Chapter 34

56.4K 1.7K 168
                                    

Teo's POV

NAKATAYO sa harapan ko ang  four blue eaggle. Seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sakin.

"Tapusin na natin ang laban na ito!" Awtordidad kong utos sa kanila kuyom pa ang mga kamao ko habang sinasabi ko sa kanila ang bagay na yon.

"Lord Teo. Kami na lang ang susugod maiwan ka na lang dito. Sisiguraduhin kong dadalhin namin ang ulo ni AD sayo." Ani Xenon.

"Wag mo siyang pakialaman ako ang papatay sa gagong yon!"

"Sasama ka parin ba? Paano si Yurie? Kailangan ka niya ngayon dahil buntis siya." Sabad ni Alfed.

"Alam kong maiintindihan niya ako. Tara na!"

"Sigurado ka bang sasama ka samin Lord?" Muling tanong ni Luffy.

"Matagal kong pinaghandaan ang laban na ito. Kaya tara na!"

Bitbit namin ang mga dekalibreng baril at mga hitech na gadget na makakatulong samin sa pagSugod. Paglabas namin ng mansion sinalubong kami ng mga taong nakasakay sa  Helicopter.

"Lord Teo. Nagawa na namin ang pinag-uutos nyo."

"Mabuti naman! Le'ts go!"

Limang Helicopter ang sumalubong samin. Susugod kami sa hide out nila AD. May mga naunang mga tauhan ko ang naroon sila ang mga tauhan kong matagal ng nagmamatiyag sa grupo ng mga Baldemor. Ito na ang araw ng pagtutuos. Ang araw ng pinangako kong araw para kay AD.

"Teo, Magpakasaya ka ngayon. Dahil darating ang araw na maghaharap din tayong muli at oras na dumating yon. Sisiguraduhin kong magkakaroon kana ng death certificate." Sarkastikong sabi sakin ni AD
Matapos ng kasal namin ni Yurie
Mula kasi ng maging kami ni Yurie. Nagalit na siya sakin lalo ng pinagbawalan ko si Yurie na sumama at makipagkita sa kanya O kahit sa kaninong kapatid niya
Alam kong may masama silang balak kay Yurie. Hindi ako kasing hina ng utak nila para hindi malaman yon. Pasikreto kong pinamanmanan silang magkakapatid at napag-alaman kong nakakulong ang Mommy nito at pina-plano nilang paibigin si Yurielainne upang makuha ang lahat ng kayaman ni Yurielainne.

Binuga ko sa mukha niya ang usok ng sigarilyo ko. "Psh! Hindi pa pinapanganak ni Satanas ang taong papatay sakin."

"Damn You!" Nanggigil niyang sabi sakin. Aakma sana itong bunutin ang nakatagong baril sa tagiliran niya.

"Bakit hindi mo subukang bunutin ang baril sa tagiliran mo ng makilala mo na ang Tatay mo sa impyerno."

"May araw ka din!" Tapos bigla itong tumalikod sakin at umalis palayo.

Hinabol ko lang siya ng tingin. Tapos umiling ako. "Gunggong talaga!"

Mula ng araw na iyon hindi na sila nagparamdam samin ni Yurielainne. Hanggang sa nabalitaan kong Kasali na sila sa Mafia. Under ko ang Baldemor Brothers. Ngunit ng malaman nilang ako ang bagong Mafia Boss. Gumawa sila ng paraan para siraan ang Lugen Clan. Humiwalay sila sa grupo namin at nag-aklas sila. Ngayon gusto nila akong patayin kasama ang pamilya ko at y'on ang hindi ko mapapalampas ang pakikialam niya sa pamilya ko. Bago pa ako mabawian ng buhay sisiguraduhin kong saksi ako sa paghabol niya ng huling hininga niya.

"Lord, tumawag kami mula sa mansion ng mga Baldemor. Kalahati ng mga tauhan natin ang nalagas na." Sabi pa ni Samora.

Nagdilim ang paningin ko sa balitang iyon. "Paanong dumami sila do'n?"

"Dumating po ang mga tauhan ng mga Linton."

"Bullshit!!" Napasigaw ako sa inis. "Talagang ginagalit nila ako! Pwes! Humanda sila!" Dinukot ko mula sa bulsa ko ang Cellphone ko at tinipa ko ang numero ng cellphone ni Terrence Luaward. Marami din mga tauhan si Terrence Luaward dahil sa kanyang yumaong Ama. Siya nag nagpatuloy ng yapak nito. Hindi nga lang niya pinagpatuloy ang pagiging druglord nito.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon