. Naabutan ko doon si Ate Jhoace kaya naisipan ko siyang lapitan. "Ate Jhoace!" Tawag ko sa kanya.
Nilingon naman niya ako. "Oh? Ikaw pala Denver! Pumasok ka sa loob nandun sila Mommy at Daddy." Sabi niya sa'kin.
Napansin kong papasok na siya sa school kaya muli kong kinuha ang atensyon niya. "Ate Jhoace!"
"Bakit na naman ba?! Babatukan na kita ang kulit mo!"
Mabilis kong kinuha ang maliit na pin sa loob ng panatalon ko. "May dumi ang buhok mo." Pasimple kong hinawakan ang buhok niya upang kunwari kukunin ang dumi. Ang hindi niya alam may maliit na pin akong idikit sa buhok niya. Detector yon. Upang malaman ko kung saan siya pumupunta. Pasimple ko ding dinikitan ang kotse niya. Ang sabi kasi ni Tito Teo. Isa si Ate Jhoace sa puntirya ng mga kalaban nila dahil kay kuya Clarence Miguel. "Ayan natanggal ko na."
Ngumiti siya sakin. "Thanks Denver." Tapos sumakay na siya sa kotse niya. Pagkalabas niya ng mansion agad kong tiningnan ang cellphone ko. Nakaconnect kasi yon sa Cellphone ko sa GPs ko. Kaya alam ko kung saan siya matatagpuan kung sakali.
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...