Jhoace's POV"Clarence... Ikaw ba yan?" Anas ko habang kitang-kita ko ang mukha niyang nakangiti sakin.
"Yes! My Lovely Queen."
Ngumiti ako sa kanya. "I love you Clarence Miguel." Sabi ko pa sa kanya.
"I love you most Jhoace." Tapos hinawakan niya ang chin ko habang nakatitig siya sakin at unti-unti niyang inilalapit ang mukha nya. Pumikit ako upang kahit papaano maibsan ang nararamdaman kong kilig.
"Araouch!" Sigaw ko. Nang bigla akong bumalik sa realidad. May tumama kasi sa mukha ko na kinagulat ko at naging pagbabago ng sistema ko.
"Goodmorning my Slave!" Bungad na bati sakin ni Clarence Miguel. Nasa loob siya ng kwarto ko. Nakaupo sa maliit na sofa sa loob ng kwarto. Nakadikwatro pa siya habang nakangiting nakatingin sakin.
"Paano ka nakapasok sa loob ng kwarto ko?" Inis kong tanong sa kanya. Ang sarap ng panaginip ko tapos sisirain nya lang.
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos dumako ang mga mata niya sa mukha ko at ngumiti siya sakin. "Ganyan ka ba talaga matulog My Slave? You're not wearing Bra? Are you trying to seduce me?"
"Huh?"
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa kama ko habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa loob ng maong short niya. Hindi rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sakin. Lumapit siya sakin hanggang sa maamoy ko na ang hininga niya. Pakiramdam ko tuloy hihimatayin ako sa sobrang kabang nararamdaman ko.
"Why you're so beautiful?" Halos pabulong niyang sabi sakin. Habang ang mga mata niya ay nakatitig sa labi ko.
Napalunok ako sa ginawa niya. Kaya naman marahan ko siyang tinulak palayo sakin. Tapos hinila ko ang comforter at tinakip ko sa katawan ko.
"Hindi ko alam kung paano ka nakapasok sa loob ng kwarto ko. Pero kung anoman ang ginawa mong paraan para makapasok ka dito. Wala na akong pakialam! Please! Get out! Bigyan mo ako ng privacy!"
Nanatili siyang nakatitig sakin. Nahihirapan na tuloy akong makipagtitigan sa kanya. Para kasing hindi na siya kumukurap. Habang tinitigan niya ako. Tumawa siya ng malakas. Yan yung tawang gustong-gusto kong makita sa kanya yung tawang nakaka goodvibes sakin. Pero hindi na ngayon. Mas nakakainis ang tawa niya kesa ang kiligin ako.
"You want privacy Jhoace? Just be with me forever. Hindi lang privacy ang meron ka. Pati mundo kaya kong ibigay sayo. Maging akin ka lang!"
Nakakunot ang noo kong nakatitig sa kanya. "Naka drugs ka ba?" Tanong ko sa kanya. Sumimangot naman siya sa sinabi ko.
"What?!"
"Ang ibig kong sabihin bakit ka nagkakaganyan? Daig mo pa naka drugs eh,"
"I'm serious Jhoace. Just be with me." Sabi pa niya habang nakatitig siya sakin.
Nakipagtitigan ako sa kanya tapos ngumisi ako. "Pakialam ko! Hindi ako interesado sayo!" Pagkatapos tumayo ako upang magtungo sa banyo.
"Pakipot ka pa sakin Jhoace! Alam naman natin na mahal na mahal mo ako. Pero sige! Pagbibigyan kita sa gusto mo. Susuyuin kita hanggang sa gusto mo." Habol niyang sigaw sakin.
Matalim ko siyang tinitigan bago ako tuluyang pumasok sa loob ng banyo. Nagbabad ako sa Jacuzzi upang mawala ang nararamdaman ko. Nakangiti ako habang iniisip ko ang nangyari kanina. Sino ba naman ako para hindi kiligin sa isang Clarence Muguel Lugen. Sobrang lakas ng appeal niya. At sobrang bango.. Ang macho niya pa. Kanina pinipigilan ko lang ang sarili kong wag siyang hilahin upang sumubsob sakin. Ayokong pagtawanan niya ako dahil gustong-gusto ko parin siya.
BINABASA MO ANG
MALDITA VS GANGSTER BOOK 1
Teen FictionQueen of Upgraded malditah ang tawag kay Jhoace Ramirez Santiago. Dahil sa Taglay niyang ka-malditahan at pagiging suplada. Ikaw ba naman maging anak ng isang ni Allyson Ramirez Santiago Ang kinaiinis noon ng lahat ng estudyante. Malamang magiging m...